Chapter 34
"Zach? Bakit ka sumisigaw?" Tanong ko. Humarap naman siya sakin ng nakakunot ang noo pero bigla din itong nawala.
"Wala. Nagising ba kita? You should rest." Aniya at lumapit sakin. Hinaplos niya naman yung buhok ko.
"May problema ba babe?" Ani ko at umupo na ako sa pagkakahiga at niyakap siya. Gusto ko kasi lagi na niyayakap siya.
"Nothing. I think I'm stressed. Shall we sleep?" Aniya at pinahiga na ako. Humiga na rin siya. Magkatapat ang mukha namin at pumikit na din.
"Goodnight babe. I love you." Ani ko habang nakapikit. Niyakap ko naman siya. Ganito kami kapag natutulog.
"Sleep well babe. I love you too." Aniya at hinalikan ako sa noo.
Maya maya ay napadilat ako. Hindi ako makatulog pero kanina naman antok na antok ako. Tumingin naman ako sa tabi ko at laking gulat na wala si Zach. Asan kayo yon?
Bumangon ako ng dahan dahan at lalabas na ng kwarto ngunit may narinig akong boses. Boses ni Zach. Nasa labas lang ng kwarto namin.
Dahan dahan kong nilapit yung tainga ko sa pinto at naririnig ko na ng malinaw ang boses niya na parang may kausap. Sino? Sino ang kausap niya?
"Now what Andi?!" What?! Sinong Andi? Hindi pa nga lumalabas si baby may kabit na agad?! Andi... Andi LAndi bagay pa. Aba kapag nakita ko yang babae ni Zach lalampasuhin ko. Kumukulo ang dugo ko. Hindi naman ako ganito dati ah.
"I don't fucking care!" Muntik na kong mapatalon sa sigaw ni Zach. Sino ba yang si Andi? Minura ni Zach? Ibig sabihin hindi niya kabit yun. Buti naman. Parang galit na galit si Zach sa tono ng pananalita niya.
Ganyan yung boses niya ng kaharap niya yung babae kanina sa mall. Hindi kaya siya yung babae sa mall na kasalukuyang kausap ni Zach ngayon? Bakit ano bang problema? Ayaw namang sabihin ni Zach.
"What the hell?! What do you want Andi?!" Aniya at mas lalong nakakatakot ang boses niya. Ngayon ko lang narinig ang ganyang boses ni Zach. Napaatras tuloy ako bigla.
"Tsh! Don't you dare. Why would i give it to you. I'm not crazy to give up those. Haha! You're insane." Narinig ko naman ang nakakatakot na tawa ni Zach. Ano ba ang pinag uusapan nila? Naguguluhan ako. Ano yung dapat na i-give up ni Zach.
"Go ahead. I won't stop you as if i care." Aniya at nakarinig ako ng foot step. Dali dali naman akong humiga sa kama at inayos ang pagkakahiga ko. Hinihingal pa nga ako dahil sa biglang pagtakbo ko.
Naramdaman ko namang lumubog ang kama hudyat na humiga siya. Pilit kong pinakalma ang sarili ko para hindi niya mahalata na nagtutulog tulugan lang ako.
Pinakiramdaman ko naman ang paligid ko kahit gusto ko ng dumilat ay hindi ko magawa at baka magtaka si Zach. Gusto ko siyang kumprontahin sa narinig ko ngunit hindi pa ito ang tamang panahon. Nararamdaman ko.
"I can do it. I can do it. I can." Mahinang bulong niya. Naguguluhan naman ako sa mga pinagsasabi niya. Hinaplos niya naman ang impis kong tiyan at tsaka nagsalita.
"Hi baby. I'm your handsome father. I can't wait to see you. We can't wait to see you especially us. Your parents." Gusto kong tumawa sa sinabi niyang 'Handsome father' kaso nagpipigil lang ako dahil mahahalata niya na gising ako.
"The two of you are my strength and my weakness. For our family's sake i will do what is right, for our family safety. Mahal ko kayo ni mommy mo baby." Lumambot naman yung puso ko sa sinabi niya. Parang may meaning yung sinabi niya pero hinayaan ko na lang. Naglulundag kasi ang puso ko sa saya.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
General FictionGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen