Chapter 7
Pinuntahan ko sa kwarto si Sam para ipaalala na mag enroll na dahil next next week na ang pasukan at isabay na din si Andrew.
Kumatok muna ako sa pinto bago nagsalita "Sam? Sam??" Sabay katok ulit sa kwarto niya.
"Come in." Aniya kaya binuksan ko na lang yung pintuan. Nakita ko naman siya na nakahilata pa din sa kama niya.
"Sam nga pala, Mag enroll na kayo ni Andrew. Pasabay na lang iisa naman na kayo ng school tsaka malapit na ding magpasukan." Simula ko at umupo ako sa tabi ng kama niya.
"Oh. Of course! Sure. Gusto mo bang mag aral. I'll talk to my mom." Diba may himala bumait na siya samin at close na close pa kami.
"Wag na. Magtatrabaho na lang ako. Sayang naman kung hindi ko ipagpapatuloy yung trabaho para na din may pang gastos kami ni Andrew." Sayang din naman kung hindi ako makakapag aral pero kasi ayokong magtalo silang mag ina dahil sakin at kung mag aaral man ako gusto ko sariling sikap ko para wala akong marinig na sumbat.
"Ok. Kung yan yung gusto mo. Sumama kana lang samin ni Andrew para mag enroll."
"May trabaho pa ako eh." Dahilan ko at totoo naman kasi baka mapagalitan na ako neto.
"Then sabihin mo mag off ka muna ngayon dahil may importante kang gagawin. Basic!" Natawa naman ako sa tono ng pananalita niya ng basic kaya tumango na lang ako.
"Ok sige. Anong oras ba?"
"9 o'clock be ready." Aniya at tumayo papuntang cr. Lumabas na din ako ng kwarto niya at pumunta na sa kwarto namin ni Andrew. 6:30 pa lang naman eh.
Tinawagan ko naman si Anna at nakisuyo na mag o-off muna ako dahil sasamahan kong mag enroll si Andrew. Umoo naman siya at siya na din daw bahalang magpaliwanag kay sir. Renz. Nagpasalamat naman ako sa kanya.
Ginising ko na si Andrew at pinaligo dahil pupunta kami sa JU. Natuwa pa nga dahil kasama ako. Nagbihis na din naman ako at sabay na kaming bumaba para kumain. Kumuha na din ng katulong si tita para may kasama siya sa bahay.
"Im ready." Ani Andrew at humarap sakin.
"Ang gwapo talaga ng kapatid ko. Oh ano tara na?" Pinisil ko pa yung pisngi niya.
"Aray ate. Ilang beses ko na bang narinig yan sayo. Alam ko gwapo ako." Nahawa na yata siya ng pagkayabang ni Sam.
"Oo na. Tara na. Nagmana ka yata kay Sam eh."
Bumaba na kami ng hagdan at nadatnan naming kumakain na si Sam. Niyaya pa kami at umupo na din sa bangko at kumain na din.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa kotse niya. siya na daw ang magdadrive.
Nasa likod naman kaming dalawa ni Andrew. Nagreklamo pa nga si Sam kung bakit nasa likod kami ginawa pa daw namin siyang driver. Wala din naman siyang nagawa kaya nagdrive na siya hanggang sa makarating na kami sa school.
Bumaba na kami sa kotse at nakita na marami na ding estudyante. Mag papaenroll din sana lang wag ko makita si Zach dito.
Pumunta na kami sa registra para makapag enroll na sila. Binayaran na din ni Sam yung tuition nila thru credit card. Yung kay Andrew naman ay full tuition na yung binayaran niya. Yung sa kanya ay 1st semester lang.
Naglakad lakad muna kami ng makita namin si Cyrus Rubante kasama ang mga barkada niya. Si Cyrus nga pala ay pinsan namin ni Sam. Kaso hindi siya gaano malapit samin bukod sa malayo yung bahay niya samin ay paminsan minsan lang din kami magkita kapag may okasyon.
"Hey! Cyrus!" Bati ni Sam. Napansin ko lang mahilig mag hey si Sam kapag tatawagin niya ang isang tao.
"Oh kuya Sam ate Zoey. Oh hi Andrew kamusta ang gwapo kong pinsan?" Nakipag high five naman siya kay Sam ginulo niya naman ang buhok ni Andrew. Nakangiti lang siya sakin. Mas matanda pa kami kesa sa kanya if im not mistaken nasa 14 or 15 na siya. 2nd year high school.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
General FictionGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen