Chapter 13
Nagising ako dahil sa lamig na nararamdaman ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong andito nga pala ako sa kwarto ni Zach. Nakabalot naman ako ng kumot pero nilalamig pa din ako. Nakahubad nga pala ako.
Naalala ko na naman yung pinag usapan namin ni Zach kagabi. Dapat ko bang ibigay lahat ng tiwala ko? Siguro wag muna lahat at baka masaktan lang ako. Unti untiin ko muna at mas mabuting kilalanin muna namin ang isa't isa.
Tumayo na ako sa kama at tinignan kung anong oras na. Alas otso na patay! May pasok pala si Andrew at ako. Nagbihis na ako ginamit ko yung t-shirt ni Zach dahil yung mga gamit namin nasa sala pa pala ayokong lumabas ng nakahubad.
Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo na sa kusina. Nakita ko naman doon si Zach na umiinom ng kape. "Good morning?" Patanong na bati ko. Bigla naman siyang napalingon sakin.
"Good morning babe. Nice shirt. It's suit you." Nag init naman yung pisngi ko dahil sa sinabi niya. Medyo nahihiya pa din akong tawagin niyang babe. Hindi ako sanay.
"Nasan na si Andrew?" Tanong ko dahil hindi ko naman siya nakita.
"Pumasok na. Nagpaschool bus na ako sa kanya para di kana mahirapan." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko kayang bayaran yon.
"Pero Zach hindi ko kayang bayaran iyon masyadong mahal hindi ganon kalaki yung sahod ko tsaka ako na din ang gagastos sa pag aaral niya." Mabuti na lang at nabayaran na ni Sam yung tuition ni Andrew kung hindi baka magkautang kami sa school.
"Hindi ko naman sinabing bayaran mo. Wait hindi ka na pala papasok sa trabaho mo simula ngayon."
"What?! Bakit naman?" Gulat kong sigaw.
"Yes. I talked to Renz that you'll gonna leave your job on him. Dito ka lang sa unit ko." Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ayoko dito ano namang gagawin ko.
"Ano namang gagawin kong maghapon dito? Tutunganga at hihintayin kayo hanggang makauwi na kayo." I said in sarcastic toned.
"That's a good question. Meron akong coffee shop at ikaw ang mag hahandle non." Umupo na ako sa kaharap niyang upuan dahil nangangalay na ako.
"Pero bakit ako? At ikaw may coffee shop eh studyante ka palang naman." Kumuha ako ng tinapay at hotdog at sinimulan ko ng tong kainin. Nagugutom na ako.
"Oo naman. Marami din akong pinagkakabaalahan kahit nag aaral ako. Working student nga ata yung tawag doon." Napanganga talaga ako sa sinabi niya. Ang yaman yaman niya tapos may mga shop pa siya. Dapat pag aaral muna bago magtrabaho. May mga magulang kaya siya?
"Wow. Mayaman kana nagpapayaman kapa ano pang merong shop ka?" Namamangha kong tanong
"Like coffee shop, pet shop and bookstore. And i have a company of toys. Hindi naman ako nahihirapan dahil nasanay na din ako. Pinama saakin ng dad ko." Ang dami niya palang pinagkakabalahan at napapagsabay sabay niya ito.
"Ang galing mo pala. Kaya mong pag sabay sabayin yang lahat." Ngumunguya pa din ako habang nag uusap kami.
"Kaya nga ikaw na mag hahandle ng coffee shop para mabawasan ang mga iniintindi ko ok?" Tumango na lang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwalang ako ang hahawak nito. Masyado niya akong pinagkakatiwalaan.
"Diba may pasok kapa? Bakit andito kapa?" Mas gusto ko atang hawakan yung pet shop niya. Animal lovers kaya ako.
"Yeah. Hapon pa naman."
"Nasan nga pala yung mga magulang mo? May kapatid ka ba?" Wala siyang nakukwento kung nasan ang mga magulang niya. Sabagay ako din hindi ko sinasabi kung anong nangyari sa mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
General FictionGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen