Chapter 35 (It Hurts!)

4.4K 113 23
                                    

Chapter 35

Sa sobrang gulat ko sa nakita ko ay hindi ako makagalaw. Nagsara na ang elevator kaya natauhan na ako. Ano yon?

Dali dali naman akong pumunta ng elevator at nagpipipindot para makasakay agad. San ko siya hahanapin? Anong floor?

Nagbukas naman ang elevator at agad akong pumasok. Kahit anong floor ang madatnan ko ok lang hahanapin ko na lang. May mga sumakay din at mukhang empleyado. Magtatanong na lang ako.

Tumingin naman ako sa kanan ko at nakita ko ang babaeng naka pencil skirt at mukhang mataray. I clear my throat before i speak. "Hi miss. San ang floor ni Zach?" Tanong ko sa kanya.

Nagsimula ng umakyat ang elevator marami din ang tao dito. Tumingin naman sakin ang babae at nagtaas ng kilay. Bakit ganito ang mga trato nila sakin? Porket nakapambahay lang ako? Argh!

"Bakit mo tinatanong?" Taas kilay niyang sabi. Tumaas din ang kilay ko dahil naiinis na ako. Kanina pa ang mga empleyado dito kung ituring ako parang janitor! Mapupuno na ang inis ko kaya sinigawan ko na siya at namura.

"Just tell me where the hell is he!!" Napansin ko naman na medyo nagulat siya pero hindi niya pinahalata. Lahat ng tao dito sa loob ng elevator ay nakatutok samin. Ayaw pa atang magpatalo ni ate. Baka mapahiya siya.

"Woah.. You don't have the rights to shouted at me! And who the hell are you?!" Aba minura pa ako. Nagtitigan kami at ngumisi naman ako.

"Who is me? Haha! I'm the owner this fucking company and starting today you are fired! You get me? YOU. ARE. FIRED!!" Sigaw ko. Ayoko sa lahat ay yung binabadtrip ako.

Badtrip na nga ako kanina sa babaeng ayaw sabihin kung asan si Zach then nakita ko si Zach na may kasamang magandang babae at ngayon dumagdag pa siya. Napupuno na ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaasta ko. Nawala ata ang respto ko dahil sa mga empleyadong walang respeto dito.

Nagsisinghap naman ang mga tao sa loob ng elevator. Tumawa naman siya ng mapang asar kaya mas lalo akong nainis. "Haha. Nice prank miss. Pagkakaalam ko ang may ari neto si Mr. Zach and not you. Assuming ka miss." Ngumisi siya.

Nginisian ko din siya kahit badtrip na badtrip na ako. Tiningnan ko naman ang pangalan niya at siya pala ang personal assistant ni Zach. Her name is Jennifer Fabio. Nice name.

"Jennifer Fabio. I keep in my mind your beautiful name. And by the way. I'm Zoey Scott. Zach's wife. Say goodbye to your job." Kinindatan ko naman siya at nakita kong nagulat at namutla siya. Sakto namang bumukas ang elevator kaya lumabas na ako.

Ang taray ko doon ah. Ang galing ko. Pwede rin pala akong maging maldita. Napangiti na lang ako ng wala sa oras pero naglaho ang mga ngiti ko ng maalala ko si Zach.

Nagtanong ulit ako kung saan ang office ni Zach buti na lang yung pinagtanungan ko ay edukado kaya nagkaintindihan kami. Dito lang din pala ang office niya kaya lang sa dulo pa kaya nagmadali akong pumunta doon. Baka may ginagawa pang milagro yung dalawa aba piprituhin ko silang dalawa.

Pinihit ko na ang pinto. May nakalagay pa ngang owner office kaya sigurado akong nandito siya tsaka hindi naman sarado yung pinto hindi naman siya magagalit kapag nakita niya ako baka nga matuwa pa iyon.

Pagkapihit ko ng pinto ay walang tao. Sinarado ko agad ito at naglakad na kung san pa pwedeng maglakad. Malaki ang opisina niya dito. Nakakamangha.

May isa pang pinto doon at tiyak na nandoon si Zach. Yun siguro ang kanya. Dito din kasi nakapwesto ang CEO at yung may mga matataas na pwesto sa kompanya.

Bago ko ito pihitin ay nakaramdam ako ng kaba. Kaba? Bakit naman ako kakabahan? Wala namang kakaba-kaba.

Pinihit ko na ito at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na siya lang ang tao. Nakayuko siya at parang dala niya ang mundo. Ang bigat ng problema niya.

Every Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon