Chapter 18
Hindi ko na inopen yung topic tungkol doon sa babae niya. Napansin ko kasing nagiging matamlay at nanlalamig na siya.
Nalulungkot ako dahil nag iba yung pakikitungo niya saakin. Netong mga nakaraang araw hindi niya ako pinapansin. Hindi na siya yung dating sweet na Zach. Nakakapanlumo lang.
Pag nagigising ako ng maaga hindi ko na siya naaabutan lagi siyang nauunang umalis at si Andrew na lang ang naabutan ko. Ganun pa rin ang tema ngayon dahil nauna na naman siyang umalis.
Napapaisip nga ako kung may nagawa ba akong masama sa kanya kung tutuusin siya nga ang may ginawa hindi ako. Gusto ko na siyang kausapan para maliwanagan na ako ngunit hindi ako nagkakaroon ng tyansa na makipag usap sa kanya.
Nung isang linggo napaka sweet niya tapos nakalipas ang ilang araw nagbago na siya. May problema kaya siya? Sana naman sabihin niya saakin. Nahihirapan din kasi ako.
Napagdesisyunan kong makipagkita sa kanya sa likod ng coffee shop. Yung likod ng coffee shop ay dagat na at may malaking mahabang bato doon para maupuan iyon yung parang katulad sa Moa yung dagat doon.
Tinext ko siya at sabi ko na makipagkita sa likod ng coffee shop saakin mamayang 5pm. Lunch time pa lang naman kaya nagtrabaho muna ako dito.
Kumain na din ako dito. Alas kwatro pa lang ay nagpunta na ako sa likod ng coffee shop para magpahangin. Nagdala din ako ng dalawang tinapay at tubig baka sakaling magutom siya. Hindi ko alam kung bakit gusto ko dito kami mag usap. Dahil siguro tahimik at konti lang ang tao.
Mag aala singko na. Tinext ko siya na kahit anong mangyari ay andito pa rin ako maghihintay. Nag muni muni muna ako habang hinihintay siya.
Alas singko na pero wala pa rin siya. Tiningnan ko yung cellphone ko at baka nagtext siya na malalate lang siya pero bigo ako ng makitang wala ni isa.
Naghintay ako, Lumipas ang isang oras at isang oras at isang oras pa ay wala pa rin siya. Alas otso na wala pa rin siya. Tiningnan ko ulit ang cellphone ko at baka nagtext siya ngunit wala. Tinawagan ko naman siya pero nakapatay lang.
Malapit na akong sumuko pero tinatagan ko ang loob ko. Nanlulumo na ako. Yung luha ko malapit ng bumagsak pero pinigilan ko lang.
Kinuha ko ang isang baon kong tinapay dahil nagugutom na ako. Buti na lang at nakapag baon ako. Tumitingin lang ako sa mga bangka na nakalutang sa dagat. Napatingin naman ako sa langit na makulimlim. Mukhang uulan ang malas naman.
Naghintay pa ako ng ilang oras hanggang sa mag ala una na ng madaling araw wala pa rin siya. Maghihintay lang ako hanggang dumating siya. Alam kong dadating siya ganun ang pagkakilala ko kay Zach. Hindi niya ako bibiguin.
Nagsimula ng bumuhos ang napakalas na ulan. Binalot ko naman sa plastick yung cellphone ko para hindi masira at wala pa din siyang reply. Baka nalobat lang iyon at nagcharge pa. Tatagan mo ang loob mo Zoey.
Nilalamig na ako dahil bukod sa umuulan ang lakas pa ng hangin. Niyakap ko na ang sarili ko dahil hindi ko na kinaya ang lamig. Unti unti na akong nawalan ng pag asa na darating siya madaling araw na at wala ng taong nasa labas.
Nanghihina na ako at tuluyan ng bumuhos yung luha ko kasabay ng pagbuhos ng ulan. Nasasaktan ako kasi nanlalamig siya sa akin, Nasasaktan ako kasi akala ko magiging maayos kami, Nasasaktan ako kasi akala ko darating siya at ako naman itong si tanga ay umasa. Nasasaktan ako kasi napakatanga ko.
Bakit ako maghihintay dito ng walang kasiguraduhan na pupunta nga ba siya o hindi. Hindi ako nag isip dahil mas pinairal ko ang puso ko.
Lumakas na ang paghikbi ko at nanginginig na ang mga kamay ko na napahawak sa mukha ko. Bakit ako umasa ayan tuloy nasaktan ako ng lubusan. Mahal ko na ba siya? O gusto ko pa lang. Pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Hindi ko alam. Naguguluhan ako.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
Fiction généraleGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen