Chapter 36
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Rafael. Buti na lang ay nanjan siya kung hindi hindi ko alam ang gagawin ko.
"Ok na ako. Salamat nga pala ah." Ani ko. Pinagbalat niya naman ako ng mansanas at kinain ko din naman agad ito.
"Ano kaba ok lang. Ano ba ang nangyari Zoey?" Aniya. Kinabaha naman akong tumingin sa kanya. Ano ang isasagot ko?
"Ah. Eh. Pupuntahan ko sana si Zach sa opisina niya ngunit wala naman siya. Nag stay ako at papaalis na sana ng may biglang nagbukas ng pinto. Saktong nasa pinto ako kaya tumalsik ako. Tinulungan naman ako ng babae tumayo. Nagpasya na akong umalis. Ng nasa labas na ako nakaramdaman ako ng kirot at pagkahilo. Nagulat ako ng mga may dugo pala. Hindi ko namalayan." Mahabang paliwanag ko. Hindi naman siya umimik kay tinuloy ko na ang kwento ko.
"Ayun nga. Pagkababa ko ng elevator nakita kita. Buti nga nakita kita eh. Sinusungitan kasi ako ng mga empleyado. Dadalhan ko kasi ng pagkain si Zach." Kumunot naman ang noo ni Rafael sa sinabi ko. Ok na yung masinungaling para hindi na humaba ang usapan.
"Wait. Si Zach? Mr. Zach Scott?" Gulat na gulat na tanong ni Rafael.
"Oh bakit? Anong problema kay Zach? Tsaka siya yung asawa ko." Nahihiyang sabi ko dahil hindi naman ako sanay na tawagin siyang asawa.
"Wala lang. I was shocked when i heard his name. Ako kasi ang bagong investor ni Mr. Scott." Ako ata yung nagulat sa sinabi niya. Coincidence? Ewan.
"Ah. Kaya pala sabi ng babae may meeting daw si Zach with new investor. Anyway kamusta na kayo ni Anna?" Pag iiwas ko ng topic. Ayaw ko na ng maraming paliwanag. Akala niya hindi ko alam na may something sa kanila.
"What about Anna? Haha. She didn't notice me? Well hindi naman namin nakikita ang isa't isa." Ngumiti siya ngunit may bahid na malungkot sa ngiti niya.
"Care to share your story? I know that you have something with my best friend. Tell me." Naeexcite na sabi ko. Langya kasi yong babaeng yon. Ang likot ng puso. Akala ko loyal kay Sam haha.
"Wala kaming something haha." Natatawang sabi niya. Nagdedeny pa halata naman.
"Naku nagdeny kapa sakin. Tell me. Secret lang natin to." Pinalo ko pa siya sa balikat.
"Nothing. We're just an old friend?" Hindi siguradong sabi niya. Ang gulo netong kausap.
Nag usap lang kami ng kung ano anong bagay. Nakakatuwa siyang kausap. Nakalimutan ko nga panandali ang problema ko. Napahawak ako kay baby. Sana lalaki ka para pag laki mo ikaw ang magtatanggol sakin kapag wala ang daddy mo.
Lumabas na ako ng hospital kinabukas ng gabi. Pauwi na ako ng condo. Mukhang nag aalala na sila. Wala pala akong phone naiwan sa kotse. Hinatid ako ni Rafael sa condo unit. Nagpasalamat naman ako sa kanya siya na rin kasi ang nagbayad ng bill ko sa hospital.
Magpapasko na pala bukas. Ano kaya ang plano namin? Mukhang wala naman. Andito na ako sa tapat ng unit. Mabuti nga nasakin ang susi. Pinihit ko na ito pabukas. Wala namang tao nakapatay ang ilaw.
Pumunta na ako ng sala at akmang uupo na ng mapatalon ako ng may magsalita gamit ang malamig na boses niya. Zach.
"Where have you been?" Mahinahong tanong niya ngunit andon pa rin ang coldest ng boses niya. Tumataas ang balahibo ko. Bakit nagiging malamig na siya sakin?
"Ah. Eh... Wala.. Kela Anna? Kasi.. Uhm nagyaya silang mag overnight?" Kinakabahang sagot ko. Ang tanga ng sagot ko masyadong halata na nagsisinungaling.
"Where have you been?" Ulit na tanong niya na may diin pa. Mas lalo naman akong kinabahan dahil sa mga titig niya. Nakakapaso.
"Kela Anna nga. Nagyaya silang mag overnight. Nakita nila ako sa companyo mo. Nalimutan ko yung phone ko. Nasa kotse. Hindi ko dinala yung kotse." Sunod sunod na sabi ko. Halos maubusan na ako ng hininga. Tumingin naman siya sakin ng malamig. What was that?
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
Ficción GeneralGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen