Chapter 21
Kinuwento ko naman sa kanila na matagal na kaming magkakilala ngunit wala lang akong matandaan. Kilig na kilig naman sila habang nagkukwento ako. Hindi ko kinuwento sa kanila na may nangyari na samin ng ilang beses. Umuwi na din naman sila dahil may gagawin daw sila at babalik na lang sila. Gusto pa nga nila doon sa condo.
Ani Vanessa malapit niya na daw sagutin si Renz at ipapakilala na daw siya sa mga magulang at kapatid niya. Medyo nagulat ako ng malamang may kapatid pala si sir. Renz.
Nasa office naman ako at kinuha yung cellphone ko. Sinimulan ko ng buksan ang instagram account ko. Nagulat ako ng makita ang sobrang dami ng notification ng account ko. Nasa 25k. Gusto ko ring tingnan ang account ni Zach. Wala akong facebook dahil wala naman akong friends.
Binuksan ko naman ito at puro likes and follows ang laman nito. Pumunta ako ng profile at laking gulat ko ng nasa 20k na yung followers ko. Ayoko pa namang maraming followers. Hindi ko kasi nachecheck yung instagram notification ko. Konti lang naman ang mga post ko dito yung iba puro pagkain.
Sinimulan ko ng itype ang pangalan ni Zach at finollow ko narin siya. Laking gulat ko na maraming pictures ang nasa instagram niya at puro mukha namin. Eto nga yung pinakita ni Vanessa kanina. Ang dami. Marami ring nag comment na sino daw ako, maganda raw ako. Bagay raw kami at marami pa. Puro papuri ang mga komento kaya naman napapangiti ako. Buti na lang hindi sila nanghuhusga agad agad. Sikat pala tong ugok na to. Sorry for the word.
Tiningnan ko to isa isa at sinasave na rin sa cellphone ko. Akala niya siya lang meron ah. Lumuwa naman ang mata ko ng may napukaw itong isang litrato. Ang ganda ng kuha namin dito. Ito yung time na kinuha niya sakin yung rose at nagtitigan kami. Kaya pala todo clicked lang siya ng kamera.
Ang ganda ng kuha neto. Winallpaper ko naman ito sa cellphone ko. Hindi niya naman malalaman dahil hindi ko naman ipapakita. Kinikilig ako sa mga post niya. Puro kami ito. Yung mga caption niya ang gaganda at nakaka touch.
Gusto ko din sana siyang suprisahin ngunit wala akong magandang maisip. Gusto ko yung kakaiba na wala pang nakakagawa pero meron ba nun? Why not? Kung malawak ang imahinasyon mo. Kailangan ko lang mag isip ng mabuti.
Nagmadali naman akong iligpit ang mga gamit ko at dali daling umalis dito sa coffee shop. Pumunta naman agad ako sa kotse at nagmaneho na papuntang mall. Mag iikot ikot muna ako baka sakaling magkaroon ako ng idea.
Nakarating din naman ako sa mall at agad na ding pumasok sa loob. Naiilang naman akong naglakad dahil pansin ko maraming mata ang nakatingin sakin. Nagmadali naman akong pumunta sa cr at humarap sa salamin. "Anong problema nila? Wala namang mali sakin." Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin pero wala talaga akong makitang mali kung bakit nila ako pinagtitinginan.
Napatingin naman ako sa pinto na nagbukas galing sa cubicle at hindi na ko nagtaka na may tao. Cr nga pala to. Pero nagulat ako ng bigla siyang tumili. "O my gosh!! Kyah!! Hi ate Zoey, Can i take a picture with you please?" Mas lalo akong nagtaka na alam niya ang pangalan ko. But how? Pero bakit niya namang gusto mag mapicture?
"Ah.. Ok?" Yan na lang ang nasagot ko dahil nagtataka parin ako. Nilabas niya naman yung cellphone niya at nagsimula ng magpicture. Tumingin naman ako at ngumiti. Tuwang tuwa naman siya ng makita ang kuha namin.
"Thank you ate! Grabe ang ganda mo pala sa personal. I'm one of yours follower ate." Nginitian ko naman siya ng pilit. Nambola pa tong batang to.
"How did you know me?" Followers? San sa instagram ba? Siguro nga.
"Sa instagram. Sana pati kay kuya Zach meron din ako. Diba ikaw yung laging pinopost ni kuya Zach? Sige una na ako ate. Salamat ulit." Tinanguan ko naman siya. Isa pala siyang fan ni Zach. Hindi ko maipagkakaila na sikat siya. Ang gwapo niya kasi. Natuwa din ako sa babae kanina dahil nakita ko siyang masaya buti na lang at hindi ako tinarayan o ano mang makakasakit sa damdamin ko. Tanggap nila ako kung sino man ako sa buhay ni Zach. Nakakatuwa lang isipin.
BINABASA MO ANG
Every Night With Him
Fiction généraleGENERAL FICTION Warning: RATED SPG. This story contains violence, sex scenes and hard language. Not suitable for young readers. For open minded only. R-16 @GrayVinsmoke Cover by: AdelfaMaureen