Chapter 14: Dealing with Confused Feelings.

1.9K 93 21
                                    

Chapter 14: Dealing with Confused Feelings.

A/N: Please read Redamancy! Give this book a chance. It's not your ordinary fantasy story. Please?:) nasa works ko po iyon.

Chapter Song: Let Her Go by Passenger.

---

Choi Sooyoung's POV

Alam niyo yung sobrang komportable? Ito yun! I know na nakatulog ako pero ayokong magising dahil I'm having the best sleep of my life.


Wait nga lang, ano ba nangyari? Bakit ako tulog?


When I open my eyes purong puting kisame lang ang nakita ko. Nagadjust pa yung mata ko sa liwanag. Then, I look around. Bakit puro puti?


Nasa langit na ba agad ako? May kama pala sa langit.


Napatingin ako sa side ko at napansin ko na may nakaakap sa akin. Ang higpit ng hawak niya sa bewang ko.


My jaw dropped! Bakit ang gwapo ng anghel na to. Tinabihan pa talaga ako.


Ganda ng lola niyo^____^


Umupo ako pero akap parin ako ng anghel. Geez, bat ang gwapo niya. Pansin ko rin na may eyebags ata siya.


Teka nga ulit, natutulog ba ang anghel? Doon na ako nagising sa katotohanan.


"YAH!!" sigaw ko. "BAKIT MO AKO YAKAP?"


Nagising naman siya at halatang nagulat. Gulo gulo yung buhok niya pero ang lakas ng dating. Hala, kung anu-ano na ang sinasabi ko.


"H-Hi?" bati niya kaya naman inirapan ko siya. "Nahimatay ka kasi kaya dinala kita rito. Eh inantok din ako kaya natulog ako." He said habang hinihimas yung batok niya! Cutie^___^


I mentally slapped myself.


"I understand, pero bakit dito ka tumabi sa akin eh andaming kama?" I asked him. Mukhang di naman siya mapakali.


Makachansing siya ha. Aba matinde!


"I'm sorry." He said to me. I just stare at him. Hmm, sige na nga dahil tinulungan naman niya ako kaya okay lang.


"Sige, I'll forgive you pero may condition." sagot ko sa kanya. Reyna ata ako ng negosasyon^__^ Kailangan ko talaga mapapayag itong isang ito sa kondisyon na iyon.


"Ha? Sige ano ba yun?" sabi niya kaya naman natuwa ako sa sinabi niya.


Ngumiti muna ako sa kanya at tiningnan siya sa mata.


"Tulungan mo akong mapalapit kay Chanyeol Park."


---

Yuri Kwon's POV

Nag-inat ulit ako bago tuluyang bumaba sa van. Nakita ko na nahimatay si Sooyoung! Sayang nakatulog ako sa biyahe ^___^

WASMTB || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon