Chapter 42: The Fall

1.4K 58 10
                                    

Chapter 42: The Fall

A/N: Been busy. Mianhe. Update sa wakas.

SNSD's Side

Jessica Jung's  Point of View

Nandito kaming lahat sa living room. Hindi ko akam kung paano kami nagkasya pero bahala na kayo mag imagine. Nanonood kami ngayon ng movie.

"Tsk. Ang dali talagang mahulog ng mga babae."

Napalingon naman kami kay Chen. Pinalo naman siya ng unan ni Hyoyeon. "Hoy, makapagsalita ka ah, parang walang babae dito."

Imbes na humingi ng sorry ay nagumiti lang siya amin. "Hindi kami mabilis mafall." I said to him. Sus, di ako papayag na tatapakan niya ang mga girls.

Naramdaman ko naman na lumapit sa akin si Kris. "Matagal ka na kasing nahulog Jessica." He said, confidently. Aba't napakayabang talaga ng mga lalaki.

Hinampas naman siya ng unan ni Taeyeon. "Excuse me, coming from you? Girls fall for the wrong guy because the wrong guy says the right things."

Napa oh naman kami. Mukhang magkakaroon pa ata ng debate tungkol dito. "We are wired differently. Yung ibang lalaki siguro ganoon but Exo. A big no." Pagtatanggol naman ni Chanyeol.

Tumayo naman bigla si Tiffany sa harap. Jusko. Yung movie na pinapanood namin ay nakalimutan na namin. "Hoy excuse me kapre. Pare-pareho lang din kayo ng intention. Tsk. Wag kang magmalinis diyan."

Tumayo naman si Tao kaya tumayo na din kami. "Tsk. Tanggapin niyo nalang na mabilis kayong mafall." Ulit niyang sabi.

"Let's make a bet." Pamaya mayang sabi ni Sunny. "Makatingin naman kayo! Para matapos na yang pinag-aawayan natin."

Nagtaas naman ng kamay si Dyo. "Hmm. Agree ako kay Pres. Parang mini thesis lang yung gagawin natin."

"What if may mafall?" Tanong naman ni Sooyoung sa amin. Mukhang seryosohan na naman ang usapan.

"Like Dyo said, we will just prove our hypothesis sa kung sino ang mabilis mahulog. That's it." Baekhyun said. Hala, so maglalaro kami ng feelings? Hindi ba masamang laro yun..

Tumayo naman agad ako para tumutol pero agad akong pinigilan ni Taeyeon. "Fine. Let's see. So the only rule is that don't let each other acts fool your heart. Sa huli ay ikaw din ang mahihirapan." She said with a smile.

"Eh kanino naman iproprove yung hypothesis na yan?" Takang tanong ni Fany. May point naman siya. We are only 11 girls tapos twelve naman yung mga lalaki. Amoy love triangle ang mangyayari or mas malala pa.

"Decision mo na yun." Lay said. "You're the one who will decide Tiffany. So choose wisely."

Napaisip naman ako bigla. "What if magbigay ka ng sign na tinatarget mo yung tao para naman mainform siya? For example, bawat isa sa atin ay may heart na sticker na may pangalan natin sa gitna. Kapag nakapagdecide kana ay sa kanya mo ibibigay yung heart sticker. Pabongahan nalang para may twist." Mahaba kong suggestion.

"Game." Masayang sabi ni Yuri. "Pero laro lang ba talaga ito?"

Lumapit naman si Kai kay Yul. Naghahanap ata si Kai ng sakit sa katawan. "Para sayo seryosohan na."

Dahil doon ay binato nalang namin si Kai ng unan. Yung punchline kasi niya ay waley.  "No hard feelings okay?" Suho said. Bakit parang hindi ko gusto yung gagawin namin?

Kinagabihan ay ginayak na namin yung mga gamit namin since may pasok na kinabukasan. Tahimik lang kami na nga girls at mukhang iniisip yung mga nangyari kanina.

WASMTB || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon