Chapter 41: Peculiar
Chapter Song: 11:11 by Taeyeon :)
---
Seohyun's Point of View
Si Dyo yung umalalay kay Sehun at ako naman ang kay Chanyeol. Binuksan ni Dyo yung pinto ng kwarto ni Sehun para narin maihiga na siya sa kama.
"Yung kwarto ni Yeol ay pangalawa sa pinakadulo." He said. Tumango naman ako.
Ang bigat naman ng lalaking ito! Halos madapa na nga kaming dalawa sa may hallway. Tulad ngayon ay pagewang gewang kaming dalawa.
Pilit ko naman inabot yung doorknob ng kwarto niya.
'Konti nalang Seo! Kaya mo yan.' bulong ko sa sarili ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng mabuksan ko yung kwarto niya. Inabot ng kanan kong kamay yung switch ng ilaw ng kwarto niya. Unang bumungad sa akin yung mga musical instruments.
Dahan-dahan kaming pumunta sa kama niya. Napapikit naman ako kasi nabangga niya yung table. Narinig ko siyang nagmura.
"Sorry." Hinging paumanhin ko. Eh ang bigat niya talaga kasi. Binuksan ko din yung aircon ng kwarto niya.
Sa wakas ay narating na namin yung kama niya. Inihiga ko naman siya ng dahan-dahan. Sobrang pawis niya kaya naman kumuha ako ng bimpo at pinunasan siya. Kapag natuyuan siya ng pawis ay baka magkasakit siya.
Tatawagin ko na sana sila eonni ng hawakan niya yung kamay ko. "Wag mo akong iwan."
Natigilan naman ako. "Ahh. Okay?" Di ko siguradong sagot.
He chuckled. Napatakip naman ako ng mata ng hubarin niya yung t-shirt niya. "I'm decent."
Inalis ko naman yung kamay ko sa mukha ko. "M-magdamit ka nga." Utos ko sa kanya. Naka topless kasi siya.
Bigla namang uminit yung pisngi ko. "Una na ako." Paalam ko pero hinatak niya ako kaya ang ending ko ay napayakap ako sa kanya. "A-anong ginagawa mo?"
Baka may makakita sa amin.
"Hugging you." He said playfully. Hindi ako sanay sa ganito niyang side. Lagi kasi syang seryoso. Lagi siyang tahimik.
"Hindi naman ako si Sooyoung eonni." Paliwanag ko sa kanya. Mas hinigpitan pa niya yung yakap niya kaya nagpumiglas ako. "Sisigaw ako kapag hindi mo ako binitawan."
Tumawa lang siya. "Let's stay like this for a while hanggang sa makatulog ako."
Hindi naman ako sumagot. "Tell me a story Seohyun."
Kinabahan ako ng binanggit niya yung pangalan ko. Wala naman akong chice kaya magkwekwento nalang ako. "Once upon a time may isang sirena na palaging nagpupunta sa dalampasigan. Nainlove siya sa prinsipe na kanyang nakita."
I heard him sigh. "Kasing gwapo ko ba yung prinsipe?"
Natawa naman ako sa kanya. Hindi parin niya inaalis yung pagkakayakap niya sa akin. Sabagay, lasing siya at hindi na niya sana maalala ito. "Sige, kasinggwapo mo na." Pagsakay ko sa sinabi niya. "She loved the prince very much that sacrificed her own voice just to have legs."
"Nagkita sila ng prinsipe." Pagpapatuloy ko. "Ang akala niya ay mamahalin siya ng prinsipe pero hindi ganon ang nangyari. May ibang minahal yung prinsipe."
Tumingin ako sa kanya at nakita ko na nakapikit na siya. "The prince loved another woman while she became sea-foam then vanished into the thin air forever. Hindi sila nagkatuluyang dalawa.."
"That's a sad story." Bulong niya na narinig ko naman. Mukhang nakatukog na siya sa kwento ko.
Dahan-dahan kong inalis yung pagkakayakap niya sa akin. Hinawi ko naman yung buhok niya. "Goodnight Chanyeol." Bulong ko sa tenga niya at hinalikan siya sa pisngi.
BINABASA MO ANG
WASMTB || ExoShidae
FanfictionStatus: Complete Updating for Special Chapters A group of Gorgeous Girls and A group of Drop Dead Hotheaded Guys collide. An Exo and Girls Generation fanfiction. Thank you @aennamorata for the awesome cover. Sneak A Peak: Yoona: In another life I...