Chapter 30: Empechement

1.7K 79 6
                                    

Chapter 30: Empechement

Chapter Song: American Beauty by Fall Out Boy

---

Huang Zi Tao's POV

Saktong mga 9:00 p.m. ay pumunta na ako sa kwarto ni Kai. Kinatok ko ito ng mahina. Kaagad naman niya itong binuksan. "Hay naku Tao. Sigurado ka ba dito?" Tanong niya.

Hinila ko na siya palabas ng kwarto niya. Dumiretso kami sa garahe para kunin yung kotse. "Mapapatay tayo ni Kris hyung kapag nagasgasan mo yan!" Sabi niya.

Hihiramin muna namin yung kotse ni Kris hyung kaya lang hindi niya alam. "Wala tayong susi." Nasabi ko naman at binatukan niya ako. Wala kaming choice kundi ang bumalik sa loob at kunin ang susi ng hindi sila nagigising.

Dahan dahan kaming pumapasok. Nakapatay yung mga ilaw kaya nahirapan kaming gumalaw. "Sindihan mo yung ilaw." Utos sa akin ni Kai.

"Ito ba ang hinahanap niyo?"

"WAHH!!!" Medyo nakakabakla yung sigaw namin ni Kai. Paano ba naman ay nasa sala silang lahat at parang alam na nila na naduon kami.

"Anong ginagawa niyo dito hyung?" Tanong ko naman. Agad naman akong nilapitan ni Chen at binatukan.

"Sa tingin niyo ba talaga di namin kayo nahalata?" Sabi niya.

"You can't drive at your situation." Suho hyung said pero agad akong umiling.

"Sasama kami." Chanyeol hyung suggested. Tumango naman si Kai kaya siniko ko siya.

"Let's go." Pagtawag ni Baekhyun hyung kaya napabuntong hininga nalang ako.

Pagkarating namin sa venue ay madami nang tao. Agad naman kaming nagpark. Kailangan kong manalo ngayong gabi para matapos na ito.

"Tao, kaya mo ba talaga?" Kris hyung asked me. Tumango naman ako kahit medyo di ako sigurado. Ngayong gabi ay magaganap na drag racing at syempre di ito legal. Napasubo lang naman kami ng hamunin kami ng taga ibang school.

Nang makita nila kami ay kaagad silang lumapit sa amin. "Hmm, nagsama ka pa talaga ng back up?" Tanong nung isa. Pinigilan naman ako ni D.O hyung sa braso kay di ko nasuntok itong mayabang na ito.

"Ikaw, nagsama ka pala ng mga katulong? Katulong mong umiyak mamaya." Sehun said at mukhang effective yung sinabi niya kasi nanggigil sa galit yung lalaki.

"Better watch your back EXO."

"Forever and always, Donghae." Xiumin hyung said.

"Anong pinaglalabanan natin dito?" Siwon asked.

Itinuro naman nung isa yung mga kotse namin na nakapark. "Deal." Sabi ko naman.

Nakarinig ako ng pagkontra ng mga kasama ko. "Oh, may narinig kaming magandang balita. May girlfriends na daw kayo?" Tanong ni Heechul. "Maganda sila."

Agad naman na nagkaroon ng tension sa pagitan namin. "Don't you fucking touch them." Luhan hyung said. "Kapag nanalo kami, you'll never bother us again at samin na ang mga kotse niyo plus one hundred fifty thousand. Deal?"

Tumango sila at sabay sabay na nagsabi ng deal. Pumunta muna kami sa pwesto namin at nag-isip ng plano. "Who will race?" Tanong ni Suho hyung. Nagtaas naman ako ng kamay na kaagad tinapik ni Chen hyung.

"Aray." Daing ko naman.

"See, you can't race tonight." Baekhyun hyung said. "Sehun can you do it?"

Tumango naman si Sehun. "I can pero di ako sigurado na kaya ko sila. Si Tao lang ang nakakatalo sa kanila."

Mukhang trouble kami ngayon. Sana lang may himalang mangyari.

WASMTB || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon