Chapter 38: Shut up and Run
Chapter Song: U12 by Daya.
Exo's Side
Xiumin's Point of View
Maayos namin naisakay ang SNSD. Paanong hindi magiging maayos eh lahat sila nawalan ng malay. Pinagababatukan nga kami ng Kyungsoo dahil sa ginawa namin.
"Paano kung may nangyari sa kanilang masama?" Pangaral niya sa amin. Habang kami namang exo ay nakayuko lang.
Hindi ko rin alam kung paano kami nagkasya sa van. Kaya naman tumawag na si Suho ng 'back up'.
"Saan ba tayo pupunta?" Pamaya mayang tanong ni Lay.
"Sa Mars." Sagot naman ni Chen. Puro sila kalokohan.
Ilang minuto lang ay dumating na ang back up na sinasabi ni Suho. "Exo- M, lipat sa kabila." Utos ni Kris. Ay! Kasali pala ako doon. Hindi ko naman alam kung isasama ko si Sunny.
"Ikaw na bahala kay Sunny." Sabay tapik ni Suho sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Hindi ko alam pero parang ako yung hadlang. Wala, feeling ko lang naman.
Kahit pala maliit siya ay mabigat siya. "Grabe! Ang bigat ni Sooyoung!!" Reklamo ni Tao.
"Isang sako kayang kanin ang kinakain niyan araw-araw." Sabi ni Chen.
Pumunta naman si Lay sa drivers' seat at siya ata ang magmamaneho ng van na ito. Napag-usapan na namin na susundan namin sila Yoona at Luhan.
Hindi ko alam pero malakas ang kutob namin na doon dadalhin ni Luhan si Yoona. Maganda kasi ang view doon at di masyading crowded ang lugar.
"Ano kayang ginagawa ni Luhan kay Yoona?" Pamaya- mayang tanong ni Tao.
"Edi naglalaro sila ng bahay-bahayan!" Sagot ni Chen.
"Baka naman taguan sa dilim?" Sagot ni Lay. Pinagbabatukan naman sila ni Kris kaya natigil sila.
"Ano bang ginagawa kasi nila doon hyung? Tao asked.
Kris just smirked. "Kasal-kasalan!" He said.
Naramdaman ko naman na gumalaw si Sunny. Inaayos ko naman yung pwesto niya. Isinandal ko yung ulo niya sa balikat ko.
"Uwian na!" Sigaw ni Chen kaya naman niya.
Napailing nalang kaming lahat. Nauna na yung van nila Suho at sinundan na namin sila. Maraming choices kung saan dadalin ni Luhan si Yoona pero malakas ang feeling namin na nandoon sila sa lugar na iyon.
Mukhang napagod yung SNSD kasi mukhang tuloy-tuloy na yung tulog nila. Hanggang makarating kami sa villa ay buhat-buhat namin sila.
Di na kumatok si Kris at nauna na siyang pumasok habang buhat si Jessica. "May tao ba dyan?" Tanong niya.
Sakto naman at nakita namin si Luhan na nakatulala. "Sinasabi nga ba!" Parang babaeng sabi ni Chen.
"Anong mukha yan?" I asked. Inihatid muna namin ang SNSD sa mga kwarto.
"Wala." He said. Mukhang mainit ulo ni Luge ah.
"Bakit wala kang damit na pang-itaas?" Tanong naman ni Dyo. Mukhang magluluto siya ng makakain at pamaya-maya ay magigising na ang SNSD.
"Mainit." Simple niyang sagot pero di kami naniwala. Tumayo naman si Suho at naghubad ng uniform.
"Anong ginagawa mo hyung?" Natatawang tanong ni Tao.
"Mainit nga naman." Suho said with a grin. Sumunod naman na naghubad ng uniform si Kai.
"Kailangan ba talaga lahat?" Baekhyun asked. Aba, improving tong si Baek. Nagsasalita na.
BINABASA MO ANG
WASMTB || ExoShidae
FanfictionStatus: Complete Updating for Special Chapters A group of Gorgeous Girls and A group of Drop Dead Hotheaded Guys collide. An Exo and Girls Generation fanfiction. Thank you @aennamorata for the awesome cover. Sneak A Peak: Yoona: In another life I...