Chapter 59: Retreat

671 32 2
                                    

Chapter 59: Retreat

----

Choi Sooyoung's Point of View

Nandito kami sa school ngayon. Ewan ko ba kung bakit kapag last day ay saka kami sinipag pumasok. Hinahabol kasi kami ng requirements. Ipupublish ko pa yung school magazine featuring Exo.

Daming fan girls ng mga  loko  na yun. Sorry nalang sila dahil under namin yung mga iyon.

"Anong mukha yan?" sabi ni Sunkyu na akala mo ikinaganda niya yung pagtambay sa office ko. "Hindi ka siguro nakascore kay Tao."

Inirapan ko naman siya. "Tsk. Wag mo na ngang ipaalala. Mas duwag pa sa duwag ang loko. Akala ko ay parang sa movies na pwede niya akong protektahan. Hanep, ako pa yung umaway sa mga multo." inis na sabi ko.

Kumuha nalang ako ng pagkain sa refrigerator. Oo may ref ako sa office. Sariling dala ko ito since mahilig akong kumain. May kasyosyo naman ako sa pagbabayad at panliligaw dito. "That's mine." See? Yung pagkain na kinuha ko ay dumaplis lang sa kamay ko. "Go get Tao." utos  ni sigang Yoona.

I sighed. "Bakit ba kayo nasa office ko?" mataray na tanong ko. Tumayo naman si Yoona. Hay nako, "Sige, enjoy ka lang dyan. Yung iba, labas."

Hindi naman nila ako pinansin. "Gosh. Wag kang badtrip dyan. Ke aga aga." sabi ni Fany. Nahilo ako sa suot niya. Mula bunbunan niya hanggang kuko ay kulay pink ang suot niya.

"May dresscode Fany." sabi naman ni Taeyeon. "Bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya sa babaita. Nagkibit balikat yung taong tinubuan ng pink na kulay.

"I am just getting ready for the retreat later." We looked at her. Anong sinabi niya. "Omo, hindi niyo alam?"

"Hindi kasi kami chismosa." bulong naman ni Yuri. Kalakas namang bumulong ng gaga. Rinig ng buong sambayanan. "Pero may retreat tayo?"

"Oo. Iniannounce nga pala kanina kaya half day lang tayo today." pangsang-ayon ni Hyoyeon. "Dito daw sa school yung meeting place. Napirmahan na yung mga waivers natin kaya gora na tayo."

"Yes mga eonni. Makakapagrelax tayo." Seohyun said. May point naman siya doon. "Ilang araw po ba?"

"Sabi sa source ay mga nasa 3 to 4 days." Sulli replied habang nakatutok sa phone niya. Sumilip naman kami sa phone niya. Nakita namin na nag-eedit siya ng picture ni Chen. "Yah eonni!"

"Wow. Binababoy mo yung boyfriend mo." Napakasupportive na kaibigan ni Krystal. Diretsong magsalita ah. Straight na straight talaga. "Pinalitan mo yung camel ng mukha ni Chen."

"Nagsalita ka Krystal. Kesa naman sa nagprint ng picture nung si Oh tapos inilagay sa unan niya." parinig ni Jessica. Nagkatinginan naman kaming lahat tapos tumawa. Mabuti nalang at di na awkward kay Seohyun. Alam naman natin na may past sa past.

Ah basta, okay na sila. Ewan ko lang si Krystal kay Sehun. Mabagal kasi si kuya mong boy. O di kaya pabebe lang si Krystal. Itanong niyo nalang sa kanilang lahat. Nauubos yung braincells ko kakaisip sa kanila.

"Ikaw naman Seohyun. Omay na kayo ni Chanyeol?" Siniko ko naman si Yuri. Mukhang napalakas yata kasi binatukan niya ako. "Ano ba?"

"Yang bibig mo, itikom mo." paalala ko. Isa pa din kasing mabagal yung tore na yun. Nahihiya yata kay Seohyun. Halata naman na may sparks. Baka nakukuryente sila kapag nagkakatabi sila? Ay ewan ko din sa kanila.

Lumabas na nga kami ng office tapos diretso kami sa room. Kita namin na nasa labas yung Exo. Talagang hinihintay kami.

"Looking good." bati ni Chen sa amin.

WASMTB || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon