Chapter 7
Nakailang tingin na sa suot na relo si Tamara. Gustong gusto na nya makauwi dahil bukod sa pagod ay gutom na rin sya idagdag pa na pasado alas nuebe na rin at kanina pa sya naghihintay ng masasakyan pero madalang ang dumadaan na jeep at punuan pa dahil sa sobrang traffic. Galing sya sa sa isang seminar, sya ang pinadala ng school bilang representative doon kaya kahit mas gusto nya na magklase nalang ay wala syang choice kundi ang pumunta. Mas lalo pang nakadagdag sa inis nya ang mga tricycle driver na kanina pa nangungulit at sumisipol sa likuran nya. Tinitiis nalang nya dahil dito ang sakayan ng jeep papunta sa kanila at dito may ilaw kesa sa kabilang kalsada. Takaw pansin kasi ngayon ang palda na suot nya, mas maikli kesa sa kadalasan nyang sinusuot na hanggang tuhod ang haba. Nagulat nalang sya na ganun na kaikli ang palda nya, pinakialaman pala ni Cassandra at wala na rin syang time kanina para magpalit pa dahil baka ma-late lang sya sa seminar.
"Miss, sa akin ka na lang kasi sumakay masisiyahan ka pa." sabi nung isang lalake sa likod nya.
"Huwag ka dyan maniwala kay Caloy, dito ka na lang sa tricycle ko miss byutipol, libre na basta ikaw." At nagtawanan pa ang iba.
"Okay lang po, jeep po ang sasakyan ko." Magalang na sabi ni Tamara kahit naiinis at natatakot na sya.
"Kanina ka pa dyan nag-aabang ng jeep, hindi ka naman makakasakay dahil punuan, hatid na kita, dito sa akin maluwag, safe na safe ka." Sabi pa ng isa. Hindi nalang pinansin ni Tamara, pero kinabahan sya nung lapitan na sya ng isang lalake at hawakan sya sa kamay.
"Huwag ka na magpakipot miss, libre naman e, basta ibigay mo lang ang number mo." Sabi ng lalake na nakahawak sa kamay nya na tila nakainom, pilit nyang tinatanggal ang kamay ng lalake sa kanya at imbes na tulungan sya ng iba pang tricycle driver ay nakitawa lang ito sa ginagawa ng lalake at mas lalo sya natakot.
"Kuya, bitawan mo yung kamay ko. Hindi nga po ako sasakay sa inyo." Pakiusap ni Tamara.
"Bakit naman? Pwede itong tricycle ko kahit hanggang Mindanao pa, ihahatid kita kahit saan, kahit hanggang langit." Sabay kindat sa kanya ng lalakeng nakainom.
"Please po, yung kamay ko." At pilit tinatanggal pa rin ni Tamara ang pagkakahawak sa kanya ng lalake. Nangingilid na ang luha nya ng may tumigil na black SUV sa harap nila at bumaba ang isang lalake na naka-black tuxedo pa.
"Let go of her" matigas na utos ng lalake sa mamang nakahawak sa kamay ni Tamara.
"Ser, syota mo ba ito?"
"I told you to let go of her!" sigaw ng lalake at agad naman bumitaw sa pagkakahawak kay Tamara, di naman makagalaw si Tamara sa takot. Inalalayan sya ng lalake papunta sa black SUV.
"Mist---"
"Get in." utos ng lalake sa kanya at wala na syang nagawa kundi sumakay sa SUV saka umikot ang lalake at sumakay na rin sa kotse saka pinaandar ito at umalis na sila. Nanginginig pa rin si Tamara sa takot at napansin iyon ng lalake.
"Calm down now, get the paper back in front of you. Drink the soda and you can eat the burger if you want to." Utos ulit ng lalake pero di gumalaw si Tamara.
"What's your address? I'll drive you home." Napatingin lang si Tamara sa lalake na seryosong nag-da-drive saka sinabi ang address nya.
"Okay. Eat that food in front of you." He said in a cold tone and because Tamara's really hungry, she gets the paper bag and eat the food in it.
"Thank you." Matipid na sabi ni Tamara, wala naman syang nakuhang reaksyon o sagot sa lalake at nagpatuloy lang ito mag-drive. Naubos ni Tamara ang burger bago sila nakarating sa bahay nya bago bumaba si Tamara ng kotse ay nagpasalamat ulit ito.
"Next time, kung ayaw mong makatawag pansin at mabastos huwag kang magsuot ng ganyan na kaikli na skirt mukhang guro ka pa naman." Malamig na sabi ng lalake na hindi man lang sya tinapunan ng tingin, magsasalita pa sana si Tamara pero minabuti nalang nyang hindi sumagot dahil utang na loob pa rin nya sa lalake pagtulong sa kanya kanina at pagpapakain ng dapat ay pagkain nito. Pagkababa ni Tamara ay umalis agad ang black SUV. Hindi naman na sinabi ni Tamara sa mga magulang nito ang nangyari dahil ayaw na nyang mag-alala pa ito pero pinagalitan nya si Cassandra sa pangingialam ng gamit nya na muntik na nyang ikapahamak.
"Sorry na ate, hindi ko naman akalain na ganun pala ang mangyayari. Gusto ko lang naman ayusing yung style ng pananamit mo ang manang kasi." Sabi ni Cassandra.
"Okay na ako sa kung paano ako manumit, hindi ako mahilig sa mga maiiksi na damit buti nalang talaga may tumulong sa akin kanina. Grabe talaga ang takot ko."
"Oo nga ate eh, at infairness naka-kotse pa, gwapo ba?" tanong nito at napaisip naman si Tamara.
"Gwapo sana kaso may attitude saka parang ang cold." Sagot nya.
"Dapat kinuha mo man lang yung number! O kaya yung name nung guy." Napakunot noo naman si Tamara.
"At bakit naman?" "Syempre para makilala mo pa o kung ayaw sa akin nalang." Nakangiting sabi ni Cassandra.
"Kung anu-anong iniisip mo, matulog ka na nga." Saka nilayasan si Cassandra sa kwarto nito
Habang papasok sa kwarto nya ay iniisip nya ang lalakeng tumulong sa kanya.
"Gwapo nga sya saka mukhang mayaman pero masungit at pala-utos."
To be continue..
Vote and comment please. Thank you.
BINABASA MO ANG
Passionate Desire
General FictionNo sex before marriage, yan ang paniniwala ni Tamara at pinaniniwalaan nya pa rin hanggang ngayon. Pero paano kung subukin ito? Will she be able to hold on to her self-control? How will she handle it? Will she give up her belief? and be lured by his...