Chapter 18

65.4K 946 22
                                    

Chapter 18

Buong araw naging abala si Tamara sa unang araw ng training nya, marami na agad sya natutunan pero sobra rin syang napagod. Pagkatapos ng training ay dumiretso agad sya sa kwarto nya at humiga, tina-try nyang tawagan si Jasper pero hindi nito sinasagot ang tawag nya. Kaninang umaga nya lang ito nakausap bago ito pumunta ng opisina pagkatapos nun ay naging abala na sya sa training at pagkatapos naman ay nalungkot sya ng wala man lang syang nareceive na text galing sa nobyo. Naisip nya na baka sobrang busy dahil may mga clients sya galing sa ibang bansa. Tinext nya nalang nya si Jasper at pinaalam na tapos na ang training nya ngayong araw at nasa hotel room na sya at nagpapahinga, naghintay sya ng reply ni Jasper hanggang sa di na nya namalayan na nakatulog na sya.

Paggising nya ay gabi na at kumakalam na ang sikmura nya sa gutom dahil hindi pa sya naghahapunan. Bumangon siya sa kama at nag-ayos balak nyang bumaba para kumain sana kaso ay naalala nya na kasama pala sa training ang pagkain kaya hihintayin na lang nya ang delivery sa kwarto nya. Sakto na pagkatapos nya mag-ayos sa sarili at ng mga gamit sa kwarto ay may kumatok sa pinto at naisip nya agad ang free dinner nya kaya agad-agad nya itong pinagbuksan pero nagulat sya ng pagbukas nya ng pinto ay si Damon ang nasa harap nito.

"Damon...Anong ginagawa mo dito? Saka paano mo nalaman kung saan kwarto ako?" Nagtataka sya kung paanong nalaman ni Damon ang room number nya.

"Tss.Hindi ka nauubusan ng tanong, let's go and have dinner with me." Sabay kuha sa kamay nito at aakayain na sya palabas ng kwarto.

"Ano.. wa-wait----" tatanggi sana si Tamara pero binuko na sya ng tiyan nya ng bigla itong tumunog ulit. Pinamulahan sya ng pisngi at sumilay ulit ang simpleng ngiti sa mukha ni Damon saka nagpatianod si Tamara sa binata para kumain ng hapunan.

Akala ni Tamara ay sa simpleng restaurant lang ng hotel sila kakain pero maling ang akala nya dahil sa pinaka mahal na restaurant sya dinala ni Damon. Based kasi sa nabasa nya ang hotel kung saan sya nag-i-stay ngayon ay isa mga kilalang hotel and restaurant sa buong bansa at makakapag-enjoy dito ang mga high class na tao pati na rin ang mga simple lang.

"Hindi ba masyadong mahal dito? Lumipat na lang tayo sa iba." Sabi ni Tamara pagkaupo nila.

"Don't worry, it'll be all charge to me."

"Ayoko, ako ang magbabayad ng kakainin ko." Matigas na sabi ng dalaga pero hindi umimik si Damon at walang nakitang reaksyon sa mukha nito at nagpatuloy sila sa pagpili ng kakainin. Mga simpleng pagkain lang ang inorder ni Tamara dahil masyadong mahal halos lahat ng pagkain sa menu pero nagulat sya ng paghatid ng waiter ng pagkain sa table ay ang dami ng pagkain at inutusan na naman sya ni Damon na kainin ang mga inorder nya.

"Bakit ako ang kakain nyan eh hindi ko naman yan order." Masungit na sagot nya kay Damon.

"Stop with the questions lady, just eat everything okay." Matigas na sabi ng binata at nagsimula na kumain. He didn't let her finish eating without having the vegetables that he ordered. So she doesn't have a choice but to eat it. She's always full when he's with Damon, forcing her to eat everything, it's like a no diet allowed when she's with him.

Pagkatapos kumain ay nag-insist si Tamara na sya ang magbabayad ng kinain nyang dinner pero sa kamalasan ay naiwan nya pala ang wallet nya dahil giniya agad sya ni Damon para mag-dinner kaya ang ending ay si Damon ang nagbayad lahat ng kinain nila, doon nya nalaman na si Damon pala ang may-ari ng hotel and resort na ito kaya pala lagi itong binabati ng mga empleyado sa tuwing nasasalubong sila.

Hinatid sya ni Damon hanggang sa kwarto at nagmamadali si Tamara na kunin ang wallet nya para makabayad sa binata pero nung magbabayad na sya ay ayaw naman itong tanggapin ni Damon.

"I don't need any of that." In a cold tone.

"But I insist please."

"If you really wanna pay me then just give me a kiss and you're already paid." seryoso nitong sabi na kinabigla naman ni Tamara.

"Damon, pagod ako tigilan mo na ang pagbibiro ng ganyan sa akin." Tinalikuran nya ito at binalik ang wallet sa drawer.

"Bahala ka kung ayaw mo tanggapin ang bayad ko."

"I'm waiting." Napaharap agad ang dalaga kay Damon.

"Are you flirting with me?"

"What if I am?"at nagsimula itong tawirin ang distansya nila.

"May boyfriend ako, Damon."

"Boyfriend pa lang naman." Patuloy na ang paglakad nito palapit sa kanya at sya naman pagatras para makalayo dito hanggang sa makalapat na ang likod ni Tamara sa pader at na-corner sya ni Damon.

"Pwede ba Damon, tigilan mo na ito." Pakiusap nya.

"Are you scared of me?" Damon's few inches higher than her. He tilted her chin to face him.

"No." Matigas na sabi nito pero sa loob nya ay tumatambol na ang puso nya lalo pa't sobrang lapit ng binata sa kanya.

"Really?" Isang pulgada na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha, umiwas si Tamara ng tingin, para syang napako sa kinatatayuan at di magawang itulak si Damon palayo sa kanya. Ramdam nya ang hininga ni damon sa pisngi nya at lalong lumakas ang tibok ng puso nya.

"D-Damon." Utas nito. Nilapit naman ni Damon ang labi nya sa bandang tenga ni Tamara at bumulong.

"Sa susunod na ako maniningil. Good night." Then he kissed her in the cheek. Saka ito lumayo sa kanya at diretso na lumabas ng kwarto nya. Para naman syang nakahinga ng maluwag ng lumabas na si Damon ng kwarto ngunit ang malakas na tibok ng puso nya ang andun pa rin.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you. 

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon