Chapter 68
A/N: As what you expected to happen. =)
"Ke ego s'agapo, agape mou." Greek words that means "I love you too, my love." And yes some would spell the agape as agapi. I don't know much about greek words I mostly based it on google. Thank you.I love Ize so much that I'm having a hard time thinking of how will I take revenge on him for those people who hates him and his pabebe side. Lols.
****
Ingat na ingat at dahan dahan akong kumawala sa yakap ni Damon. Halos isang oras lang ang naitulog ko at mahimbing pa rin ang pagtulog ang lalakeng mahal ko sa aking tabi. Kailangan ko ng kumilos at umalis sa unit sa ito dahil natatakot ako na baka pag nagising si Damon ay sasabihin nyang tapos na sa amin ang lahat. Alam ko naman na tapos na talaga pero hindi ko kayang marinig ito mula kay Damon. Parang ayokong harapin ang katotohanan na hanggang dito na lang kame kaya imbes na hintayin ko pa ang paggising nya ay ako na ang kusang aalis sa unit na ito. Ang hirap, masakit sa kalooban ko na hindi ko nagawang palambutin ang puso nya pero sapat na sa akin na naiparamdam ko kay Damon na mahal ko sya at ginawa ko ang lahat para tanggapin nya ako ulit.
Lumuluhang inimpake ni Tamara lahat ng damit nya sa maleta at maingat na lumabas ng kwarto at tuluyan ng umalis ng pad ni Damon. Habang nakasakay sa taxi ay walang pataw ang pag-agos ng kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Dumiretso sya sa bahay nila Cassandra. Nagulat pa nga ito ng makita sya sa ganung oras at umiiyak. Hindi magawang magsalita ni Tamara at niyakap lang ng mahigpit ang kapatid. Inalo naman sya nito at pinatuloy sa kwarto at matyagang naghintay para sya ay magsalita.
"Ate, are you sure you're okay? Ano ba talaga ang nangyari?" nagaalalang tanong ni Cassandra sa kapatid. Hindi pa rin tumitigil ang pagiyak nito.
"Okay lang ako, magiging okay din ako." naubos na nya ang isang box ng tissue sa kakaiyak. Buti na lang at sa guest room sya tumuloy dahil baka maistorbo si baby JC.
"Tahan na Ate, basta tandaan mo na nandito lang ako, kame nila baby JC at mama at papa para sa'yo."
"Thank you Cassey, please huwag mong sabihin kila mama na nagkakaganito ako." pakiusap ni Tamara sa kapatid.
"Pero Ate..."
"Ayaw ko silang magalala pa lalo na si Papa. Magiging okay din ako. Kailangan ko lang siguro ng time." bumuntong hininga si Cassandra.
"Ano ba kasing nangyari? Sige hindi ko sasabihin kila Mama, pero pwede bang malaman ko kung bakit ka nagkakaganito? nag-away ba kayo ni Damon?"
"Tapos na sa amin ang lahat, Cassey. Hindi na nya ako mahal." at lumakas na naman ang pagiyak ni Tamara.
"Ha? Akala ko okay na kayo. Di ba nga nagsasama na kayo sa condo nya? Bakit biglang hindi ka nya mahal?" naguguluhan na tanong ni Cassandra. Kinuwento ni Tamara ang buong pangyayari kay Cassandra at tahimik naman sya nitong pinakinggan.
"Hanggang sa huling araw, Cassey. Umasa ako.. umasa ako na sasabihin nyang mahal nya pa rin ako. P-pero hindi nangyari, baka nga hindi talaga kame para sa isa't-isa." lumuluhang sabi ni Tamara.
"G*go yang si Damon ah, akala ko pa naman niyaya ka nyang tumira ka sa pad nya dahil gusto ka nyang makasama at mahal ka nya yun pala gagamitin lang ang katawan mo. Napaka g*go." naiinis na sabi ni Cassandra.
"Pumayag naman ako eh, hindi naman nya kasalanan. Akala ko kasi magagawa kong baguhin at palambutin ang puso nya. Akala ko sasabihin nya pa rin sa akin na mahal nya pa rin ako."
"Tama na yan Ate, malalagpasan mo rin ito. He's not worth of your tears. Lagot talaga yang Damon na yan sa akin mamaya."
"Hayaan mo na. Wala naman tayong magagawa kung hindi nya talaga ako mahal."
"Kahit na! kakausapin ko pa rin sya." inis na sabi ni Cassandra.
"Sige na Ate, magpahinga ka na muna, tumahan ka na sa pagiyak. We're here for you. We love you Ate." and she kissed her sister on the cheek.
"Thank you Cassey." saka ito humiga para magpahinga. Iniwan na sya ni Cassey sa loob ng guest room at pumunta sa kwarto nito kung nasaan si baby JC.
Ng sumikat ang araw ay tinawagan agad ni Cassandra si Damon sa office nito. Wala daw si Damon sa office at ang secretary nya ang nakausap ni Cassandra.
"Mrs. Fontanilla, wala po kasi Sir Damon dito." Sagot ni Carlos.
"Anong oras ba darating si Damon sa office nya?"
"Ma'am hindi po makakapasok si Sir Damon ngayon kasi pumunta po sya ng Australia kanina pa po ng alas sais ng umaga."
"Ha?! umalis sya ng bansa?! Kelan daw ang balik nya?"
"Sorry Ma'am hindi ko pa po alam eh, nagka emergency po kasi sa isang business nya na naka-base sa Australia. May ipagbibilin po ba kayo? Sasabihin ko na lang po pagtumawag sya."
"No, sa pagbalik na lang nya siguro. Salamat."
"Sige po." Hindi makapaniwala si Cassandra na basta basta na lang iiwan ni Damon si Tamara. Ni hindi man lang ito nagpaalam sa kapatid na pupunta ng Australia.
"Good morning, Cassey. Sinong kausap mo kanina?" tanong ni Tamara habang nasa hapag kainan.
"Ah-eh, yung sekretarya ni Damon. Umalis daw si Damon ng bansa, pumunta ng Australia." bigla naman nalungkot agad si Tamara ng marinig ang sinabi ng kapatid.
"K-kelan daw babalik?"
"Hindi alam nung sekretarya nya e." nanlumo lalo si Tamara.
"Huwag mo na syang isipin Ate, pabayaan mo na sya. Kasi kung mahal ka nya talaga hindi sya aalis ng bansa ng ganun lang dapat sana inisip ka muna nya at ang relasyon nyo." napayuko lang si Tamara.
"Kumain na tayo." pilit pinapasigla si Tamara. Ng araw din na yun ay minabuti ni Tamara na huwag na lang muna i-charge ang cellphone nya, dead battery kasi ito. Saka iniisip nya na hindi rin naman sya tatawagan ni Damon kaya bakit pa sya magaabala na i-charge ang cellphone nya. Pagod na syang umasa, sobrang sakit na. Ayaw na nya.
To be continue...
Vote and comment please. Thank you.

BINABASA MO ANG
Passionate Desire
General FictionNo sex before marriage, yan ang paniniwala ni Tamara at pinaniniwalaan nya pa rin hanggang ngayon. Pero paano kung subukin ito? Will she be able to hold on to her self-control? How will she handle it? Will she give up her belief? and be lured by his...