Chapter 21

67.6K 1K 65
                                    

Chapter 21

Today is the last day of their training and seminar. Relax na ang kanilang mga utak dahil lahat naman sila ay nakapasa sa training at masayang masaya sila dahil dun. Ngayon ay nag-e-enjoy na lang sila sa party na inihanda ng school para sa pagtatapos ng training nila at para na rin sa pagpasa nilang lahat. Ngayon ay talagang officially promoted na sila at ma-a-assign na iba-ibang department ng school. Natapos na ang awarding kanina at isa si Tamara sa mga nanguna sa training. Sobrang saya ni Tamara dahil dito, na-promote na nga sya ay nanguna pa sya sa training nila.

"Congrats sa ating lahat!" bati ni Tamara sa mga nakasama at naging kaibigan nya sa training.

"Congrats!" sabay-sabay na sabi nila.

"Congratulations lalo na kay Tam dahil sya ang nanguna sa training natin. Ang galing mo talaga Tamara." Papuri ni Kenneth sa dalaga.

"Corrected by! ." Sabi ni Liza. Napangiti naman si Tamara.

"Salamat." Sagot nito.

In-enjoy nila ang party na hinanda ng school para sa kanila, halos lagi silang nagtatawanan dahil sa mga biro ni Kenneth, tawa sila ng tawa pag kasama ito pero nagiging seryoso pag napaguusapan ang girlfriend nya. Friendly lang talaga si Kenneth kaya napagkakamalan na may something sa kanila ni Tamara pero simula ng magkwento ito tungkol sa girlfriend nya na malapit na rin nyang maging asawa ay tumigil na sa panunukso sila Liza kay Kenneth at Tamara.

Habang nagkakasiyahan sila ay nag-excuse muna si Tamara at nagpaalam na pupunta muna ng comfort room. Nag freshen up muna sya at naalalang tatawagan nya nga pala si Jasper, naisip nyang sa kwarto nya na lang ito kausapin para walang ingay pero paglabas nya ni Tamara ng comfort room ay biglang may humatak sa kanya papasok ng mens room.

"Aray! Ano bang ginagawa mo!?" sigaw nya sa lalaking humatak sa kanya at hawak pa rin sya ng mahigpit sa braso.

"Bitiwan mo ako Damon! Nasasaktan ako!" Pagpupumiglas ni Tamara pero parang walang narinig ang binata. He's fuming mad and she doesn't know the reason. He suddenly pinned her on the wall.

"I told you to stay away from that guy, why are you so stubborn and always wants to defy me?!" mariin sabi ni Damon.

"Ano bang problema mo kay Kenneth?! He's my friend at wala syang ginagawang masama." Paliwanag ni Tamara at pilit kumakawala sa pagkakahawak ni Damon sa kanya.

"Really? Can't you see? He's flirting with you! And you're indulging him! You're flirting with him!" parang nagpanting naman ang tenga ni Tamara sa salitang lumabas sa bibig ng lalake at pinaghahampas nya ang dibdib nito kahit hindi sya makawala sa pagkakahawak nya.

"Ang kapal mo! Sino ka para akusahan akong nakikipaglandian sa ibang lalake!?" Galit na sabi na rin ni Tamara.

"Bakit? Totoo naman hindi ba? Nakikipagtawanan ka pa nga sa kanya."

"Tsk! Pwede ba Damon, lawakan mo nga yang pagiisip mo. Wala naman masama kung makipagtawanan ako kay Kenneth, kaibigan ko sya at hindi lang naman ako ang kasama nya doon, marami kame. Isa pa bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang problema mo? Ikaw nga dapat itong dapat ko na iwasan eh, dahi-----"

"I won't allow you. You'll never get away with me." In a dangerous tone.

"How---" before she could finish what she's about to say, He's already kissing her. Crushing his lips to her. Punishing kiss.

Pilit man kumakawala si Tamara ay nangingibabaw ang lakas ni Damon at habang tumatagal ay parang nanghihina na sya na kinuha naman itong tsansa ni Damon para mas palalimin pa ang halik. Tumigil din ito ng parehas na silang kapos sa hininga.

Parang manika na naubusan ng baterya si Tamara, nanghina sya at kung hindi dahil sa mga braso ni Damon na nakapalibot sa bewang nya ay kanina pa sya napaupo sa sahig. Dumaan ang minutong walang nagsasalita o gumagalaw sa kanila. Malakas pa rin ang tibok ng puso nya katulad ng nangyari nung nakaraan na halikan sya nito pero nagpupuyos sya galit dahil sa pangalawang pagkakataon ay hinayaan nya na mahalikan sya ni Damon.

"Let go of me." Madiin na sabi ni Tamara kay Damon at pilit na tinutulak ito palayo.

"No." pagmamatigas ni Damon. Ubos na ang pasensya ni Tamara sa kaharap.

"I hate you! Napakasama mo talaga! Bakit mo ba ito ginagawa sa akin?! Wala naman akong ginawang masama sa'yo ah? Tinuring kita na mabuting kaibigan! Napakasama mo!" Nanginngilid na ang mga luha ni Tamara, pinipigilan nyang umiiyak. Ayaw nyang umiyak sa harap ni Damon. Damon just smirked.

"I'm telling you, I'm not the bad guy here compared to your boyfriend. I can be as evil if I want to Tamara."

"Huwag mong isali si Jasper dito! Dahil wala syang ginagawang masama, ikaw ang masama!"

"Really? You know what? I pity you. Nagpapaloko ka sa boyfriend mo." At pinakawalan na sya nito, confused naman si Tamara sa sinabi ni Damon.

"What are you talking about? Huwag kang gumawa ng kwento Damon."

"Then let's find out if I'm just making stories here. Let's go." And he dragged her out of the hotel.

Pinasakay sya nito sa kotse at saka ito pinaharurot ng andar. Hindi alam ni Tamara kung bakit hinayaan nya si Damon na pasunudin na naman sya sa gusto nito. Kinakabahan sya hindi lang dahil sa mabilis magpatakbo si Damon ng sasakyan kundi dahil na rin sa sinabi ni Damon kanina. She knows that Jasper's a good boyfriend to her pero bakit nasabi ni Damon ang ganun. Bakit nya sasabihin yun? Anong dahilan? At saan nya ako dadalhin? Kinakabahan sya sa kung ano man ang malalaman nya.

They end up in front of a bar in Taguig. Inakay sya nito pababa ng kotse at saka sila dire-diretsong pumasok sa loob ng bar, mausok, maingay at maraming tao. He made way for her and they went upstairs.

Nasa tapat sila ngayon ng isang black na pinto, it looks like sound proof. He asked her to go inside. Nagtatakang tinignan nya ito at seryoso lang itong nakatingin sa kanya.

"If you really want to know the truth, go inside Tamara." He said. Nagdadalawang isip at kinakabahan pero napagdesisyunan nyang buksan pa rin ang pinto at pumasok sa loob.

Nagulat sya sa nakita at napako sa kinatatayuan.

There goes her sister and her boyfriend, both naked on the sofa. Doing the deed.

Tumulo agad ang kanyang mga luha.

Parang bumagsak ang buong mundo sa kanya.

She can't believe it. Cassandra and Jasper.

The two were shocked as well when they saw Tamara standing near them. Hindi nila alam ang gagawin, naghiwalay silang bigla at dinampot ang mga damit sa sahig na sya naman pagtakbo ni Tamara palabas ng kwarto.

"Tamara!" sigaw ni Jasper.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

A/N: This is dedicated to cranberry27 , I think you've been waiting for this chapter to happen. I hope I didn't disappoint you. 

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon