Chapter 40
Si Dino nga ang naghatid kay Tamara pauwi at pagkarating naman sa bahay ay nakita nyang andun na ang kanyang kapatid. She didn't know that Cassandra will be home today.
"A-ate." nag-a-atubiling sabi ni Cassey. Dumating naman ang nanay nila.
"Tamara, nakalimutan ko na sabihin sa'yo kanina na ngayon ang uwi ni Cassandra. Kahapon sya nagsabi sa akin na uuwi na."
"Okay lang po. Mas okay na rin na andito na si Cassandra para hindi na po kayo masyadong nagaalala saka may makakasama na kayo dito sa bahay." sabi ni Tamara. "Akyat po muna ako." Halata sa magkapatid na nagkakailangan pa sila pero totoo kay Tamara na masaya sya at nakauwi na si Cassandra para hindi na nag-aalala ang magulang nila.
Pagka hapunan ay pinilit ni Tamara na sumabay sa kwentuhan ng mga magulang nila habang kumakain para na rin hindi masyadong mailang si Cassandra sa kanya pero tahimik lang ito at madalang lang sumagot o makisama sa kwentuhan nila.
Hinayaan na lang nya dahil baka nag-a-adjust pa. Bago matulog ay naalala ni Tamara na kinabukasan ay schedule ng mama nya para sa pagpapalit ng lens ng salamin nito sa mata at naisip nyang sabihan si Cassandra na sa samahan ang mama nila bukas at ng makapag bonding na rin ang dalawa. Pumunta sya sa kwarto ni Cassandra at kumatok pero walang sumasagot kaya pumasok na lang sya sa loob, narinig nya si Cassandra sa loob ng banyo na tila hirap na hirap kaya pinuntahan nya ito agad.
Nakita nya na sumusuka si Cassandra at at putlang putal, dinaluhan nya ito agad at inalalayan. Ng matapos ay lumabas sila ng banyo at pinaupo ito sa kama. Lumabas sya saglit at kumuha ng tubig na maiinom ni Cassandra. Pagkabalik ni Tamara sa kwarto ay tahimik lang itong nakaupo at pinainom nya ng tubig.
"Anong masakit sa'yo? Ano bang kinain mo bukod sa dinner natin kanina? Okay ka lang ba?" sunuod-sunod na tanong ni Tamara, at halata dito ang sobrang pagaalala sa kapatid. Namumutla pa rin kasi si Cassandra.
Nagulat na lang si Tamara ng biglang umiyak ang kapatid. "Ate, ate I'm sorry." sabi nito na umiiyak at niyakap sya.
"Ha? bakit? kung tungkol ito dun sa nangyari dati ay okay na sa akin yun. Huwag ka ng magalala tungkol dun. Pinatawad na kita." at mas lalo naman naiyak si Cassandra.
"Ate.." iyak na ng iyak si Cassandra.
"Cassey, ano bang nangyayari sa'yo? tumahan ka na. May masakit ba sa'yo? tara dadalhin kita sa ospital." umiling naman agad si Cassandra at humiwalay sa yakap.
"I'm sorry." sabi ulit nito.
"Ano ka ba, okay na nga sa akin yun." umiling si Cassandra at lalo na naman naiyak.
"Tell me, ano ba talagang nangyari? may problema ka ba?" nagaalala na si Tamara.
"A-ate, b-buntis ako." hindi naman makapaniwala si Tamara sa narinig.
"I'm 8 weeks pregnant ate.. at.. at si Jasper ang ama." lumuluhang sabi ni Cassandra.
"Si-sinabi mo na ba sa kanya?" pero iyak lang ang naging sagot ni Cassandra.
"I'm really sorry ate, hindi ko sinasadya. hindi ko talaga sinasadya." humagulhol na si Cassandra at wala naman nagawa si Tamara kundi yakapin lang kapatid.
"Ssshh, huwag mo na sabi akong alalahanin, okay na sa akin yun. Pinatawad na kita. Kapatid kita eh, mahal kita. Mahal ka namin nila mama at papa, tandaan mo yan." Umayos sila ng upo.
"Isipin mo ang kalagayan ng baby mo. Blessing yan ni God sa'yo. Don't worry too much dahil andito lang kame para sa'yo, mahal ka namin, kayo ng baby mo." Tamara assured her.
"Nasabi mo na ba kila mama?" she asked again.
"Natatakot ako ate, hindi ko alam kung paano sasabihin kila mama at papa. Baka magalit sila sa akin ate, baka itakwil na nila ko. Nakagawa na nga ako ng kasalanan sa'yo tapos ngayon eto pa buntis ako sa dating mong boyfriend. I'm really sorry ate, hindi ko talaga akalain na mabubuntis ako. Hindi ko rin ma-contact si Jasper para sabihin ang sitwasyon ko, ayaw nyang sagutin lahat ng text o tawag ko, kahit email ko or message ko sa facebook. Hindi ko na alam ang gagawin ate." umiiyak na sabi nito.
"Tumahan ka na, makakasama yan sa baby. Sigurado naman ako na pagsinabi mo yang sitwasyon mo kila mama ay iintindihin ka nila at tatanggapin ka pa rin lalo na ang baby mo. Hindi ka nila itatakwil kasi mahal ka nila. Kaya huwag ka na matakot, sasamahan kita sa pagsabi kila mama na buntis ka."
"Thank you ate. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka, I'm really sorry sa nagawa ko sa'yo. Promise makakabawi rin ako sa'yo. I love you ate."
"I love you too bunso." at niyakap nya ulit ito.
"Huwag ka na masyado mag-alala pa, okay? ako na ang bahala. Kakausapin ko si Jasper tungkol dito. He should know about your condition, about your baby."
"Thank you ate."
"Sige na, matulog ka na. bukas magkasama natin sasabihin kila mama na mag-kaka-apo na sila." nakangiting sabi nito kay Cassandra. Tango naman ang sagot nito at inalalayan nyang humiga si Cassey.
"Good night. Pag may masakit sa'yo o kung ano man ang kailangan mo, puntahan mo lang ako sa kwarto ko."
"Okay. Salamat ate, good night." saka lumabas na si Tamara ng kwarto.
To be continue...
Vote and comment please. Thank you.
A/N: And now I'm getting excited! What about you? =)
BINABASA MO ANG
Passionate Desire
Ficción GeneralNo sex before marriage, yan ang paniniwala ni Tamara at pinaniniwalaan nya pa rin hanggang ngayon. Pero paano kung subukin ito? Will she be able to hold on to her self-control? How will she handle it? Will she give up her belief? and be lured by his...