Chapter 57

67.3K 1.1K 38
                                        


Chapter 57

Kinabukasan ay nag-leave si Tamara sa trabaho para mapuntahan si Damon sa opisina nito at makausap ito ng personal. Pagkarating nya doon ay ayaw syang papasukin ng receptionist sa loob ng opisina dahil wala naman syang naka-set na schedule kay Damon buti na lang at napadaan si Carlos ang sekretarya ni Damon at kinausap nya ito. Dahil kilala naman sya ni Carlos ay hinayaan na sya nitong makapasok at tumuloy sa opisina ni Damon.

Nasa conference room daw si Damon at may meeting kasama ang mga board of directors ng kumpanya. Matyagang naghintay si Tamara sa loob ng opisina. Halu-halo ang nararamdaman nya. Kinakabahan sya pero na-e-excite din na makita ulit si Damon pagkatapos ng dalawang linggo na hindi nila pagkikita. Natatakot din sya dahil baka hindi sya pakinggan ni Damon at hindi sya tanggapin. Pero nandito na sya at handa syang gawin ang lahat para sa taong mahal nya.. para kay Damon. Mahal na mahal nya ito at sana ay hindi pa nagbabago ang nararamdaman nito sa kanya. Nagulat sya ng bumukas ang pinto at niluwa nun si Damon. Nakita nya ang seryoso nitong mukha at hindi nagbago ng makita sya nito. Malamig na tinignan lang sya nito at diretsong umupo sa kanyang office chair.

"What are you doing here?" malamig na tanong ni Damon na hindi man lang sya tinapunan ulit ng tingin. Lumapit si Tamara sa table ni Damon at nakatayo na kinausap ito.

"K-Kasi..ano..I---"

"Go straight to the point Ms. Suarez, I have a lot of things to do." masungit na sabi nito na hindi pa rin sya tinitignan at abala lang sa pagbabasa ng papel sa table nya.

"G-Gusto sana kitang kausapin."

"Aren't we already talking?" tumingin ito sa kanya. Poker face.

"Oo, ano.. gusto ko sana na mag-usap tayo tungkol sa relasyon natin kasi hindi mo naman sinasagot yung text o tawag ko." mahinang sagot ni Tamara.

"Relasyon? hindi ba at ikaw na rin ang nagsabi na wala tayong relasyon? It was just a deal for you." malamig na sabi nito.

"I'm sorry Damon."

"Apology accepted, you can go out of m----."

"And I want you to take me back, please?" kinakabahan man pero tinapangan na rin ni Tamara ang loob para masabi ang talagang pakay nya kung bakit sya nandito. Kanina pa sya kinakabahan sa malamig at masungit na pakikitungo ni Damon pero hindi sya dapat magpadala dito. Hindi sumagot si Damon.

"Nandito ako para humingi ng sorry sa nagawa ko Damon, alam ko napakatigas ng ulo at hindi ako nakinig sa'yo. I'm really sorry. I realized that I pushed away my happiness, I pushed away the man that always been there through my ups and down. Mahal kita Damon, please take me back." buong puso na sabi ni Tamara pero ni isa ay walang nakitang emosyon ito kay Damon.

"What if it's already too late for that? What I tell you that I don't want you anymore in my life." malamig na sabi nito. Mas dumoble ang kaba ni Tamara at nangilid ang mga luha.

"I-I will do everything for you to take me back. Mahal kita at hindi ako titigil hangga't hindi mo ako pinapapasok ulit sa buhay mo, hangga't hindi tayo nagkakaayos." sinserong sabi ng dalaga.

"You'll do everything?" tumango ito. Hindi nagsalita si Damon ng ilang segundo pagkatapos ay tumayo ito at lumapit sa kanya. Nagpamulsa saka tumayo sa harap nya.

"Okay, then let's have another deal."

"Ha? Pero---"

"Kung ayaw mo, pwede ka ng lumabas ng opisina ko. Marami pa akong gagawin." saka akmang tatalikod ito kay Tamara pero pinigilan nya ito sa braso.

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon