Chapter 32
A/N: Hi to @shienelsagayno , are we cool now? I did two updates today. Hooray! lols. Enjoy. =)
***Dalawang linggo na ang lumipas at simula ng insidente na nangyari sa CEO office ay hindi na ulit nagpakita sa kanya si Damon, hindi sya nito tinatawagan o tinitext. Pero lagi pa rin syang hinahatid sundo ni Mang Dino, wala rin naman binabanggit si Mang Dino sa kanya tungkol kay Damon. Hindi rin sya nagtatanong dahil nahihiya sya saka hindi pa yata sya handang makita ulit ang lalake.
Bago mag weekend o pag weekend naman nagtatanog lang si Mang Dino kung may lakad sya para maihatid at sundo sya. Sinabihan na nya ito na hindi na nya kailangan pang gawin yun pero ang sagot lang sa kanya ni Mang Dino ay yun daw ang utos sa kanya ni Damon at kailangan nyang sunduin. Si Damon na naman at ang kaniyang pagiging authoritative.
Natakot talaga sya kay Damon nung araw na yun.. nung araw na sobrang galit si Damon, akala nya ay pagsasamantalahan na sya ng tuluyan nito dahil sa galit nya pero buti na lang at huminto ito. Halos naubos lahat ng enerhiya nya dahil sa takot at pagpupumiglas. Hindi na nya alam tuloy ang dapat paniwalaan. Hindi na nya alam kung dapat pa ba syang lumapit kay Damon o kung dapat pa ba nya itong pagkatiwalaan. Muntik na sya dito pero hindi rin naman maalis sa isip nya lahat ng naitulong ni Damon sa kanya at lahat ng sinabi nito tungkol kay Jasper. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kanya ang rason kung bakit gusto ni Damon na maghiganti kay Jasper at kung sino sa dalawa talaga ang nagsasabi ng totoo.
Minahal nya si Jasper at pinagkatiwalaan at tama naman ang sinabi ni Damon na nagsingungaling sa kanya si Jasper at pinagtaksilan sya pero paano nga kung plano lang ito lahat ni Damon? Paano kung hindi naman talaga totoo ang sinabi nya na hindi nya ako ginagamit laban kay Jasper? Ang hirap mag-isip lalo na at ayaw naman magsalita ni Damon tungkol dito, ni ayaw nya rin depensahan ang sarili nya laban sa akusasyon ni Jasper.
Takot din naman sya na gawin nga ni Damon ang banta nito kay Jasper at sa trabaho nya, matagal nyang hinintay ang promotion na yun at ayaw nyang basta na lang itong mawawala. Pero napaka unfair pa rin ni Damon, sya lagi ang dapat masunod. Nakakainis na tini-take advantage nya ang kapangyarihan nya para sumunod ang lahat ng tao sa kanya. Kahit ang mismong kaibigan nya ang nagagawa nyang pagbantaan dahil sa ano? Masyado bang malaki ang atraso ni Jasper na kahit ang pinaghirapan nitong negosyo ay sisirain nya? Ganun ba sya kawalang puso?
Mabuti na rin na hindi sya nagpapakita dahil baka bumalik lang yung inis ko sa kanya ulit. Ayaw ko na muna masyado isipin ang bagay-bagay. Gusto ko muna magpahinga sa gulo at problema. Kaya naisipan kong mamili na lang muna ng mga kailngan sa bahay at pumunta sa grocery store para malibang kahit paano. Hindi na rin ako nagpaalam kay Mang Dino para makapagpahinga ito. Halos buong linggo ay nakabantay sya sa akin na parang napaka importante kong tao para bantayan.. hindi na rin naman ako bata at kaya ko ng alagaan ang sarili ko.
Habang papunta ako ng grocery store ay hindi ko akalain na makikita ko si Francis, si Francis na una kong nobyo. My first boyfriend, first love and first kiss. Matagal tagal na rin nung huli kameng magkita dahil sa Dubai ito nagtrabaho simula ng mapagpasyahan namin na maghiwalay. Mahal naming ang isa't isa noon pero may mga bagay talaga na pag hindi pa tamang panahon ay hindi kailanman tutugma. We prioritized our dreams, our goal, and our career. And I can say na tama naman ang naging desisyon naming kahit mahirap.
"Tammy." tawag ng lalake sa kanya saka ito lumapit. Ngumiti naman si Tamara.
"Hi!" bati ng dalaga.
"Kumusta? long time no see." sabi ni Francis.
"Okay naman, kelan ka pa umuwi galing Dubai?"
"Last week lang, end of contract na kasi ako. Saan ang punta mo? okay lang ba kung samahan na kita para makapagkwentuhan tayo?"
"Sure. Sa grocery ang punta ko." pagpayag ni Tamara.
"Tara."
Habang nag-go-grocery ay nagkukwetuhan sila ni Francis. Malaki na rin ang ipinagbago nito, mas naging mature na ito.
"Ikaw, may boyfriend ka na ba ulit?" nalungkot naman si Tamara ng maalala si Jasper.
"Actually, kaka-break lang namin."
"Oh! I'm sorry to hear that."
"Ayos lang, ganun talaga eh, hindi siguro talaga kame para sa isa't isa."
"Hayaan mo, may makilala ka pa dyan na iba, malay mo yung susunod na lalake na magpapaibig sa'yo ay sya na talaga yung magiging ka-forever mo." nangiti naman si Tamara.
"Sana nga, at sana yung gilfriend mo ngayon ay syang ka-forever mo na rin." Kumislap naman ang mga mata ng binata.
"Ramdam ko na sya na, Tammy." confident na sabi ng lalake. Natuwa naman si Tamara sa narinig.
"Kung ganun, wag mo ng pakakawalan."
"Oo naman, gagawin ko ang lahat para sa kanya kasi mahal na mahal ko sya." nakita naman ni Tamara sa mga mata ng lalake ang sinseridad nito.
Madami-dami rin ang mga bibilhin nya para sa stocks sa bahay nila, dalawang cart ang nagamit nya para sa mga groceries buti na nga lang at sinamahan sya ni Francis. Pumila na sya para bayaran ang mga pinamili pero sa kamalasan ng natapos i-punch lahat ng kinuha nya ay saka nya nalaman na wala ang wallet nya sa bag at naalala nya bigla na nailapag nya ito sa lamesa nila sa sala. Kung kelan naman na magbabayad na sya saka naman nya napansin na wala ang wallet nya, andun pa naman ang pang bayad nya sa groceries. Hindi rin kasya ang pera nya sa bulsa. Ayaw nya rin naman manghiram kay Francis dahil nahihiya sya lalo pa at ngayon na lang ulit sila nagkita. Nakita nya itong naghihintay sa kanya sa may exit.
"Ang malas naman." bulong ni Tamara. Hindi na nya alam ang gagawin dahil nakakahiya naman kung ipababalik nya lahat ng pinamili nya, eh ang dami nun.
"Miss Always in trouble." nagulat sya ng may nagsabi nun, kaya napatingin sya sa likuran nya.
To be continue...
Vote and comment please. Thank you.
Another author's note: I'm so tired today. I'm so busy with work. I'll try to update soon.
BINABASA MO ANG
Passionate Desire
General FictionNo sex before marriage, yan ang paniniwala ni Tamara at pinaniniwalaan nya pa rin hanggang ngayon. Pero paano kung subukin ito? Will she be able to hold on to her self-control? How will she handle it? Will she give up her belief? and be lured by his...