Chapter 37
Hindi pa rin tumitila ang ulan pagkarating nila ng parking lot ng condominium building. Sinabihan ako ni Damon na maghintay muna bago lumabas ng sasakyan. Nagtataka ako kung bakit pero sinunuod ko na lang ang sinabi nya, pagkatapos ay pinagbuksan nya ako ng pinto saka ako pinababa. Nakatingin lang sa akin si Damon na syang naman biglang pagkalabog ng puso ko. Napatingin tuloy ako sa ibaba para makaiwas sa titig nya, nakakailang lalo na at malapit lang sya sa akin.
Kinuha ni Damon ang nakapatong na coat sa akin saka ito inilagay sa harap ko, covering my upper body. Saka naman dumistansya ng konti si Damon na kinawala ng pagtambol ng puso nya. Buti na lang talaga at slacks ang gamit ko kung hindi mas mahihirapan ako at lalamigin pag skirt ang isinuot ko.
Nagsimula na silang maglakad at sumakay ng elevator. The elevator stopped on the 20th floor. Pagkalabas nila ay mas naramdaman nya ang lamig dahil sa airconditioner ng building. Inalalayan sya ni Damon papunta sa condo unit nya, ang kamay nito ay nakalagay sa likuran nya. Pagkalagay ng code ni Damon sa pinto ay bumukas agad ito at pumasok agad sila.
"Make your self at home. I'll just get you something to drink to warm your body. What would like? Hot chocolate? Tea or coffee?" Tanong nito.
"Coffee na lang." tipid na sagot ni Tamara saka umalis si Damon. Hindi naman makaupo si Tamara sa sofa dahil baka mabasa nya lang ito. Naging mabilis naman ang pagbalik ni Damon dala ang kape at isang tuwalya.
"Bakit hindi ka umuupo?" at binigay ang kape at towel sa kanya. "Sit down Tamara."
"P-pero mababasa ang sofa mo Damon." Pagaalala nito.
"That's fine, pwede naman yan patuyuin mamaya. Umupo ka na." sumunod naman ito kay Damon at umupo.
"Nagtext ka na ba or tumwag sa parents mo?"
"Ah h-hindi pa." sagot nito, saka kinuha ang bag sa lamesa at hinanap ang cellphone nya pero wala na pala itong battery at basa na rin.
"Use my phone to call your parents. I'll just go inside my room."
"Thank you." sabay abot ng cellphone at pumunta na ng kwarto si Damon. Tinawagan ni Tamara ang parents nya at sinabing okay lang sya at makikitulog muna sa isang kaibigan dahil baha na sa daan at mahihirapan na syang makauwi, naintindihan naman ng parents nya at sinabing mas mabuti nga na bukas na lang sya umuwi.
Pagkatapos nun ay binaba na nya ang tawag saka ininom ang kape na ginawa ni Damon para sa kanya. Unti unting nawala ang panginginig ng katawan ni Tamara dahil sa lamig at naubos nya agad ang kape. Narinig nya ang pagsara ng pinto at nakita nyang naglalakad palapit sa kanya si Damon.
"Let's go to my room, you need to change all your clothes." utos nito. Nagaalangan naman si Tamara habang nakatingin kay Damon.
"I'm keeping my promise, don't worry." sabi nito. Saka naman naglakad si Damon at sumunod si Tamara. Pinagbuksan sya ni Damon ng pinto at pumasok silang dalawa sa loob ng kwarto.
Malaki ito at very manly ang design halos karamihan ay color grey ang display ng kwarto pati ang kama ay grey din ang cover. Sa ibabaw naman nito ay may nakatuping damit.
"The shower room is on the left, I got some clothes for you, I placed on the bed. It's my clothes because obviously I'm all alone here, just use it for the meantime." sabi sa kanya ni Damon.
"Thank you." tipid na sabi ni Tamara.
"Okay, I'll just to the kitchen to prepare our dinner. Don't stay too long under the shower, you might get a cold if you do that." paalala ni Damon. Tango lang ang sagot ni Tamara.
"And you can use the hot shower and everything inside the bathroom just get the new one in the cabinet."
"Okay." saka lumabas na ng kwarto si Damon. Lumakad na rin palapit sa kama si Tamara at kinuha ang inihandang damit ni Damon para sa kanya saka sya pumasok ng banyo.
Namangha sya sa laki nito at napaka linis, hindi nya akalin na ganito kalinis sa bahay si Damon lalo na at lalake ito at mag-isa lang na nakatira dito. Ng masigurado nyang naka-lock na ang pinto ay inalis na agad nya ang kanyang mga basang damit saka tumapat sa ilalim ng shower at naligo.
Lahat ay naihanda na ni Damon para sa mga gagamitin nya. Natutuwa sya sa pag-aasikaso nito sa kanya pero hindi nya pa rin maiwasan na kabahan lalo na at silang dalawa lang sa loob ng condo unit. Nangako naman ito sa kanya na walang gagawin masama at nagdesisyon syang pagkatiwalaan ang pangako na yun. Medyo nagtagal sya sa ilalim ng hot shower dahil kanina ay lamig na lamig sya. Pagkatapos ma-shower ay nagpatuyo na agad sya ng katawan.
Isang navy blue na long sleeve ang inihanda ni Damon para sa kanya at itim na boxer. Wala syang choice kundi gamitin iyon kesa naman buong gabi nyang suotin ang basang damit nya, yun nga lang wala syang magagamit na bra at hindi rin sya masyadong kumportable na boxers lang ang suot nya. Hanggang kalahati lang ng legs nya umabot ang haba ng long sleeve na pinahiram sa kanya ni Damon, malaki naman ito sa kanya pero hindi pa rin sya kumportable dahil wala nga syang panloob na damit. Hindi nya tuloy alam kung lalabas ba sya o hindi ng banyo. Narinig nyang may kumatok sa pinto.
"Tamara, hindi ka pa ba tapos? naka-ready na ang dinner, kumain na tayo." sabi ni Damon.
"O-oo lalabas na ako." Sagot nito.
"Okay, I'll wait for you in the dining table." pagpakalipas ng dalawang minuto ay saka lumabas si Tamara ng banyo habang ang mga kamay nakataas sa bandang dibdib nito. She sighed. "Bahala na."
To be continue...
Vote and comment please. Thank you.
Hi to @RosemaryVenancio and @honey_pie0724 =)
BINABASA MO ANG
Passionate Desire
Ficción GeneralNo sex before marriage, yan ang paniniwala ni Tamara at pinaniniwalaan nya pa rin hanggang ngayon. Pero paano kung subukin ito? Will she be able to hold on to her self-control? How will she handle it? Will she give up her belief? and be lured by his...