Chapter 10

77.3K 820 8
                                        


Chapter 10

"Yes hon, si Yelena nga ang kasama ko at huwag kang OA hindi ko kailangan ng body guard." Sabi ni Tamara sa boyfriend nya na kausap sa cellphone habang nasa byahe.

"Text me or call me pagnatapos na yung gagawin nyo para masundo ko kayo."

"No need, maabala ka pa, di ba may meeting ka pa with a new investor mamaya. Huwag mo na kame sunduin." Nangingiti lang na nakikinig si Yelena na katabi ni Tamara sa taxi.

"But I want to. Is it wrong to see my girlfriend because I damn missed her?" Hindi maiwasan ni Tamara ang mapangiti at kiligin sa sinabi ng nobyo.

"Okay. I'll text you once we're done." Pagsuko nito.

"Alright, see you later honey. I love you."

"See you later, tapusin mo muna ang meeting mo bago mo kame sunduin okay?" paalala ni Tamara at nagbuntong hinga nalang si Jasper.

"Opo, I'll make it quick so I can see you na. Where's my reply?"

"What reply?" confused na sabi ni Tamara.

"I love you Ms. Tamara Suarez." Malambing na sabi ni Jasper.

"I love you too Mr. Jasper Fontanilla." Sagot ni Tamara at umubo naman si Yelena ng pabiro.

"Kuyang driver! Bakit ang dami pong langgam dito sa taxi nyo." Biro ni Yelena at ngumiti lang ang driver ng taxi.

"Sige na honey, inaasar na ako ni Yelena, ingat sa pagdrive mamaya, see you. Bye." And she ended the call.

"Nilalanggam na tayo girl dito dahil sa ka-sweetan nyo ng boyfie mo." Pangaasar ni Yelena kay Tamara.

"Sira! Inggit ka lang kasi yung boyfriend mo malayo ngayon."

"Uuwi na yun! At kakabugin namin yung ka-sweetan nyo ni Jasper!" parehas silang natawang magkaibigan. They're on their way sa place kung saan gustong ganapin ni Yelena party for her parents.

"Girl, bakit nga pala hindi na tayo tuloy sa Makati? Di ba dun yung unang place na gusto mo?" tanong ni Tamara sa kaibigan.

"Eh kasi may nakita akong mas maganda na pagdausan ng wedding anniversary nila nanay dito sa Marikina saka nakaka-excite dahil may malaki silang garden maze!" masayang sabi ni Yelena na parang bata na excited.

"Hindi ko alam na may garden maze pala dito sa Manila."

"Bagong gawa lang sya girl! Actually kakatapos lang magawa nung place two months ago at talagang ginawa sya for parties or special events even sa wedding! I'm so excited! We're here na!" at di rin mapigilan ni Tamara ang ma-excite dahil first time nya rin makakakita ng garden maze, usually sa internet or movie nya lang ito nakikita. When they went in, they're shocked. The place is exquisite, it was more than what they expected it to be, it's as if they're in a foreign country.

"Good morning Ma'am! Welcome to DKS!" Bati ng receptionist.

"Good morning din Miss, may schedule meeting ako with Ms. Montejo." Sabi ni Yelena.

"Sunod na lang po kayo sa akin Ma'am." At pumunta sila sa meeting room. Nagusap sila tungkol sa mga packages and services they can offer for anniversary event pagkatapos ay nag-tour sila sa buong lugar.

"And this is our garden maze, pagnatapos nyo po yung maze sa exit po nun ay makikita nyo po yung pinaka magandang part ng garden kung saan may maraming magagandang bulaklak saka po butterfly." Ani ni Ms. Montejo.

"Can we try it?" tanong ni Yelena.

"Sure po."

"Girl! Tara! Try natin!" excited na sabi ni Yelena saka sya hinatak papasok sa maze. Sa laki ng maze hindi mo makikita kung may ibang tao sa loob at talagang magiisip ka kung paano ka makakalabas dun at dahil mahilig sa mga puzzle si Yelena mas nauuna na sya maglakad kay Tamara. Sa sobrang excited ng kaibigan ay naiwanan nya si Tamara sa loob.

"Yelena! Nasaan ka na?" sigaw ni Tamara pero wala syang nakuhang sagot mula sa kaibigan. She started feeling worried, hindi sya magaling sa mga ganitong bagay. Madalas din syang maligaw sa mga lugar at kanina pa sya paikot-ikot sa maze pero di nya makita ang daan palabas, she tried going back to the entrance pero hindi na rin nya makita.

"Yelena!" sigaw ulit ni Tamara baka sakaling nasa malapit lang ang kaibigan, sigurado naman syang hindi sya papabayaan nito pero wala pa rin syang narinig na sagot sa kaibigan ang masama pa naiwan nya ang bag nya sa meeting room at andun ang phone nya.

"Paano ako lalabas nito? Kanina pa ako paikot-ikot." Napapagod na rin sya sa kakalakad, mga dalawampung minuto na rin simula ng pumasok sila ni Yelena sa loob ng maze. Nagpahinga na muna sya, alas diyes na ng umaga at ramdam nya na rin ang init dahil open ang parte ng ito ng maze. Ng makapagpahinga ay naglakad ulit sya, trying to check where is the exit. She wanted to call for help pero naisip nya na nonsense din ang sumigaw dahil hindi rin yata nila maririnig sa laki ng maze. She hopes that her friend get back to her immediately dahil nagaalala na sya na hindi sya makalabas dito sa maze. Naglakad sya padiretso saka lumiko sa kanan pero laking gulat nya ng may makasalubong sya.

"Oh my god!"


To be continue...

Belated happy Valentine's day!

Vote and comment please. Thank you.

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon