Chapter 13

71.8K 996 29
                                        

Dedicated to @smakasiar =) 

Chapter 13

Gusto na ni Tamara umuwi ng maaga dahil gusto nyang tulungan magimpake si Jasper at ihatid ito sa airport. May business meetings si Jasper sa Singapore at maglalagi ito doon ng tatlong araw. Hindi naman magawang mag-half day ni Tamara dahil full load sya ngayon kaya bibilisan na lang nya ang pagliligpit mamaya para makauwi sya at makadiretso na agad sa bahay ng nobyo. Lunch break nila ngayon at naisipan nyang tawagan si Jasper pero bigla din naman nag-ring ang phone nya at unknown number ang naka register sa screen ng phone nya. Sinagot nya ang tawag para malaman kung sino ito.

"Hello."

"Miss Always in Trouble." Sabi ng nasa kabilang linya.

"Damon." Sagot ni Tamara sa kausap pero huli na ng ma-realized nya ang nasabi nya.

"Wow! I'm surprised! You already know my name."

"N-Nabanggit lang ni Ms. Montejo sa DKS." Pagpapalusot ni Tamara. Walang sagot sa kabilang linya.

"How did you get my number? Bakit mo ba ako tinawagan? Ano bang kailangan mo?" Sunu-sunod na tanong ni Tamara sa kausap.

"Hey.. ! Hold your horses, are you that much interested to know me more?"

"Ha—What?" She heard him chuckles.

"Never mind, I have ways Miss Always in Trouble. And now I want you to get out of your office and be here in the restaurant in 15 minutes." He said in a serious tone.

"Huh? Bakit kailangan ko na sundin ang utos mo? Hindi naman kita boss." Mataray na sagot ni Tamara sa kausap.

"I'm a share holder of that school that makes you my employee and apparently your boss. And as your boss I'm ordering you to have lunch with me." utos ni Damon.

"I'm sorry Sir pero busy po ako, maghanap ka na lang po ng ibang kasama kumain."

"Do I need to drag you out of that building for you to have lunch with me?" may bahid na inis sa tono ng binata.

"You're kidding."

"I'm serious with everything just so you know Ms. Suarez. And I'm already starving so get your a-ss here fast." Saka binaba ang telephono.

"D-Damon!" pero wala ng nagawa si Tamara kundi ang sumunod sa utos ng lalake. Pagdating nya sa restaurant ay nakita nya agad si Damon ay may nakahain na agad na pagkain sa table, nakaramdam agad ng gutom si Tamara. Nakita agad sya ni Damon at lumapit na sya dito.

"Sit down and eat. I already ordered food." Walang kangiti-ngiting sabi nito. Sumunod na lang ulit si Tamara sa sinabi ni Damon kahit inis na inis na sya, inutusan na nga sya nito na pumunta dito at ito pa ang nag-order ng pagkain nya ng hindi sya muna tinanong kung anong gusto nya, hindi naman sya pihikan sa pagkain pero naiinis na sya sa pagiging bossy nito.

"Bakit mo ba ako pinapunta talaga dito?"Tanong ni Tamara habang kumakain.

"To eat." Tipid na sagot ng binata.

"And?"

"That's all"

"Why? Hi---"

"I don't like explaining things, I'm the one who's ordering around no questions ask. So just eat Ms. Suarez and finish it all." He said in a cold tone.

"What?!But---" pero hindi na sya pinatapos ni Damon magsalita.

" No buts. What did I just say?" Inirapan na lang nya ang binata.

"Tsk."

At nagpatuloy sila kumain at hindi na nagusap ulit. Sobrang nabusog si Tamara dahil inubos nya ang mga pagkain na inorder sa kanya ni Damon na karamihan ay madahon dahil healthy food na ang kainin nya para magkalaman naman daw sya dahil ang payat nya daw as if may pake sya.

"Tapos ka na? Let's go, your break will end in 15 minutes." Tanong sa kanya ni Damon.

"Kaya ko na po Sir" masungit na sagot ni Tamara, pero inakay pa rin sya ni Damon palabas at pinasakay sa kotse nito.

"Hindi mo naman po ako kailangan pa na ihatid, ang lapit lang ng school, lalakarin ko nalang po Sir."

"As if I'll allow you, at hindi mo ako madadaan sa ganyan so better stop the "po" and "sir" now,Miss always in trouble." He said emphasizing the way he calls her.

"Ewan ko sa'yo!" Pagsuko na sabi ni Tamara at hinatid na sya sa school.

"Salamat sa lunch." Sabi ni Tamara bago bumaba ng kotse.

"You're welcome." Akmang aalisin na ni Tamara ang seatbelt pero pinigilan sya ni Damon.

"Wait." at si Damon na ang nagtanggal ng seatbelt, she can feel his heat and can smell his masculine perfume, pigil ang hininga ni Tamara habang tinatanggal ng binata ang seatbealt sa kanya at pagkatapos ay bigla na lang syang hinalikan sa pisngi malapit sa labi nito. She felt his lips touched hers pero sa side lang na kinabigla ni Tamara at wala naman ibang reaksyon si Damon.

"Go ahead now, you'll be late Ms. Suarez." utos nito at tumango lang si Tamara saka lumabas ng kotse. Gulat pa rin si Tamara sa nangyari sa kotse kanina, laman pa rin ng isip nya habang naglalakad papunta sa faculty room.

"Baka hindi naman nya sinasadya." Isip ni Tamara saka nag-asikaso para sa susunod nya na klase.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.


Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon