Chapter 62
Author's Note: WARNING. This is not for kids. Please be guided. This is for open minded only. If you doesn't like it or not ready with this kind of stuff please stop reading it. I'm not going to make this in private chap but please... you already know why. Thank you.
And thank you to everyone who waited for my update. =)
*****
Tinulungan ni Tamara na magligpit at maglinis ng unit ang pumuntang hired help ni Damon. Kahit na may hired help na stay out sa unit ay sinuhestiyon nya pa rin kay Damon na sya na lang ang bahala sa paglinis ng condo at huwag na lang muna papuntahin ang helper but since Damon always wants to call the shot ay hindi ito pumayag na hindi pumunta ang hired help at akuin ni Tamara ang lahat ng gawain sa unit, pero imbes na every other day pumunta ay twice a week na lang. Mabilis naman sila natapos sa paglilinis dahil magkatuwang naman sila ni Manang Sol, ang helper ni Damon. After lunch ay naisipan ni Tamara na bisitahin sila Cassandra at baby JC kaya tinext nya si Damon para magpaalam bago umalis ng unit. Gusto nya sana hintayin ang reply ni Damon pero dumaan na ang trenta minutos ay wala syang natatanggap kaya minabuti na lang nya na umalis na at pumunta kila Cassey. Pagkadating sa bahay ng kapatid ay agad syang tinukso nito.
"Wow Ate! ang blooming mo ngayon, mas gumaganda ka..hiyang ka kay Damon." may malisya sa tono nito. Namula naman si Tamara agad.
"Anong hiyang ang sinasabi mo dyan, tumigil ka nga Cassey!" saway nito sa kapatod at natawa naman ang huli.
"Ikaw talaga Ate, wag ka na mahiya no tayong dalawa lang naman saka nagsasabi ako ng totoo mas blooming ka ngayon." panunukso ni Cassandra.
"Ewan ko sa'yo! pakarga na nga lang kay baby JC." at kinuha ang sanggol kay Cassandra.
"Naka-home run na ba si Damon?" tanong ulit nito.
"Cassandra!" saway ni Tamara at natawa lalo si Cassey.
"Okay! hindi na nga ako magtatanong, halata naman ang sagot eh base dyan sa pamumula ng mukha mo." nakangiting sabi nito.
"Kumusta naman si baby JC?" pagiiba ng usapan ni Tamara.
"Okay naman sya Ate mas lalo tumatakaw sa gatas."
"Mukhang nagpapalaki sya agad. Namiss kita baby JC." at hinalikan sa pisngi ang pamangkin.
"Si Damon bakit hindi mo kasama?"
"May pasok sya sa office ngayon eh pero nagpaalam ako na pupunta ako dito." sagot ni Tamara.
"Ganun ba, kumain ka na ba Ate? nagluto si Mommy Sonia ng lasagna, mag merienda na muna tayo."
"Sige." saka sila pumunta ng kusina at tinuloy ang kwentuhan habang kumakain. Matagal din ang naging pagkukwentuhan nilang magkapatid at dapat ay bago mag gabi ay uuwi na sya pero niyaya sya ng mommy ni Jasper na maghapunan na lang sa bahay at hindi na nya nagawang makatanggi pa. Tinawagan nya si Damon para makapagpaalam pero hindi naman nito sinasagot ang telepono. Sinubukan nya ulit pero hindi pa rin nito sinasagot kaya tinext nya na lang na hindi sya makakauwi agad at maghahapunan sya kasama sila Cassandra. Pagkalipas ng trenta minutos ay nakatanggap sya ng reply kay Damon at simpleng "okay" lang ang reply nito. Inabot pa sya ng dalawang oras sa bahay nila Cassandra dahil na rin sa pakikipagkwentuhan kila Cassandra at Mommy ni Jasper, pinahatid na lang sya sa driver nito pauwi sa condo unit nila Damon at hindi na rin sya tumanggi dahil gabi na rin at para makauwi na sya agad.
Alas diyes na ng makarating sya sa codo unit ni Damon at pagbukas nya ng pinto ay narinig agad ni Tamara ang boses ng isang babae. Narinig nya rin ang pagtawa nito at si Damon, sinundan nya kung saan ang boses at nakita nya ang mga ito sa dining area na masayang naguusap. Si Eloisa at Damon, magkatabi ang mga upuan sa dining habang umiinom ng wine. Minsan ay nakahawak sa braso ni Damon si Eloisa sabay tatawa. Lumipas din ang dalawang minuto bago nila napansin ang presensya ni Tamara. Napatigil agad sila sa pagkukwentuhan.
BINABASA MO ANG
Passionate Desire
General FictionNo sex before marriage, yan ang paniniwala ni Tamara at pinaniniwalaan nya pa rin hanggang ngayon. Pero paano kung subukin ito? Will she be able to hold on to her self-control? How will she handle it? Will she give up her belief? and be lured by his...