Chapter 33

63.6K 967 34
                                    

Chapter 33

A/N: Hi to @goodgirl2006 @jaazielbkptd @zoeyurgel @Emil025 @azilanomlabski @KyleSteffany  @capitalKIM @yuckygreen . I'm not sure if I already mentioned them on my previous update, lols. Thank you.

Though I'm tired from work I did my best to give you all an update because I know the feeling of waiting for an update. Enjoy.

****

"Miss Always in trouble." nagulat sya ng may nagsabi nun, kaya napatingin sya sa likuran nya. Pero hindi si Damon ang nasa harap nya kundi isang estranghero. akala nya si Damon.

"Hi! you're Tamara Suarez, right?" tanong ng chinitong lalake sa harap nya.

"Y-yes." Sagot nito.

"I'm Kenjie Chua, kaibigan ni Ize. Ako ng bahala magbayad ng groceries mo, here's my card miss beautiful." sabay abot ni Kenjie ng card sa cashier.

"Thank you sir." sagot ng cashier na hindi maitago ang paghanga sa lalakeng kaharap nya.

"T-teka Mister, nakakahiya." sabi ni Tamara.

"Okay lang yan, babayaran naman yan sa akin saka andito ako para sunduin ka at ihatid sa bahay nyo pagkatapos mo mag grocery, utos ng mahal na hari." Pigil sa pagtawa si Kenjie.

"Mahal na Hari?" at kumawala na ang tawa si Kenjie. Lalong nawala ang mata nito sa pagtawa.

"Joke lang, utos ni Ize, hindi ka raw kasi nagpaalam kay Dino na may puputahan ka ngayon kaya ako ang napagutusan, saka mukang tama nga yung sabi ni Ize na "Miss Always in Trouble" ka." pigil ulit sa pagtawa si Kenjie.

"Hindi kaya!" simangot na sagot ni Tamara.

"Okay! okay!" nakangiting sabi ni Kenjie na nakataas ang dalawang kamay bilang pagsuko.

"Here's your card sir, thank you."

"Thank you miss beautiful." sagot ni Kenjie sa cashier na namula ang pisngi sa pagngiti ng lalake.

Pagkatapos ay binibit na ni Kenjie ang mga pinamili ni Tamara at nilagay ulit sa cart ang mga paper na naglalaman ng mga groceries, lumapit naman si Francis sa kanila.

"Ah o nga pala Francis, ito si Kenjie kaibigan ko, Kenjie si Francis." pakilala ni Tamara sa dalawa. Nagtanguan lang ang dalawa.

"Kaya pala nagmamadali si Ize na ipasundo sa akin ang mahal nyang reyna." bulong ni Kenjie.

"Ano yun?" sabi ni Tamara. Umiling naman ang lalake.

"Let's go Tamara, I'll drive you home." sabi ni Kenjie. "Brod. ako na ang maghahatid kay Tamara, salamat sa pagsama sa kanya." tinignan naman ni Francis si Tamara para alamin ang pagsang ayon nito.

"Sige na Francis, si Kenjie na ang maghahatid sa akin. Thank you sa pagsama sa akin ah. Ingat ka." Paalam ni Tamara sa kaibigan.

"Okay. Salamat din, chat na lang tayo sa facebook, ingat kayo." saka ito umalis.

"Kaibigan mo? o ka-ibigan?" tanong ni Kenjie.

"Ex-boyfriend ko."

"ah, nakikipagbalikan?" tanong ulit ng lalake habang naglalakad sila patungo sa kotse nito at nakasunod naman si Tamara.

"Hindi, ngayon na lang kasi kame ulit nagkita kaya nung magkasalubong kame sa daan sinamahan nya na lang ako mag grocery at nagkwentuhan lang kame, kagagaling nya lang kasing Dubai."

"Okay."

Pagdating nila sa tapat ng kotse ni Kenjie ay pinagbuksan sya nito ng pinto. "Pasok na mahal na reyna." birong sabi nito.

"Mister, Tamara po ang name ko hindi mahal na reyna." nakangiting sagot ni Tamara.

"Pero ikaw naman ang reyna ng hari, saka Ken na lang ang itawag mo sa akin pag nahahabaan ka sa Kenjie." sabay kindat sa dalaga. natawa naman ang dalaga.

"Hindi nya ako reyna." at pumasok na ito sa loob. Pagkasara ay umikot na rin si Kenjie sa kabila para makasakay sa kotse.

"Mahal na reyna---"

"Tamara na lang please." Putol nya sa sasabihin ni Kenjie.

"Miss Always in trouble? Mahal na reyna? Miss Suarez? Ma'am? o di kaya Mrs. Saldivar?" namula naman si Tamara dahil dun.

"Lalong hindi pwede na Mrs. Saldivar kasi hindi naman ako misis ni Damon, Tamara na nga lang." she insist.

"Darling kaya?" at bago pa makasagot ang dalaga ay binawi na ito ni Kenjie.

"Oopps! Forget that I said that, sorry. Magagalit ang mahal na hari, off limits ka pala. Baka bigla nyang bawiin yung dinonate nyang pera sa business ko. hahaha!" napangiti na lang si Tamara sa kadaldalan ni Kenjie habang nasa byahe sila.

"Alam mo ba na um-oo agad si Ize at pinirmahan agad ang cheque ko ng malaman nya na hindi ka nagsabi kay Dino ng lakad mo? basta daw sunduin lang kita. Sa susunod sama ka sa akin ah pag may i-o-offer ulit ako kay Ize na business venture para hindi na sya makakatanggi." malokong sabi nito at natawa ulit si Tamara dito.

"Paano nya naman nalaman na hindi ako nagpaalam kay Mang Dino?"

"Ize have many ways." tipid na sagot nito. Hindi nailang sa byahe si Tamara na kasama si Kenjie, friendly kasi ito hindi katulad ni Damon na suplado at seryoso.

"Pasensya ka na nga pala Kenjie, inabala ka pa ni Damon para lang ihatid ako." sabi ni Tamara.

"Wala yun, bawal kasi na hindi sumunod sa mahal na hari saka gusto ko rin naman na makilala ka ng personal." nakangiting sagot nito.

"Bakit mahal na hari ang tawag mo kay Damon?"

"Eh bakit Damon ang tawag mo kay Ize?" hindi naman nakasagot si Tamara.

"Pag malapit ka kasi sa isang Damon Kaizer Saldivar, Ize ang tawag sa kanya pero ikaw napansin ko na Damon lagi ang tawag mo sa kanya, sa palagay ko naman malapit ka kay Ize dahil hindi sya makikiusap sa akin na sunduin ka kung hindi ka sa kanya importante." Kwento ni Kenjie habang nag-da-drive.

"Damon kasi yung gusto nya na itawag ko sa kanya, nagagalit sya pag Ize ang tinatawag ko sa kanya." hindi naman makapaniwala si Kenjie.

"Talaga? nakakapagtaka naman. Anyway, pagpasensyahan mo na lang yung ugali ng mga kaibigan ko. Alam ko komplikado ang sitwasyon nyo nila Jasper at Ize kaya sana huwag kang magsawa na intindihin sila pareho lalo na si Ize."

"Kaibigan mo rin si Jasper?" di makapaniwala ang dalaga.

"Yes, they're my friends. Hindi ko eksaktong alam ang nangyayari sa inyong tatlo at ayaw ko rin magsalita tungkol dun pero sana maayos na ninyo kung ano man ang di pagkakaunawaan sa inyong tatlo." Seryosong sagot nito.

"Matigas kasi ang ulo ni Damon, gusto nya sya lagi ang nasusunod kahit nakakasakit na sya." malungkot na sabi ni Tamara.

"He always wants to call the shots, he's also coldhearted most of the time but there's always a reason behind it, if he hurt you I'm sure that it's not intentional because I know Ize, he may be like that to people but he still has a good heart. I'll just let you discover it and let him open his self to you." sabay hinto ng kotse, hindi napansin ni Tamara na nasa tapat na pala sila ng bahay nya. Tinulungan ni Kenjie si Tamara na magbaba ng mga pinamili.

"Thank you sa paghatid Kenjie."

"You're always welcome." saka pumasok sa kotse si Kenjie at umalis.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

I'll try to post another update later if finish everything that I have to do. =)

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon