Chapter 56

62K 847 14
                                    

Chapter 56

Isang linggo na ang lumipas. Isang linggo na rin simula ng tuluyan na silang maghiwalay. Isang linggo na rin na wala ng naghahatid at nagsusundo sa kanya. Isang linggo na rin na walang text or call galing kay Damon. Isang linggo na rin na hindi nya ito nakikita. It was a hard decision for Tamara but she just needs to do it. She needs to free herself from him and focus on her family. She needs to be always with Cassandra and the baby.

"Ate, bakit hindi ko na nakikita si Damon saka wala ng sumusundo sa'yo?" tanong ni Cassandra habang pinapalitan ang diaper ni baby JC. Hindi naman agad nakasagot ito.

"Napansin ko kasi na kahit yung driver ni Damon hindi na nagsusundo sa'yo tapos sabi din ni Mama hindi na dumadalaw si Damon sa bahay." nagtatakang sabi ni Cassey.

"N-Nakipaghiwalay na ako sa kanya." sagot ni Tamara. Nagulat naman ang kapatid sa narinig.

"Ha? Bakit? Nambabae ba? Tara! sugurin natin ate! Hindi pwedeng ganito." akmang tatayo na ito sa kama pero pinigilan ni Tamara.

"Teka, hindi naman yun ang dahilan eh... ako yung kusang nakipaghiwalay sa kanya." saka tinuon ang tingin kay baby.

"Ate! Nababaliw ka na ba? bakit mo ginawa yun?"

"Kasi yun ang tamang gawin."

"Paanong naging tama yun aber?!"

"Hindi naman kasi namin mahal ang isa't isa, naging kame lang dahil kay Jasper at ngayon wala na si Jasper dapat na rin namin tapusin ang relasyon namin. Saka mas okay na yun para makapag focus ako sa inyo ni baby JC."

"I doubt it. Anong hindi mahal ang isa't isa?! eh kitang kita ko ang concern at care nyo sa isa't isa..masaya ka pagkasama mo sya at lagi syang nandyan para sa iyo. Yun ba yung hindi mahal? Saka Ate isang linggo ka na rin matamlay no, akala mo ba hindi ko napapansin." sabi ni Cassandra sa kapatid.

"Pagod lang ako sa trabaho." tipid na sagot ni Tamara.

"Sige Ate mag-pretend ka pa." she sighed and talk again.

"Ate, hindi mo kasalanan ang pagkamatay ni Jasper. Kahit ilang beses ko pa na ulit-ulitin sa'yo ito Ate para maniwala ka lang. Wala kang kasalanan at huwag mong masyadong i-focus ang buhay mo sa amin dahil okay lang kame ni baby JC. May sariling buhay ka rin Ate. Malaki ang pasasalamat ko sa'yo dahil lagi kang nandyan para sa akin kahit nasaktan na kita dati. I love you Ate at gusto ko na maging masaya ka rin. Piliin mong maging masaya Ate, huwag mong idiin ang sarili mo sa isang bagay na wala naman talagang may gusto. We will be okay saka andyan sila Mommy Sonia, andyan din sila Mama at Papa para sa akin. Don't let of the man that makes you happy." sinserong sabi ni Cassandra. Napangiti naman si Tamara at niyakap ang kapatid.

"I love you too bunso kayo ni baby JC and I'm really sorry again." naluha na ito.

"Ssshh, I know he's already happy kung nasaan man sya at binabantayan kame ni baby. He loves you Ate kaya ka nya niligtas at paniguradong hindi rin sya papayag kung hahayaan mo ang sarili mo na maging malungkot." hinarap nya ang kapatid at tinignan.

"Thank you."

"Ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo Ate, Thank you for everything."

"You're welcome." nakangiting sagot sa kapatid.

"Wala man lang bang ginawa si Damon para pigilan ka sa pakikipag break sa kanya? Hindi ka ba nya talaga mahal?"

"Mahal nya ako Cassey, sinabi nya sa akin yun pero nakipaghiwalay pa rin ako. Nagmatigas ako at hiniwalayan ko pa rin sya."

"Shungaks ka talaga Ate!" sermon ni Cassey.

"Sorry sa word, ikaw kasi eh!" bawi ni Cassandra at natawa naman si Tamara.

"Mahal ka naman pala nya Ate eh, ikaw mahal mo ba sya?" natahimik naman si Tamara ng ilang sandali saka sumagot.

"Mahal ko rin sya."

"Yun naman pala eh di makipagbalikan ka na. Napakawerte mo kay Damon Ate."

"Swerte rin naman sya sa akin no." natawa naman si Cassandra.

"Oo naman, swerte kayo sa isa't isa, kaya makipagbalikan ka na bago pa may ibang umagaw sa mahal mo." sabi ni Cassandra.

"Hindi ko alam kung paano, natatakot ako." mahinang sabi ni Tamara.

"I-text mo o kaya tawagan mo. Huwag kang matakot Ate, mas matakot ka pag may iba ng umagaw sa kanya kaya kailangan mo ng bilisan." pangaral ni Cassey. "Sige, kokontakin ko sya."

Pagkatapos ng paguusap at pangaral ni Cassandra kay Tamara ay agad naman na tinext nito si Damon pero hindi ito nag-re-reply. Sinubukan nya rin ito tawagan pero hindi sinagot ni Damon ang telepono nya hanggang sa umabot na ng isang linggo pero wala syang nakuhang response sa binata.

"Baka busy lang Ate? alam mo naman sikat na businessman si Damon." sabi ni Cassandra.

"Pero ilang beses ko sya tinext at tinawagan, imposible naman na hindi man lang nya mapansin yun dati naman kahit sobrang busy nya nagagawa nya akong i-text o kaya tawagan. Baka iniiwasan nya talaga ako." malungkot na sabi ni Tamara.

"Eh di puntahan mo sa office nya para makausap mo sya at least yun malalaman mo talaga kung iiwasan ka nya o hindi. Di ba lagi naman nasa office nya yun?" tumango si Tamara.

"Gusto mo samahan kita sa pagpunta mo sa office nya?"

"Hindi na. Ako na lang ang pupunta." sagot ni Tamara. Napahinga ng malalim ito.

"Kaya mo yan Ate."

"Kakayanin ko. Gagawin ko ang lahat para tanggapin nya lang ako ulit dahil mahal ko sya."

"I am so sure that he'll take you back, Ate kaya kita, pinakamaganda at sexy na ate sa buong universe!" masayang sabi ni Cassadra.

"Bolera."

"Hindi kaya, saka he'll regret it kung hindi ka nya tatanggapin ulit no." Napangiti si Tamara.

"Sige, i-boost mo pa yung confidence ko." at natawa silang pareho.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon