Chapter 53

63.9K 862 27
                                    

Chapter 53

Maganda ang umpisa ng araw ko. Binalita sa amin ni Cassandra na anytime soon ay manganganak na sya. Sobrang excited na ako na makita ang aking pamangkin! Magkakaroon na bagong miyembro ang pamilya namin. Sobrang excited na rin sila mama at papa na makita ang kanilang unang apo. Mas ganado tuloy ako pumasok sa trabaho dahil sa balita ni Cassey. Parang feeling nanay na rin ako sa sobrang pagka-excite ko na makita ang first baby ng pamilya. Maaga pa pero papasok na ako para makapag umpisa na agad sa trabaho pero di ko akalain na mas sasaya pa pala ang umpisa ng araw ko dahil si Damon ang maghahatid sa akin ngayon sa trabaho.

Akala ko talaga si Mang Dino pa rin ang maghahatid sa akin dahil alam ko naman na may mga investors na bagong dating si Damon ngayon sa bansa. Pero heto sya at hinihintay ako sa paglabas ng bahay namin. Ang daming babae na dumadaan na napapatingin sa kanya samantalang abala naman ito sa pagkalikot sa telepono nya at hindi pansin ang mga tao sa paligid nya. He's really a head turner. He's all that a woman could ask for and I am so lucky because I have him by my side. We may have a not so typical relationship but I'm always happy when I'm with him. He's just the only guy that can make my heart skip a bit with just his presence.

"Good morning!" bati ni Tamara kay Damon. Hindi nito napansin ang paglapit nya dahil sobrang abala ito sa kanyang telepono. Napatingin naman ito agad sa kanya at hinapit ang bewang ni Tamara palapit sa kanya.

"I'm sorry hindi kita napansin, Good morning too." and he kissed her on the forehead. She can smell his manly perfume.

"Have you already had your breakfast?" tanong nito. "Opo, ikaw?" tanong ni Tamara sa binata.

"Just coffee, I don't really eat breakfast." sagot nito.

"Kung gusto mo pwede kitang samahan muna mag-breakfast? maaga pa naman." alok ni Tamara.

"No, thank you. I have a meeting this morning with the investors from Macau. Dumaan lang talaga ako dito para ihatid ka sa school." napangiti naman si Tamara.

"Let's go." at binuksan na ni Damon ang pinto ng kotse para makapasok na sya sa loob. Habang nasa byahe ay ikinuwento ni Tamara ang balita na sinabi ni Cassey sa kanila at nag-usap din sila about sa lumalagong business ng papa nya. Mabilis silang nakarating sa school dahil wala naman traffic.

"Dino will fetch you later because I might go overtime today in the office."

"Okay, ingat ka sa pag-drive." sagot ni Tamara at tinanggal ang seatbelt para makalabas na ng kotse.

"Wait." napatigil naman si Tamara at lumingon kay Damon.

"You're forgetting something."

"What?"

"My kiss." namula naman si Tamara.

"Hurry up, Tamara." masungit na sabi ni Damon. Wala naman nagawa si Tamara kundi ang lumapit sa nobyo at bigyan ito ng halik sa labi. It was suppose to be a quick kiss but Damon didn't let go of her lips, instead he deepened the kiss and just let it go when they need an air to breathe. He caressed her cheek.

"Take care, baby. See you tomorrow."

"See you."

"And behave." napangiti si Tamara at tumango. Saka lumabas ng kotse ni Damon. Naging mabilis ang pagtakbo ng oras.

Pagkauwian ay sabay lumabas si Yelena at Tamara ng opisina. Sinundo si Yelena ng boyfriend nya at si Tamara naman ay sinundo ni Mang Dino. Naisip ni Tamara na bilhan ng pasalubong ang parents nya at nag-offer naman si Mang Dino na ito na lang ang bumili kaya naiwan muna si Tamara sa harap ng school. Habang naghihintay ay hindi nya akalain na makikita nya dun si Jasper.

"Tamara." tawag nito at lumapit sa kanya.

"Can we talk?"

"Jasper, a-anong paguusapan natin? Kasama mo si Cassey? Is she okay?" nagaalalang tanong ni Tamara.

"Don't worry about her, she's at home and she's okay. I want to talk about us." seryosong sabi ni Jasper. Bumuntong hininga si Cassandra.

"What about us? Jasper, kasal ka na kay Cassey at magkaka-baby na kayo. Please naman, tumigil ka na kasi matagal na tayong tapos." pakiusap ni Tamara. Hinawakan sya sa braso ni Jasper.

"But I know that you still love me, please honey. Tell me you still love me." Inalis ni Tamara ang kamay ni Jasper sa kanya.

"Tapos na tayo Jasper. Hindi na kita mahal." she said with finality.

"No! sinasabi mo lang yan para layuan na kita at mag-focus kay Cassandra. Tell me the truth Tamara."

"Yun ang katotohanan Jasper, hindi na kita mahal. Kaya tigilan mo na ito please, para sa kapatid ko at magiging pamangkin ko." pakiusap nito saka naglakad palayo kay Jasper. Hinabol naman sya nito.

"Plano ito ni Ize di ba? Plano nya talaga na paghiwalayin tayo!" galit na sabi ni Jasper.

"Hindi! We broke up because you cheated on me, please Jasper. Stop this nonsense!" binilisan pa ang paglakad palayo kay Jasper pero sumunod pa rin ito.

"I'm sorry honey, please come back to me. Mahal pa rin kita." At sinubukan syang hawakan ulit ni Jasper pero umiwas sya at naglakad patawid sa kalsada. Hindi nya napansin ang mabilis na paparating na kotse. Bumubusina ito pero sa gulat ay hindi na sya nakagalaw sa kinatatayuan. Napansin na lang nya ang paghablot ni Jasper sa braso nya palayo sa kalsada.

Mabilis ang sumunod na pangyayari. Malakas ang pagkakatulak sa kanya kaya napasubsob sya sa lupa samantalang nakita nya si Jasper na duguan at ang kotse naman ay sumalpok sa isang tindahan. Maraming tao, maingay at nagkakagulo. Sumunod ay ang tunog ng ambulansya at biglang naging blangko ang lahat.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon