Chapter 15
Isang beses palang nagkakausap sina Tamara at Jasper simula ng umalis ito papuntang Singapore, sobrang busy daw. Nabanggit ni Tamara kay Jasper na nasa Singapore din si Cassandra for an event na pag momodel-an, hindi rin sila masyado nakapagusap dahil tinawag na agad sya for a meeting at nagsabing tatawag nalang ulit sya pagnagka free time at naiintindihan naman nya dahil tungkulin ni Jasper yun at ayaw nya naman na obligahin ang nobyo na tawagan sya lagi o bawat oras dahil baka masakal ito sa kanya, baka isipin pa nito na hindi na nga nya naiibibigay ang pangangailangan nya ay masyado pa sya clingy, pero namimiss na nya si Jasper kaya imbes na masyado nya itong isipin ay nagpaka-abala na lang din sya sa trabaho.
Friday at medyo maraming tinapos si Tamara kaya quarter to six na sya nakatapos at makakauwi ng tumawag si Damon.
"Good evening Sir Damon." Magalang na sabi ni Tamara.
"Cut it out Tamara, I told you to call me Damon." Seryosong sabi ng binata at napabuntong hininga nalang si Tamara.
"Are you still in school?"
"Oo, bakit?"
"Good, I'll wait you in front of the school. Let's have a dinner together."
"T-Teka, uuwi na kasi ako, salamat na lang sa alok mo." Sagot ni Tamara.
"I'm not asking you to have dinner with me, I'm ordering you. Bilisan mong pumunta dito, mabilis ako mainip." Inis na sabi ng binata at binabaan na sya ng telepono.
"Nakakainis talaga ang lalakeng 'to! Kung hindi lang kita boss eh!"
Tinapos na muna ni Tamara ang lahat ng kailangan nya gawin sa office saka lumabas ng school, naisip nya na baka hindi na rin sya hinintay ni Damon pero nagulat sya ng makita nya ito sa labas ng school at halatang inip na sa paghihintay na nakatayo sa labas ng kotse nya habang naninigarilyo, nagkunwari na lang syang hindi nya ito nakita kaya nagtuloy tuloy na sya sa paglalakad palayo sa school pero nagulat sya ng bigla na lang may bumusina sa likod nya at nakitang kotse iyon ni Damon pero hindi na lang nya pinansin at nagpatuloy sya sa paglalakad pero sumunod ang kotse at binusinahan ulit sya pero this time ay mahabang busina na dahil nahihiya na sya sa tao sa paligid ay napasakay na lang sya agad sa kotse ni Damon.
"I hate it when people disobey me, this is your last Ms. Suarez." seryosong sabi ni Damon. Umirap si Tamara at bumulong. "Bossy."
"But I am your boss." Malamig na sagot ni Damon.
Sinagot naman nya ito sa sobrang inis. "Kahit naman boss kita, hindi pa rin tama na utos-utusan mo ako ng ganito. Hindi naman ito parte ng trabaho ko sa school."
"What did I tell you about this?" gripping the steering wheel.
"Wala akong pake!" sagot ulit ni Tamara.
"What did you just say?!?" Napalakas na sabi ni Damon, na kinagulat naman ni Tamara at kinatambol ng puso nito.
"Huwag mo ako sigawan!"sabi ni Tamara kahit kinakabahan. Pigil naman sa inis si Damon. " Just--Just shut it!" at napapukpok sa manibela at tumahimik na sila hanggang makarating sa restaurant. Si Damon na dapat ang oorder ng pagkain nila pero pinigilan sya ni Tamara at nagsabi na sya ang magoorder ng pagkain na gusto nya, hindi na rin nakipag argumento si Damon at hinayaan na lang ang dalaga. Tahimik silang dalawa hanggang sa dumating ang pagkain. Habang kumakain ay binigyan sya ni Damon ng vegetable salad.
"Eat this." utos ni Damon, naiinis man si Tamara ay kinain na lang nya ito kesa masayang. Ng matapos kumain ay sabay silang lumabas ng restaurant habang nakaalalay sa kanya si Damon.
"Kaya ko ng umuwi mag-isa." pero parang walang narinig si Damon at hinawakan sya sa kamay saka naglakad papunta sa kung saan nakaparada ang kotse at binuksan ito.
"Get in."
"Let go of my hand" masungit na tiningan nya ang binata.
"Get in first."
"Tsss! ang kulit!" at wala ng nagawa si Tamara kung hindi ang pumasok sa loob ng kotse at sinara na ito, saka naman umikot si Damon at sumakay na rin. Tahimik lang sila sa buong byahe at walang nagsasalita. Inabala na lang ni Tamara ang sarili sa pagtingin sa bintana.
Hinatid ni Damon si Tamara hanggang sa subdivision pero hindi na nya ito pinapasok sa loob. "Dito na lang ako please." pakiusap ni Tamara at himalang sumunod si Damon at itinigil ang kotse bago makapasok sa subdivision.
"Salamat sa dinner." walang sagot si Damon at lumapit sa kanya para tanggalin ang seatbelt nito. "Ako na." pero tinuloy pa rin ni Damon ang pagtanggal ng seatbelt ni Tamara and again she was caught off guard by his kiss. Magpoprotesta sana si Tamara pero nagbusina na ang kotse sa likod nila na papasok din sa subdivision kaya bumaba na agad si Tamara at narinig na lang nya na nagsabi si Damon ng good night saka pinaandar ang kotse at sya naman ay pumasok na sa loob ng subdivision.
Hindi na naman maalis sa isip ni Tamara ang nangyari sa kotse kanina ni Damon, sigurado na sya na hindi aksidente iyon kung hindi ay talagang sinadya ni Damon na halikan sya, kahit na sabihin pang dumampi lang iyon sa gilid ng labi nya ay halik pa rin iyon para sa kanya at walang karapatan na halikan sya ni Damon lalo na at hindi nya naman ito nobyo. Kaya bago sya matulog ay nag-text ito sa binata.
To Damon: Don't ever do that again
Mabilis naman syang nakatanggap ng reply mula kay Damon.
From Damon: The what?
To Damon: The one that you did in the car.
From Damon: What did I do?
Naiinis naman na nagreply ulit si Tamara.
To Damon: You kissed me!
Namula ang dalaga ng maalala ulit ang nangyari.
From Damon: Did I?
To Damon: I'm serious DAMON, never do that again. Good night.
Saka nya nilagay ang cellphone sa lamesa na katabi ng kama nya at humiga na para matulog, tumunog ulit ang cellphone nya.
From Damon: Good night
From Jasper: Honey, I'm sorry hindi na kita matatawagan ngayon I'm so busy. Sleep ka na. Good night! I love you.
Hindi na lang nya pinansin ang reply ni Damon at nagreply na lang sa text ng nobyo.
To Jasper: Okay lang hon, Don't forget to eat your dinner. Good night! I love you too.
Saka natulog na si Tamara na si Jasper ang nasa isip.
To be continue...
Vote and comment please. Thank you.
BINABASA MO ANG
Passionate Desire
Ficción GeneralNo sex before marriage, yan ang paniniwala ni Tamara at pinaniniwalaan nya pa rin hanggang ngayon. Pero paano kung subukin ito? Will she be able to hold on to her self-control? How will she handle it? Will she give up her belief? and be lured by his...