Chapter 8
Hindi naglilihim si Tamara kay Jasper kaya ng magkita sila ay kinuwento nya sa nobyo ang nangyari sa kanya nung nakaraan araw. Nagalit si Jasper sa nangyari at gustong balikan ang mga bumastos sa kanya pero sinabi ni Tamara na palagpasin nalang dahil okay naman na sya ngayon at buti nalang may tumulong sa kanya.
"Dapat tinawagan mo ako para sunduin ka." Seryosong sabi ni Jasper sa nobya. Hinawakan naman ni Tamara ang kamay nito.
"Sorry na po, iniisip ko kasi ayaw na kita abalahin pa dahil alam ko naman na busy ka sa trabaho mo ngayon." Paliwanag nito.
"Pero hindi ganun ka-busy para hindi masundo ang girlfriend ko. Pupuntahan naman kita basta nag-text ka or tumawag e." inis pa rin na sabi ni Jasper at niyakap sya ni Tamara, naglambing.
"Next time magpapasundo na ako honey, huwag ka na magalit."
"Hindi naman ako nagagalit sa'yo, naiinis lang ako dahil muntik ka na mapahamak dahil hindi kita nasundo." Sinusundo kasi sya minsan ni Jasper pag hindi sya masyadong abala sa trabaho.
"Hindi mo naman kasalanan yun hon, saka pinagsabihan ko na rin naman si Cassandra na huwag makialam sa gamit ko."
"Susunduin nalang kita lagi sa school nyo pauwi."
"Jasper, hindi mo naman kailangan gawin yun, alam kong marami kang kailangan tapusin sa trabaho mo. Pwede mo naman ako sunduin pag hindi ka busy saka hindi naman talaga ako nagpapagabi sa daan." Tanggi ni Tamara, napailing naman si Jasper.
"Ang tigas talaga ng ulo mo buti nalang talaga mahal kita." At hinarap si Tamara saka hinalikan sa noo. Napangiti naman si Tamara.
"I love you too." At niyakap ulit ang nobyo.
"Basta sa susunod kahit dis oras na ng gabi mag-text o tumawag ka sa akin para magpasundo, okay?" sabi ni Jasper at tumango naman si Tamara upang pagsang-ayon.
"Kilala mo ba yung lalake na tumulong sa'yo honey?" tanong ni Jasper sa nobya habang kumakain sila ng ice cream.
"Hindi e pero buti na lang talaga tinulungan nya ako kahit hindi nya ako kilala." Sagot ni Tamara.
"Baka naman kilala ka nun, admirer mo hindi mo lang alam." Natawa naman si Tamara sa sinabi ng boyfriend.
"Huwag kang magselos dun honey, mas gwapo ka pa rin sa akin." Nakangiting sabi ni Tamara.
"Hindi ako nagseselos, naisip ko lang na baka kilala ka nung lalake." Tanggi ni Jasper.
"Hindi ko yun kilala at sigurado ako na hindi rin ako nun kilala dahil never ko pa na-meet ang tao nay un, baka talagang may mabuting puso lang talaga sya. Parang yung ginawa mo dati kay Cassandra na pagligtas nung muntik na sya malunod dahil pinulikat sya sa swimming pool." Sabi ni Tamara.
"Siguro nga."
Hinatid ni Jasper si Tamara sa bahay nito pagkatapos nilang mamasyal sa mall at bumili ng mga kailangan na gamit ng nobya sa school. Pagdating nila sa bahay ay wala pa ang parents ni Tamara na pumunta sa bahay ng tiyahin nila, si Cassandra lang ang nasa bahay.
"Nandito ka na pala ate, hi Jasper." Bati ni Cassandra.
"Hi." Matipid na sagot ni Jasper.
"I-aakyat ko na muna itong mga pinamili saka magpapalit na rin ako ng damit, dito ka na mag-dinner honey." Sabi ni Tamara.
"Sige, pauwi na rin ba sila tito at tita?" tanong ni Jasper at sinagot naman sya ni Cassandra.
"Doon na daw mag-di-dinner sila mama sa bahay nila Tita Rose."
"Napasarap siguro ang kwentuhan nila dun, kakauwi lang kasi ang asawa ni Tita Rose galing England, Cassandra ihanda mo na ang mesa para sa dinner natin." Utos ni Tamara sa kapatid.
"Okay, tara Jasper sa dining." Pagyaya ni Cassandra kay Jasper at si Tamara naman ay umakyat na sa kwarto nito para magbihis. Ngayon na lang ulit nagkita sila Jasper at Cassandra at hindi pa rin nagbago ang pakikitungo ni Cass sa nobyo ng kapatid. Ng maka-upo si Jasper ay kumandong naman agad si Cassandra dito.
"Cassy! Nasa kwarto lang ang ate mo." Madiin na bulong ni Jasper at napangiti naman si Cassandra sa reaksyon ng lalake.
"I know, pero hindi naman agad makakababa yun, matagal magbihis si Ate, saka hindi mo ba ako na-miss?" malanding sabi ni Cassandra kay Jasper at hinaplos ang labi nito.
"I want to kiss you." Sabi ni Cassandra pero bago pa nya magawa iyon ay pinigilan na sya ni Jasper at pinatayo ito.
"Masyado kang kabado Mr. Fontanilla, hindi naman tayo mahuhuli ni ate." Sabi ni Cassandra saka hinalikan ng mabilis si Jasper at nagpatuloy sa paghahanda ng mesa para sa hapunan. Hindi naman maiwasan ni Jasper na mapatingin sa legs ni Cassy lalo pa at napakaikli ng suot nito na shorts. Saktong pagkatapos ni Cassandra maghanda ng dinner ay saka naman bumaba si Tamara.
"Ang tagal mo talaga magbihis ate, tara na kumain na tayo." Sabi ni Cassandra sa kapatid.
"Pasensya na inayos ko pa kasi yung mga gamit na binili ko, kumain na tayo." Sagot ni Tamara.
"Si Tita ba ang nagluto nitong kaldereta?" tanong ni Jasper.
"Ako nagluto nyan, tikman mo masarap. Nagpaturo ako kay mama." Sagot ni Cassandra at tinikman naman ni Jasper ang pagkain.
"Buti nga at nag-aaral na si Cassy magluto, dati kasi ayaw nya." "Masarap." Sabi ni Jasper.
"Syempre naman luto ko yan e, mas okay kasi yung matuto na ako ngayon magluto para sa future husband ko." Proud na sabi ni Cassandra.
"Ipakilala mo muna sa amin nila mama ang boyfriend mo bago pag-aasawa ang iniisip mo."
"Soon." Nakangiting sabi ni Cassandra sa kapatid.
To be continue...
Vote and comment please. Thank you.

BINABASA MO ANG
Passionate Desire
General FictionNo sex before marriage, yan ang paniniwala ni Tamara at pinaniniwalaan nya pa rin hanggang ngayon. Pero paano kung subukin ito? Will she be able to hold on to her self-control? How will she handle it? Will she give up her belief? and be lured by his...