Special Chapter
Author's note: Thank you! Thank you! Thank you so much!!! =) As of now, I don't have any story plot in mind. Lols. Enjoy this special chapter. I love you all! =)
***
"Baby, I'm home!" malakas na sabi ni Damon ng makapasok ito sa bahay nila. Dumiretso sya sa sala pero hindi nya nakita ang kanyang asawa. They got married after a month ng mag-propose sya sa DKS garden. Kung sya nga lang sana ang masusunod ay kinabukasan na agad niya gustong pakasalan si Tamara pero gusto nyang bigyan ng dream wedding ang pinaka importante at pinakamamahal nyang babae sa buong mundo kaya nag hintay pa sila ng isang buwan para maayos ang church wedding nila. Isang buwan na ang pinakamabilis na nagawa nila, I did everything just so I can give the best wedding for the girl I love. Money is not a problem anyway, kaya lahat ng gusto ni Tamara para sa wedding namin ay binigay ko. We're supposed to spend our honeymoon abroad pero nagbago ang isip ni Tamara at sa palawan na lang daw kame mag-honeymoon. Pwede naman daw kame mag abroad pag lumabas na si baby. Third month na ng pagbubuntis nya ngayon at nararanasan ko na rin ang nararanasan ng iba na paglilihi ng buntis nilang asawa. Iba iba ang food cravings ni Tamara at minsan sa madaling araw ginigising nya pa ako para paghanapin ng gusto nyang pagkain. Minsan naman hindi lang masunod ang gusto nya ay iiyak na ito agad. Hindi naman ako nagrereklamo dahil mahal ko sya at ang baby namin kahit na minsan nagseselos ako lalo na pag nasa iba ang atensyon nya.Katulad na lang nung isang linggo. Bumisita sya sa akin sa opisina para dalhan ako ng lunch pero nung makita nya ang sekretarya ko at ang dimple nito hindi na nya ito tinigilan. Pinasalo pa nya sa lunch namin at ang dala nyang lunch para sa akin ay i-shinare din nya kay Carlos! Nakakainis pero hindi ko naman mapagsabihan si Carlos dahil baka umiyak na naman si Tamara. Sinubukan ko sana palabasin na si Carlos ng opisina ko pero hindi pumayag si Tamara at muntik pang umiyak kaya pinabayaan ko na lang kahit selos na selos na ako. Kaya pagkatapos nun ay sinabihan ko na si Carlos na huwag magpapakita sa asawa ko pag bumibisita ito sa office. Gusto ko sa akin lang ang atensyon ng asawa ko. Gusto ko ako lang ang paglihian nya.
"Baby, where are you?" hinahaanap ni Damon si Tamara sa loob ng bahay.
"Sa Dining!" rinig ni Damon na sigaw nito. Pagpunta nya sa kusina ay nakita nya si Kenjie na nakaupo sa dining katabi si Tamara.
"Pare!" bati ni Kenjie habang kumakain ng cupcake na mukhang binake ni Tamara. Lumakad ito papunta kay Tamara hinalikan ito sa noon. Pinalayo agad sya ni Tamara.
"Damon, ang baho mo!" sabay takip sa ilong.
"What?! pero baby nagpalit na nga ako ng pabango dahil ayaw mo nung ginagamit ko."
"Mabaho pa rin, lumayo ka. Ayaw ko ng amoy mo." parang nandidiri na sabi ni Tamara. Napabuntong hininga naman si Damon at natatawa lang si Kenjie. Sinamaan nya ng tingin si Kenjie.
"What are you doing here, Chua?" masungit nitong sabi.
"Eating cupcakes." nakangiting sabi ni Kenjie at parang nangaasar pa.
"Umuwi ka na." seryosong sabi ni Damon.
"No!" pigil ni Tamara. Napatingin agad sya sa asawa.
"Pinapunta ko sya dito. Nagbaked ako ng cupcakes para sa kanya. Ang cute nya kaya habang kumakain ng cupcakes!" sabay pisil sa pisngi ni Kenjie.
"Tamara!" sita ni Damon. Napatigil naman si Tamara at nangilid na agad ang luha sa mga mata. Nilapitan nya agad ang asawa.
"Sorry ba---" umatras si Tamara.
"Stop right there! Ang baho mo!" Tumigil naman si Damon at bumuntong hininga ulit.
"Okay. Okay. He can stay here and eat the cupcakes." Sumigla naman agad ang mukha ni Tamara.
"Thank you!" at hinainan ulit si Kenjie ng cupcakes. Kumuha naman si Damon ng isa pero pinalo lang ni Tamara ang kamay nya.
"You can't eat that. Para kay Kenjie lahat ng cupcakes na luto ko." nalukot naman ang noo ni Damon.
"Pero baby I want one too."
"Magpa bake ka kay Manang o kaya bumili ka sa labas, basta! Kay Kenjie lahat ng cupcakes na binake ko."
"Tam, share na lang kame ni Ize, marami naman ito." singit ni Kenjie.
"No! kung gusto nya ng cupcake bumili sya sa labas." tumingin naman si Kenjie kay Damon na parang humihingi ng sorry. Tumahimik na lang si Damon saka lumabas ng dining area at umakyat sa kwarto nila.
Hanggang maghapunan ay kasama nila si Kenjie. Pinagsisilbihan ni Tamara si Kenjie imbes na si Damon. Tahimik lang si Damon pero naiinis na sya at sobrang nagseselos na sa atensyon na binibigay ni Tamara kay Kenjie. Pagkatapos maghapunan ay hinayaan na rin ni Tamara na umuwi na si Kenjie. Humingi naman ng paumanhin si Kenjie sa kanya pero hindi nya ito pinansin sa sobrang inis. Pagakyat nilang magasawa sa kwarto ay walang imik pa rin si Damon. Nagshower at nagpalit na ng damit si Tamara at dumiretso na sa kama. Si Damon naman ay nagshower din para mawala ang amoy ng pabango sa katawan nya. Paglabas nya naman ng shower ay nakita nyang katabi naman ni Tamara malaking teddy bear na binili nya para dito.
"Baby, alisin na natin yang teddy bear para makatulog tayo ng maayos." kasya naman sila sa kama kahit may teddy bear pero gusto nyang katabi ang asawa sa pagtulog at yakapin ito.
"Ayaw. Gusto ko katabi si teddy bear."
"Okay." tipid na sabi ni Damon saka naglatag ng kumot sa sahig at humiga doon. Pagod sya galing sa trabaho at ang gusto nya lang gawin ay yakapin ang mahal nyang asawa sa pagtulog pero ayaw naman sya nitong katabi.
Pagkalipas ng trenta minutos ay narinig nyang tinatawag sya ni Tamara. Nakapikit lang sya pero hindi sya makatulog. Hindi kasi sya sanay na hindi katabi ang asawa.
"Damon.." minulat nya ang mga mata nya at nakita nyang nakadungaw sa kanya ang asawa.
"Dito ka na sa tabi ko matulog please? Inalis ko na si teddy bear." malambing na sabi ni Tamara at tumayo naman sya agad para lumipat sa tabi ng asawa. Yumakap agad ito sa kanya.
"Galit ka sa akin?"
"No." tipid na sagot ni Damon at pinulupot ang braso sa bewang ng asawa. Gumalaw naman si Tamara at pinagpantay ang mukha nila.
"I love you." sabi ni Tamara habang nakahawak sa pisngi nya.
"I love you too, baby." at binigyan nya ng mabilis na halik sa labi si Tamara.
"Huwag ka na magtampo sa akin. Na-cute-an lang kasi ako sa pagkain ni Ken ng cupcakes." umiwas ng tingin si Damon.
"Oo na cute na si Carlos at si Chua." natawa naman si Tamara at pinatingin sa mga mata nya ang asawa.
"Pero ikaw ang pinakagwapong lalake sa buong universe. I love you Daddy Damon. Bati na tayo?" paglalambing na sabi nito sa asawa at di naman mapigilan ni Damon ang ngumiti. Sobrang mahal nya ang asawa at alam nito kung paano tanggalin agad ang inis at tampo nya.
"Kiss mo muna ako." agad naman syang binigyan ng mabilis na halik ni Tamara.
"Ayaw ko ng ganyan na halik, gusto ko yung malalim baby, yung matagal." They can feel their body temperature's rising.
"Tapos bati na tayo?" tumango naman si Damon saka sya masuyong hinalikan ni Tamara. They shared a passionate desire kiss that led to more than just kissing. He carefully takes her wife and become one again. She has baby bump already and they're so excited to see their baby after a few months.
End.
BINABASA MO ANG
Passionate Desire
قصص عامةNo sex before marriage, yan ang paniniwala ni Tamara at pinaniniwalaan nya pa rin hanggang ngayon. Pero paano kung subukin ito? Will she be able to hold on to her self-control? How will she handle it? Will she give up her belief? and be lured by his...