Chapter 54

61.9K 850 43
                                    

Chapter 54

Pagkamulat ng mata ni Tamara ay si Damon agad ang nakita nya sa kanyang tabi. Nakahiga sya sa kama sa loob ng ospital.

"Thank God, you're awake now." sabi ni Damon na tila nabunutan ng tinik at mabilis na hinalikan sya sa noo.

"I'll just call the doctor, stay there." saka ito lumabas ng kwarto. Chineck-up sya ng doktor at sabi ay okay na sya at obserbahan na lang ang katawan kung mahihilo pa o hindi. Pwede na daw sya i-discharge.

"I'll drive you home later but right now you still need to rest." seryosong sabi ni Damon. Naalala ni Tamara ang nangyari.

"Si Jasper. Kumusta si Jasper?" biglang nataranta si Tamara ng maalala ang nangyari.

"I-I saw him full of blood. Okay na ba sya?" natatakot at nag-aalalang tanong ni Tamara. Seryoso lang ang mukha ni Damon.

"Calm down Tamara. Kagagaling mo lang sa aksidente, kailangan mong magpahinga." Nagaalalang sabi ni Damon.

"Sa bahay na ako magpapahinga, okay lang ba si Jasper? Nandito rin ba sya sa ospital?" nakatingin lang sa kanya si Damon na nakaupo sa tabi nya at hawak ang kamay nya.

"Tamara...He's dead." ilang segundo na walang nagsalita sa kanilang dalawa. Hindi makapaniwala si Tamara sa sinabi ni Damon.

"Wh---How? Why? I---" hindi na natapos ni Tamara ang sasabihin at umiyak na lang ito. Inalo sya ni Damon. "I---I can't believe it, why? why does he have to be dead? Anong nangyari? bakit namatay sya? bakit hindi sya niligtas ng mga doktor? Damon..bakit?" umiiyak na sabi nito habang yakap sya ni Damon.

"Sabi ng mga doktor patay na daw si Jasper ng dalhin dito sa ospital, hindi na sya umabot."

"Magkausap lang kame kanina.. tapos..tapos sabi ko tigilan na nya ako. Sabi ko mag-focus na lang sya kila Cassey, tumawid ako tapos ang bilis ng pangyayari, may mabilis na kotse.. itinulak ako ni Jasper tapos nakita ko na lang syang duguan."

"Nasampahan na ng kaso yung driver na nakasagasa kay Jazz, sabi sa investigation nawalan daw ng preno yung kotse." kumawala si Tamara sa yakap at tinignan si Damon.

"Niligtas ako ni Jasper, ako dapat yun.. ako dapat yung nasagasaan.. ako dapat yung namatay Damon. Hindi si Jazz, paano na si Cassey? paano na yung pamangkin ko. Kasalanan ko ang lahat." at lalo pang umiiyak si Tamara.

"Ssshh, Tamara calm down. It's not your fault. I am really thankful to Jazz. If it not for him, I will not be able to talk you like this... to touch you. He saved you but baby please never think that it's your fault why he's gone now. He just did what he thought that he needs to do. It's destined to be like that."

"But---"

"Calm down now please. I don't want to ask the doctor to sedate just for you to rest. Go back to sleep now then tomorrow we'll go to your family, okay?" umiiyak pa rin si Tamara pero sumunod na lang ito kay Damon.

Kinabukasan ay nakalabas na si Tamara ng ospital at hinatid nya ito sa bahay para makakuha ng mga gamit saka dumiretso sa bahay nila Cassandra kung saan nakaburol si Jasper. Nandoon din ang parents nila para alalayan si Cassandra. Ng makarating palang sila bahay nila Cassandra at makita nya ang kapatid na walang tigil ang iyak ay awtomatikong tumulo na rin ang mga luha nya. Nilapitan nya ito at niyakap.

"I'm so sorry Cassandra." pagsisising sabi ni Tamara sa kapatid.

"Ate, wala na si Jasper. Wala ng kakagisnan tatay ang anak ko." umiiyak ito. Inalo din naman sila ng mama nila.

"Cassey, kailangan mong kumalma baka makasama sa baby mo." sabi ng mama nila. Pero patuloy pa rin ito sa pagiyak.

"Paano na kame ngayon? Paano na ang baby ko? Hindi na nya makikita ang papa nya. Hindi na nya magagawang makipaglaro pa dito. Hindi na nya magagawang makasama o mayakap man lang tatay nya. Bakit? Bakit ate? Bakit kailangan nyang iwan kame agad? Ganun ba sya kagalit sa akin na mas pipiliin nya pang mawala kesa makasama ako? Ang anak namin? Ate, mahal na mahal ko si Jasper... mahal na mahal ko sya. Akala ko sa wakas magiging okay na kame pero bakit ganito? bakit kailangan nya kameng iwan?"

umiiyak na sabi ni Cassandra. Wala naman ibang masagot si Tamara, buo sa isip nya na dahil sa kanya nawalan ng asawa ang kapatid nya at nawalan ng tatay ang pamangkin nya.

"I'm really sorry Cassey, kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ako tumawid, kung hindi nya ako niligtas. Ako dapat yun.. ako dapat... I'm sorry." walang pataw ang pagiyak ni Tamara. Hinawakan ni Cassandra ang kamay ng kapatid.

"Ate, hindi mo kasalanan... wala kang kasalanan. Please, wag mong sisihin ang sarili mo." pakiusap nito sa kapatid. Niyakap nila ang isa't isa.

Sa loob ng apat na araw ay hindi iniwan ni Tamara si Cassandra kasama ang kanilang mga magulang. Naka-alalay ito lagi sa kanya. Kahit sila Kenjie at Chris at andun din lagi at umuuwi lang para magpalit ng damit. Si Damon ay ni minsan hindi umalis sa tabi ni Tamara para alagaan at alalayan din ang nobya kahit lagi itong tahimik pagkatabi sya at madalang syang kibuin. Sinisisi pa rin ni Tamara ang sarili sa pagkamatay ni Jasper. Umuwi agad ang pamilya ni Jasper sa Pilipinas ng malaman ang balita. It was really hard for his mom to accept the truth. They decided to cremate his body.

Pagkalipas ng ilang araw ay kinausap sila ng abogado ni Jasper para sa last will and testament nito. Naiwan kay Cassandra at sa baby ang halos pitumpong porsyento ng ari-arian ni Jasper samantalang ang natira ay para sa nanay at step siblings nya. Hindi naman alam ni Cassandra ang gagawin sa iniwan na negosyo ni Jasper sa kanya kaya napagdesisyunan ng mommy ni Jasper na tumira na muna dito kasama ang pamilya para magabayan at maalagan sya, ang baby at ang negosyo.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

A/N: I'm really sorry. This has to happen. It's really meant to happen from the very beginning.

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon