Chapter 20

69.5K 844 36
                                    

dedicated to @juliemo125  =)

Chapter 20

Katatapos lang ng seminar nila Tamara. Kumpara ng mga nakaraan na araw ay mas gumaan na sa kanya ang mga ginagawa dahil may mga naging kaibigan na sya sa training saka tinutulungan din sya lagi ni Damon pag nahihirapan sya sa mga ibang bagay na hindi nya maintindihan sa training.

"Sa wakas nakatapos na ulit tayo ng isang araw na training. Success!" masayang sabi ni Liza, isa sa mga nakilala ni Tamara sa training at kasama nya sa table nila.

"Oo nga eh, nakaka-drain ng utak yung training." Sabi naman ni Tamara.

"At nakaka gutom." Natatawang sabi naman ni Kenneth na katabi ni Tamara sa table. Nag-aayos na sila ng gamit para makabalik na sa kani-kanilang hotel room at para na rin makapag pahinga.

"Oo nga, ang sarap na naman mag-pahinga at matulog na." sabi naman ni Tommy na katabi ni Liza.

"Sus! Tulog na naman? Samantalang napansin nga kita kanina nakapikit ka habang nagsasalita si Ma'am Xandra." At nagtawanan ang lahat.

"Ano ka ba, nagpapahinga lang yung mata ko kanina kasi napapagod tumingin sa projector." Palusot ni Tommy.

"Hahaha! Gutom lang yan Tommy, tara guys kumain muna tayo bago bumalik sa mga kwarto natin, maggala man lang tayo sa ibang resto dito sa hotel." Pag-aaya ni Kenneth.

"Ang sabihin mo pare, gusto mo lang makasama kumain ng dinner itong si Tamara." Sabay tukso na ng ibang kasama.

"Ang totoo nyan ka----"

"Tamara." Damon said in a dangerous tone. Everybody stops talking and giggling. Tamara turned around to face him.

"D-Damon." She's feeling a bit nervous because of his aura right now. He looks pissed.

"Good evening Sir Damon." Everyone greeted him but he didn't pays attention to them and just looked on Tamara.

"Let's go." He said then grabs her things, holds her hand and drags her out of the training room. Lumingon na lang si Tamara sa mga kasamahan nya ng may paumanhin.

Dinala sya ni Damon sa mamahalin restaurant ulit ng hotel para mag-dinner. He still looked pissed. Hanggang sa dumating ang order nila ay hindi nagbabago ang aura ng mukha ni Damon at nagtataka naman si Tamara kung bakit ganun ang binata. Naisip nyang baka dahil sa trabaho nito dahil busy na tao rin si Damon katulad ng boyfriend nya na si Jasper.

"Are you mad? Masama kumain ng nakasimangot." Tamara said, trying to lighten the ambiance. Pero tinignan lang sya nito saka sinabing kumain na kaya sumunod na lang sya. Baka stressed lang sa trabaho. Maya-maya din ay kinausap na sya ni Damon.

"How was your training?" Tanong ni Damon at nabawasan na ng konti ang dark aura nito.

"Okay naman na, salamat sa mga tulong mo." Masayang sagot ng dalaga.

"Always bear in mind that you can do it."

"Yes. Thank you, saka sorry kung nakakaabala ako sa'yo hayaan mo may mga friends naman na ako sa training sa kanila na ako magpapatulong."

"Friends like Kenneth? Stay away from that guy." Then he looks pissed again. Nagtaka naman si Tamara.

"Bakit? Mabait naman si Kenneth saka masaya kasama pati na rin ang iba ko pang kasama sa training."

"Does he know that you already have a boyfriend?"

"Oo naman. Alam naman ng lahat ng kaibigan ko sa training."

"Still I don't like you seeing with that guy... and the other guys." And continued eating. Tamara just rolled her eyes on him.

"Ewan ko sa'yo Damon, weird mo." Saka sumubo ng pagkain.

"Does your boyfriend know about that Kenneth guy?" tinignan sya ni Tamara saka bumaling ulit sa pagkain.

"H-Hindi eh, busy kasi si Jasper kaya sa tuwing tatawag sya ay nakakaligtaan ko na banggitin ang iba ko pang kasama sa training."

"Gaano ba kadalas nagti-text at tumatawag yung boyfriend mo sa'yo ngayon?" hindi makasagot si Tamara sa tanong ni Damon kaya pinili na lang nitong hindi sumagot.

"What if your boyfriend is cheating on you?" hindi makapaniwala si Tamara sa tanong ng kaharap, napakunot noo ito saka sumagot.

"Hindi nya yun magagawa." Saka nag-focus ulit sa pagkain.

"Really? How sure are you?" matamaang tumingin sa kanya ang binata.

"Kasi mahal nya ako." Confident na sagot ni Tamara at kinangiti naman ni Damon, a weird smile.

"Sometimes love is not enough for a man to be faithful. We have needs." Makahulugang sabi nito.

"Maybe. Pero iba si Jasper." Pagtatanggol nito sa nobyo.

"Okay, if you say so." Pagkatapos nun ay wala na ulit nagsalita sa kanilang dalawa hanggang sa matapos silang kumain. Medyo nailang tuloy si Tamara, hindi naman dapat sya magpapahatid kay Damon sa kwarto pero mapilit ito.

"Thank you ulit sa dinner." Sabi ni Tamara, nasa harap na sila ng pinto ng kwarto nya. Tango lang ang sagot ni Damon.

"Good night." Ngiting sabi ni Tamara saka akmang bubuksan na ang pinto pero pinigilan sya ni Damon.

"Wait..."

"Bakit?" lumapit sa kanya si Damon sya naman pagatras ng dalaga sa may pinto.

"Maniningil na ako ngayon." He corners her. She's confused with what he said. And before she can do or say anything, his lips landed on her lips. She got freeze on where she was standing. Malakas ang pagkalabog ng kanyang puso at may kung anong kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. Then reality hits her, she should not allow this guy to kiss her and before she can push him, Damon already freed her lips.

Sasampalin nya sana si Damon pero nasalo ng binata ang kanyang kamay.

"Don't miss me that much,okay?" saka sya hinatak ulit at nilapit sa katawan nito at hinalikan sya sa noo.

"And stay away from those guys." In a warning tone.

"Good night Tam." Saka sya binitawan at naglakad palayo sa kanya. Hindi naman makapaniwala si Tamara sa nangyari, halu-halo ang kanyang emosyon, malakas ang pagpintig ng kanyang puso at nangingilid ang kanyang mga luha sa mga mata. She can't believe that she allowed him to kiss her.

Ng gabi na yun ay nakatulog sya ng umiiyak dahil feeling nya nag-cheat sya kay Jasper dahil sa ginawang paghalik sa kanya ni Damon. Hindi rin sya makapaniwala na magagawa ni Damon yun sa kanya, dahil nagtitiwala sya dito at tinuring na rin nya itong kaibigan tapos ngayon ay nagawa nya ang ganitong bagay. It annoys her. Nang sumunod na araw ay hindi nya nakita si Damon. Nagti-text ito sa kanya pero hindi nya pinapansin. Galit sya dito at napagdesisyunan na nyang iwasan ang lalake. Ayaw nya na itong makita. Gusto na rin nyang makauwi at namimiss nya na ang family nya at si Jasper.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you. 

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon