Chapter 25
Today is Tamara's birthday. Bumuhos ang pagbati sa kanya sa cellphone pagkagising pa lang nya sa umaga, may ilang tumawag pa para batiin sya. Paglabas nya naman ng kwarto ay binati sya ng kanyang mga magulang at nakita nya ang niluto nitong handa para sa kanya. Maswerte talaga sya na sa dinami dami ng nangyari sa kanya nitong mga nakaraan araw ay lagi andyan para sa kanya ang kanyang mga magulang. Nagsalu-salo sila sa hinanda ng mga ito at binalot pa ang iba para mabaon nya sa office at mabigay sa mga ka officemates nya. Tumawag din si Cassandra para batiin sya, kinausap nya naman ito. It's an awkward conversation but she's happy that Cassandra didn't forget her birthday.
"Happy birthday ate, thank you kasi kahit galit ka sa akin sinagot mo pa rin 'tong tawag ko. Salamat Ate at sorry ulit sa nagawa ko." Umiiyak na sabi ni Cassandra sa telepono, naluha na rin si Tamara.
"I love you ate, at hindi ako magsasawa na paulit ulit na humingi ng sorry sa'yo. Napakaswerte ko na ikaw ang naging ate ko, napakaswerte ko kasi lagi kayong andyan para sa akin nila Mama. Thank you ate, ingat ka lagi dyan saka happy birthday ulit."
"T-thank you sa pagbati. Mag-ingat ka rin dyan lagi at pag may kailangan ka i-text or tawagan mo lang sila mama." Sagot ni Tamara.
"Okay po ate."
"Sige, bye.""Bye."
Pagkatapos nun ay nag-asikaso na si Tamara para sa pagpasok sa trabaho. It's a normal day for her at hindi na sya nagbirthday leave dahil wala rin naman syang gagawin sa bahay kaya mas okay na nasa office sya at nagtatrabaho.
Lagi na syang hatid sundo. Pag hindi si Damon ang nagsusundo sa kanya ay pinapasundo sya nito kay Mang Dino na driver nya, pag nakita nyang puting Audi ang naghihintay sa kanya sa labas ay si Mang Dino iyon pero pag black na kotse ay si Damon. Ng makarating sya sa school ay chineck nya ang phone nya kung may text si Damon pero pagtingin nya ay wala ni isang text galing dito. Naisip nyang baka siguro may early meeting kaya hindi sya nito na-text, pero lumipas ang oras at maguuwian na ay wala pa rin itong text or tawag sa kanya, she's actually expecting him to greet her, pero naisip nyang baka hindi nito alam na kaarawan nya ngayon.
Paglabas nya ng school ay nakita nya si Damon na naghihintay sa kanya at may dalang sunflower. Pero paglapit nya naman dito ay bigla naman nitong tinago sa likod ang dalang bulaklak.
"Para kanino yang sunflower?" Hindi makasagot si Damon at tila nahihiya ito pagkatapos ay nilabas na rin ang sunflower sa likuran nya at binigay kay Tamara.
"For you." Tipid na sabi ni Damon. Natuwa naman si Tamara at tinanggap nya ito saka sya inalalayan na pumasok sa loob ng kotse, pagkasakay ni Damon ay nagsalita ulit ito.
"I'm sorry."
"Sorry? Para saan?" nagtataka nya itong tiningnan.
"I'm sorry because I forgot that it's your birthday today. I actually don't, I wasn't able to ask you or ask my staff about it. I didn't buy any gift or plan any surprise party for you." Paumanhin ni Damon.
"Okay lang, masaya na ako dito sa sunflower na bigay mo." Nakangiting sagot nito.
"I got so busy in the office, I'm really sorry ngayon ko lang nalaman."
"It's okay Damon, don't worry too much, ah sabi mo ngayon mo lang nalaman, sino nagsabi sa'yo?"
"Liza told me, nauna kasi syang lumabas sa'yo at nakita nya ako at nabanggit nya sa akin na birthday mo nga ngayon. Nagahol na ako sa oras na bumili ng magandang bulaklak, wala naman kasing malapit na flowershop dito kaya pinitas ko na lang yung bulaklak sa garden ng school, I own it anyway." Parang nahihiyang napatingin sa ibang direksyon si Damon ng sabihin nito na pinitas nya ang bulaklak sa garden, kinatawa naman ito ni Tamara. She finds it cute.
"I'll make it up for it. Papalitan ko ng mas magandang bulaklak yung binigay ko." He said but she replied that it's fine.
"Can I treat you for dinner?" And she said yes.
Habang nasa byahe ay panay ang kalikot ni Damon sa cellphone nito, sinita nya. "Damon nag-da-drive ka, please stop using your phone."
"I know what I'm doing, saka mabagal lang naman ang takbo ko and currently ay nakastop dahil traffic so it's safe" he answered her. She just sigh. "Tigas ng ulo" bulong nito.
Nagulat si Tamara ng sa isang five star hotel sya dinala ni Damon and she asked him "Akala ko ba mag-di-dinner tayo?" nagtatakang tanong nito. But he didn't bother to answer. Tapos ay giniya sya nito papasok ng hotel and she suddenly remembered yung nangyari sa kanila sa hotel sa Laguna, the moment when he kissed her. Her heart immediately beats faster, she suddenly feel nervous. Tumigil sya sa paglalakad kaya napahinto rin si Damon, saktong nasa tapat na sila ng elevator.
"Damon." She said and worry is in her face.
"What?"
"We'll just eat dinner right?" she asked and he just smirked at giniya na syang sumakay ng elevator, solo lang nila sa loob.
"Damon!" Inis na sabi ni Tamara saka hinila and dulo ng coat nito.
"What?" hinarap sya nito.
"Hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh." and she stomp like a kid. He gave her a playful smile.
"We will not do something that you won't like."
"Damon!" at nagulat si Tamara ng tumawa ito ng malakas, first time na makita at marinig nya itong tumawa ng malakas, it was like a beautiful song for her, saka nagmuka syang approachable sa tawa nya. napangiti na lang si Tamara. tumunog ang ang elevator tanda na nasa tamang floor na sila .
"Let's go." at hinawakan sya sa kamay ni damon at saka lumabas ng elevator. when he opened the door, she was surprised with what she saw.
To be continue..
Vote and comment please. Thank you.
A/N: Predictable? Cliché?

BINABASA MO ANG
Passionate Desire
Ficción GeneralNo sex before marriage, yan ang paniniwala ni Tamara at pinaniniwalaan nya pa rin hanggang ngayon. Pero paano kung subukin ito? Will she be able to hold on to her self-control? How will she handle it? Will she give up her belief? and be lured by his...