Chapter 35

65.2K 877 53
                                        

Chapter 35

Ize or Jazz? =)

****

Lumipas ang ilang araw pero hindi pa rin nagpapakita si Damon kay Tamara. Hindi pa rin ito nag-ti-text o tumatawag sa kanya pero lagi naman andyan si Mang Dino at di pumalya ng pag hatid sundo sa kanya.

"Ma, alis na po ako." paalam ni Tamara sa ina.

"Sige anak, mag-ingat ka. Ang baon mo ba nandyan na sa bag mo?"

"Opo, yung gamot pala ni papa nakabili na po ako. Pakikuha na lang po doon sa lamesa ko sa kwarto."

"Salamat 'nak, kunin ko na lang mamaya. Sya nga pala mamayang hapon ay tatawag daw ulit si Cassandra at may sasabihin daw sa akin na importante." Nagaalala na sabi ng kanyang ina.

"Ano po kaya yun? at hindi pa sinabi sa inyo kanina."

"Hindi ko nga alam eh at nagmamadali agad na ibaba ang telepono, baka kako gusto ng umuwi dito kaso ay nahihiya lang magsabi dahil inaalala ka rin nya." bahagyang nalungkot ang mukha ng ina.

"Ma, okay na po sa akin yun, kung gusto na nyang umuwi dito ayos lang po sa akin. Huwag nyo na po akong alalahanin." Sagot ni Tamara sa ina. Hindi rin naman nya kayang tiisin ang pamilya nya.

"Salamat anak." at niyakap sya ng ina.

"Alam ko malaki ang kasalanan ni Cassandra sa'yo pero kapatid mo pa rin sya at mahal ko kayong dalawa. Ayaw ko na nakikita kayong ganito. Sana maayos nyo na ang hindi nyo pagkakaunawaan at sana ay bigyan mo sya ng pangalawang pagkakataon Tamara." Pakiusap nito sa anak.

"Pasensya na po kayo Mama, sorry po kung nahihirapan kayo dahil sa amin na dalawa. Promise po maguusap kame ni Cassandra paguwi nya." humiwalay na ito sa yakap.

"Salamat. sige na at baka mahuli ka pa sa trabaho mo." "Okay po. I love you." at humalik ito sa pisngi ng ina bago umalis ng bahay.

"I love you too anak, ingat ka."

Naging abala si Tamara buong araw sa eskwelahan. Dalawang subject lang ang tinuruan nya ngayon at pagkatapos nun ay puro paper works na ang ginawa nya. Kung hindi pa sya yayayain ni Yelena na mag-lunch ay hindi nya maalala na kumain saka nya lang naramdaman ang gutom ng makita nya ang pagkain sa harap nya.

"Girl, hindi naman babawiin ang promotion mo kaya pwede ka rin mag-lunch on time, baka malipasan ka ng gutom nyan eh, ikaw din." biro ni Yelena sa kanya.

"Hindi ko kasi talaga napansin na lunch break na masyado ako focus dun sa mga hawak kong papel." ngiting sagot nito.

"Naku, alam ko naman na nagdodoble sipag ka para hindi mo masyado maisip si Jasper pero sana naman wag mo pabayaan ang sarili mo. Saka malay mo magkaayos pa kayo di ba? nag-assign pa nga sa'yo ng driver para di ka na mahirapan mag-commute kahit break na kayo." Hindi alam ni Yelena na kay Damon galing ang driver/body guard nya.

"Kumain na tayo baka matapos ang lunch break hindi pa tayo tapos." ngiting sabi ni Tamara. "Korek! saka gutom na talaga ako." at kumain na sila.

Ng matapos sila kumain ay bumalik agad sila ng opisina. "Girl, curious lang ako, mahal mo pa ba si Jasper?" tanong ni Yelena. bumuntong hininga si Tamara bago sumagot sa kaibigan.

"Parang gusto ko mag-pizza mamaya girl, samahan mo naman ako please?"

"Buntis ka na agad? isang linggo pa lang dumarating ang boyfriend mo dito ah?" biro ni Tamara sa kaibigan.

"Grabe sya oh, maingat kaya yun laging nakakapote para hindi ko mapikot." at natawa sila pareho.

"TMI ka talaga."

"Ikaw kasi eh, ano samahan mo ako? libre kita." Suhol nito sa kaibigan.

"Oo na, libre mo eh may magagawa pa ba ako."

"Yes! pizza! pizza!" masayang sabi ni Yelena at bumalik na sila sa trabaho. Mabilis lumipas ang oras at hindi ulit namalayan ni Tamara na oras na pala ng uwian.

"Hay naku Ms. Tamara Suarez, uwian na po!" sigaw ni Yelena sa tabi nya na kinagulat naman ng dalaga.

"Papatayin mo ba ako? nagulat ako sa'yong babae ka."

"Kasi naman girl, uwian na, natapos na lang ako mag-retouch andito ka pa rin at busy sa kakatingin at kaka type ng kung anu-ano."

"Oo na, magliligpit na nga ng gamit, don't worry hindi ko nakalimutan na manlilibre ka ng pizza." natawa naman si Yelena.

"Yun! pag libre hindi nakakalimutan." at nagtawanan silang dalawa. Hinintay ni Yelena si Tamara na makapag-ayos at hinatid sila ni Mang Dino sa bagong restaurant na gustong kainan ni Yelena. Co-owner daw kasi ang tito ng boyfriend nya dito kaya gusto nya i-try at para maka discount na rin kahit paano. Ang boyfriend din kasi ni Yelena ang nag-suggest na kumain sila doon, at susunduin na lang si Yelena pagkatapos dahil abala pa ang nobyo sa pagtulong sa tatay nito sa negosyo. Maswerte si Yelena sa nobyo nito dahil bukod sa mabait ay napakasipag pa at mapagmahal sa pamilya, kung sana'y naging ganun din si Jasper at nanatiling tapat sa kanya.

Habang nagku-kwentuhan sila ay tinawagan sya ni Mang Dino at sinabi na kailangan nya na daw umalis dahil may emergency sa pamilya. Nasa ospital daw ang anak nito at kailangan sya doon, agad naman pinaalis ni Tamara si Mang Dino dahil kailangan ito ng pamilya nya. Sabi ni Mang Dino bago umalis ay intayin daw nya si Damon dahil ito na raw ang susundo sa kanya. Bigla naman kumalabog ang puso nya ng marinig ang pangalan ni Damon. Matagal-tagal na rin noong huli silang magkita at magusap.

Pagkatapos nila kumain ay sakto naman na pagdating ng nobyo ni Yelena at sinusundo na sya, niyaya syang sumabay sa kanila pauwi pero tumanggi si Tamara at sinabing may maghahatid sa kanya kaya umalis na rin sila Yelena. Hindi mapakali si Tamara. Hindi nya alam kung anong sasabihin nya o i-aakto nya pagdating ni Damon pero lumipas ang bente minutos pero wala pa rin ito at nagsimula ng pumatak ang ulan. Sumilong muna sya sa tabi ng restaurant para di maulanan pero lalong lumalakas ang ulan habang tumatagal at wala pa rin si Damon. Minabuti na nyang umuwi na lang mag-isa at sumakay pero hindi naman sya makasakay, wala rin taxi, meron pero puro may sakay.

Naglakad sya sa may bandang unahan baka sakali ay may makita syang masasakyan, unti unti na syang nababasa ng ulan at wala syang dalang payong. May nakita syang isang taxi pero nakita nyang may isang babae na sasakay rin at may dalang anak kaya pinauna na nya ito. Sobrang basa na sya sa ulan at nanginginig na sya sa lamig. Naglakad lakad pa sya, marami na rin ang na-i-stranded dahil malakas ang ulan at unti-unti na rin na tumataas ang tubig sa daan. Tumigil sya ng paglalakad at tumayo sa may lamp post. Napayakap sya sa sarili nya sa sobrang lamig, tumingin sya sa kalangitan at makulimlim pa rin ito, palatandaan na hindi pa titigil ang ulan. Mag-ga-gabi na rin at nag-aalala sya dahil ayaw na nyang mangyari ang nangyari dati sa kanya sa daan. Napadesisyunan nyang maglakad ulit at magbakasakali na makasakay ng biglang may sumilbato sa kanyang itim na kotse at tumigil ito sa tabi nya at nagbaba ng bintana ng kotse. "Get in."

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon