Chapter 38
Naglakad si Tamara papunta sa kusina na ilang na ilang sa kanyang suot ang kanang kamay nya ang nakataas sa tapat ng kanyang dibdib para maharangan ito at ang kaliwang kamay naman nya ay nakahawak sa laylayan ng long sleeve na suot nya para ibaba ito dahil kalahati lang ng legs nya ang covered ng damit. Tiningnan sya ni Damon pagkarating nya sa dining table. Namula naman sya bigla at agad na umupo sa upuan na katapat ni Damon.
"Let's eat." malamig na sabi ni Damon at sinandukan sya ng kanin at nilagay sa plato nya.
"A-ako na Damon, salamat." at hinayaan na sya nito na kumuha ng kakainin. Kumalam agad ang sikmura nya at naramdaman ang gutom ng makita at maamoy nya ang nilutong sinigang na baboy ni Damon. She didn't know that he can cook.
Masarap ang luto ni Damon at gustong gusto nya ang timpla ng asim sa luto nito. Nakatingin lang si Damon sa kanya habang kumakain sila na kinailang naman nya, gusto sana nyang pagsabihan ito kasi nahihiya syang bigla kaya pinabayaan nya nalang. Pagkatapos kumain ay nagbalat si Damon ng ponkan at ibinigay ito sa kanya.
"Eat this." utos nito. Wala naman nagawa si Tamara kundi tanggapin ito at kainin. Kahit naman pala utos ito, sumisigaw at gustong sya lagi ang nasusunod ay na-a-appreciate naman nya lahat ng ginawa nito sa kanya ngayon. Kung tutuusin ay pwede na sya nitong hindi alalahanin at hanapin nung hindi nya ito hinintay sa restaurant pero hindi nito ginawa. Ng matapos sila kumain ay nagsimulang magligpit ng mga plato si Tamara pero pinigilan sya ni Damon.
"Ako na ang magliligpit nyan at maghuhugas, dun ka na lang sa sala at manuod."
"Pero---"
"Do what I say." Hindi na naka-angal pa si Tamara.
"And..and I was late a while ago because I wasn't able to leave the meeting early and I got stuck in the traffic afterwards."
"Uhm-- okay." Sagot ni Tamara.
"But that is still not a valid reason for you to disobey me. You soaked yourself in the rain and didn't think that it's more dangerous to walk outside." seryosong sabi nito.
"S-sorry." nakayukong sagot ni Tamara.
"Tsss." inangat naman ni Tamara ang ulo nya para tignan ulit si Damon, naglilipit na ito ng pinagkainan nila, lumapit ulit sya sa mesa.
"T-tulungan na kita." mariin naman syang tiningnan ni Damon.
"Uhm, okay." saka ito pumunta na lang ng sala. Pagkatapos maghugas ng mga pinagkainan ay pumunta na rin ito ng sala at umupo sa sofa na katapat ng inuupuan ni Tamara. Na-concious naman ito sa pagdating ni Damon at kumuha agad ng unan para ipangtakip sa kanyang mga hita. Hindi na sya maka-focus sa pinapanuod nya dahil sa presensya ni Damon.
"Damon." mahinang tawag nito, lumingon naman ang binata sa kanya.
"Saan nga pala ako matutulog?"
"In my room." tipid na sagot nito. Nagulat naman si Tamara. "Ha--"
"You'll sleep in my room and I'll sleep here." nakahinga naman ng maluwag si Tamara.
"Have you already try to turn on your phone?" umiling naman ang dalaga.
"Ayaw na nya mag-open, nasira yata dahil nabasa ng ulan."
"If you wanted to text or call your family, you can use my phone for the meantime." at inabot ang cellphone nito pero hindi kinuha ni Tamara.
"Okay lang, magsasabi na lang ako sa'yo kung kailangan ko gumamit ng phone." Hindi naman umimik si Damon at tumutok na lang sila sa tv. Maya-maya pa ay nagpaalam na si Tamara na matutulog na saka ito pumasok ng kwarto at wala naman naging pagtugon si Damon. Malawak ang condo unit ni Damon halos kasing laki na rin ng isang malaking bahay yun nga lang ay isa lang ang kwarto.
Mag-dadalawang oras ng nakahiga si Tamara pero hindi sya makatulog, pabaling baling lang sya sa kama. Naisip nyang baka epekto ng kape na ininom nya kanina. Naisip nyang pumunta na lang mun ang kusina at uminom ng tubig. Baka din tulog na siguro si Damon kaya dahan dahan sya sa bawat pagkilos nya papunta ng kusina. Patay na ang lahat ng ilaw sa unit at ingat na ingat syang wag makagawa ng tunog or malakas na tunog na makakaistorbo kay Damon.
Buti na lang at may mga dim light kaya nagawa nyang makapaglakad ng maayos papuntang kusina. Kumuha sya ng isang basong tubig sa refrigerator at ininom ito pagkatapos ay kumuha ulit sya ng isang baso para dalhin sa kwarto pero nagulat sya ng biglang may tumawag sa kanya at bumukas ang ilaw ng buong condo unit.
Sa gulat nya ay nabitawan nya ang basong hawak nya at nabasag ito sa paanan. Sa pagkataranta naman ay naapakan nya ito at nasugatan sya sa paa. "Sht. Stay there! Don't move!" maawtoridad na sabi ni Damon at dinaluhan sya nito saka sya binuhat. Bridal style. Lumakas naman ang pagtibok ng puso ni Tamara.
Iniupo sya ni Damon sa sofa, niluhod ang isang paa at tinignan ang nasugatan nyang paa saka tumayo ulit at hinarap sya.
"Just stay here, I'll get my first aid kit in my room." saka ito umalis. Pagbalik ni Damon ay ito ang naglinis at naggamot sa sugatan nyang paa.
"Ako na Damon."
"No. Let me." Awkward ang feeling dahil kailangan na iangat ng konti ni Tamara ang hita nya para magamot ng maayos ni Damon ang paa nya. Kaya mas lalong nahantad ang legs nya kaya pinatungan nya ulit ng unan. Lalagyan na ni Damon ng benda ang paa nya ng pigilan nya ito.
"A-ako na ang maglalagay." at kinuha ang benda sa kamay ni Damon.
"Ibigay mo na yan sa akin at ako na ang maglalagay sa paa mo." nakatingin ito sa kanya.
"Ako na lang." pagpupumilit ni Tamara.
"Ang tigas na naman ng ulo mo." inis na sabi ni Damon at nauwi sa agawan ng benda sila. Nakuha naman ni Damon ang benda pero naging sobrang lapit ng katawan nila sa isa't-isa at naging mas hindi kumportable si Tamara dahil dito lalo na ng ilagay ni Damon ang kanyang mga kamay sa backrest ng upuan at nacorner sya nito.
Nakatingin lang ito sa kanya at maya maya ay lumalapit na ang mukha nito sa mukha nya. Pigil hininga naman si Tamara at tila biglang nawala sya sa tamang pagiisip at nalunod sa mga mata ni Damon.
"I know I shouldn't break my promise but...." at naramdaman na lang nya na tinawid na ni Damon ang espasyo sa pagitan nila. Naramdaman nya ang malambot na labi ni Damon sa labi nya at dumoble naman ang pagtambol ng puso nya. He slowly moved his lips on her and nibbled it. Tamara deeply fell into the intoxication of the kiss.
Pagkatapos ng ilang segundo ay lumayo din si Damon sa kanya.
"I---I let you put the bandage on your wound. I'll just clean the broken glass in the kitchen." saka sya nito iniwan sa sofa.
Hindi naman mapakaniwala si Tamara sa sarili na hinayaan nya na halikan sya ni Damon at malakas pa rin ang pagtambol ng kanyang puso. Parang nawala sya sa katinuan. Pagkatapos mag benda ng sugat ay naglakad na sya ng dahan dahan papunta ng papunta sa kwarto at nasalubong naman nya si Damon.
Hindi sya dito makatingin ng diretso at naramdaman nya na lang na wala na sa sahig ang kanyang mga paa at buhat buhat na sya ni Damon papunta sa kwarto nito. Napakapit na lang sya sa leeg ng binata. Maingat sya nitong inilapag sa ibabaw ng kama ay kinumutan. "Good night." saka ito lumabas ng kwarto.
To be continue...
Vote and comment please. Thank you.
A/N: Have you ever experience the feeling of having a lot of ideas in mind to write but you just can't write it because you don't know how to write it? Lols. I don't make any sense. Kwento ko na lang kaya sa inyo ang ending? HAHA! I'm out with my family today! Enjoy the rest of the day! Happy Sunday! =) Much love. -Hao

BINABASA MO ANG
Passionate Desire
Narrativa generaleNo sex before marriage, yan ang paniniwala ni Tamara at pinaniniwalaan nya pa rin hanggang ngayon. Pero paano kung subukin ito? Will she be able to hold on to her self-control? How will she handle it? Will she give up her belief? and be lured by his...