Final Chapter

110K 1.5K 151
                                    

Chapter 70 – Final Chapter

Damon Kaizer "Ize" Saldivar's POV

Damon Kaizer Saldivar known as "cold as ice and dangerous as fire" in business world. I grew up in small family. I'm an only child but that it didn't make me a lonely child because I have the best buddies in the world. I have Chris, Kenjie, Jasper my bestfriend and the special girl in my life, Selina. Magkakasabay kameng lumaki at dahil dun ay higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanila kundi isang kapatid na rin at parte ng aking pamilya. Ng mamatay ang parents ko dahil sa isang aksidente ay naiwan ako sa aking lolo. Grandpa's the most strict and coldhearted person, kung pwede lang sana na hindi ako tumira sa kanya ay ginawa ko na pero dahil sya na lang ang natitira kong pamilya ay tiniis ko ang kalungkutan na mawalan ng magulang at makisama sa isang tao na tila parang robot ang turing sa akin at hindi kapamilya.

I tried my best to be the best grandchild for him. I followed everything that he wants me to do. Sunod-sunuran sa lahat ng gusto nya kahit na ayaw ko, wala naman akong magagawa kung hindi ang sumunod dahil wala naman akong ibang mapupuntahan dahil bata pa ako. Kahit ang pagpili ko ng kaibigan ay kontrolado ni Lolo, inihiwalay nya ako kila Jasper at pinadala ng Amerika para magpatuloy ng pag-aaral dun hanggang makatapos ako ng kolehiyo. Pero kahit ayaw ni Lolo sa mga kaibigan ko ay palihim pa rin ako nakikipag komunikasyon sa kanila lalo na kay Selina.

Mga bata pa lang kame sobra na ang paghanga ko sa kanya, akala ko nga nung una ay pagiging kapatid lang ang turing ko sa kanya, I'm always over protective of her. But one day, it just hits me and made me realized that Selina's more than a friend and a sister. I love her as a woman.

Habang nasa kolehiyo kame ay naliligawan ko na sya kahit na nasa Amerika ako at nasa Pilipinas sya. Oo, mahirap ang long distance relationship pero ginawa ko ang lahat para mag-work ito dahil mahal ko sya. Lahat naman yata ng tao gagawin ang lahat para sa taong mahal nya. Nang makatapos ako ng kolehiyo ay pinauwi na rin ako ng Pilipinas ni Lolo, sobrang tuwa ko nun dahil sa wakas ay makikita at mayayakap ko na ulit ang babaeng mahal ko. At syempre makikita ko na ulit ang mga kabigan ko.

Pero ng umuwi ako ng Pilipinas ay mas naging mahirap dahil kinokontrol pa rin ni Lolo ang buhay ko at kailangan ko daw sumunod sa lahat ng gusto nya dahil utang na loob ko daw ang buhay ko sa kanya.

It was a rough and hard two years for me. Following all Lolo's order, running a big company and secretly having a relationship with Selina. Sikreto kame ni Selina dahil ayaw ni Lolo sa kanya. My friends know about us and helps us see each other if there's a spare time. I was so busy with everything then the time comes that Lolo died of cancer.

It was hard especially that I am just the only one now who will handle a very big company but I was happy too because at last I will be free. Free to do things that I want and be with the woman that I love. Sa bawat buwan na lumilipas ay nakakaya kong patakbuhin ang negosyo na iniwan ni Lolo, nakakaya ko dahil ginawa kong inspirasyon ang babaeng mahal ko. Pero hindi ko akalain na pagtuntong ng ikatlong taon ng aming relasyon ay magagawa nya akong ipagpalit sa taong itinuring ko ng kapatid.

She said that she wanted space but I didn't know that at that time she's already in love with my bestfriend, Jasper. Sobrang mahal ko si Selina at gusto ko syang maging masaya. At kung magiging masaya sya sa piling ni Jasper ay tatanggapin ko iyon kahit napakasakit sa akin. I let her be with Jasper. Tiwala naman kasi ako na hindi sya pababayaan ng bestfriend ko. Hindi ko akalain na yung tiwala pala na yun ay sisirain ng pinaka matalik kong kaibigan.

One night, Selina visited me in my office, crying. She told me everything, she told me that she's pregnant with Jasper's child and he doesn't want to take responsibility of it. Sobrang nagalit ako, sinira ni Jasper ang tiwalang binigay ko sa kanya. Sinugod ko sya sa bahay nila at kinompronta pero wala rin saysay dahil ayaw nyang panagutan ang ginawa nya kay Selina.

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon