Chapter 24
A/N: Hi @cranberry27 , @smakasiar , @llehcirymkoladnu , @juliemo125 , @hateplease15 , @ImLoVien =)
****
Hatid sundo ni Damon si Tamara sa bahay at sa trabaho, minsan sabay pa silang mag-lunch ni Damon pag wala itong masyadong ginagawa sa opisina. Laking pasalamat nya rin dito dahil hindi pa rin sya handa hanggang ngayon na makita or makausap si Jasper, nangangamba sya na baka mamaya ay bigla na lang itong sumulpot sa eskwelahan or di kaya sa bahay nila para kausapin sya at hindi nya alam kung anong gagawin, mas okay na rin yung lagi syang hinahatid at sinusundo. Lagi ganun na lang ang routine nya at hindi na sya muna gumagala o nagpupunta sa mall dahil takot syang makita si Jasper. It's been three weeks but it still hurts like the night that she discovered the truth. Hindi nya pa rin kinikibo si Cassandra hanggang ngayon at nagpalit na rin sya ng cellphone number para hindi na sya makontak ni Jasper.
Pero hindi nya inaasahan na pagbaba nya galing sa kwarto nya ay andun si Jasper sa sala nila, agad syang nakita nito at nilapitan para kausapin.
"Hon, I'm really sorry please kausapin mo naman ako, mag-usap tayo." Pagmamakaawa ni Jasper at may dala pa itong bulaklak. Parang biglang bumalik lahat ng naramdaman ni Tamara nung gabing nahuli nito si Jasper sa kataksilan nya. Sinampal nya si Jasper.
"I hate you! Lumayas ka dito!" sigaw ni Tamara pero niyakap sya ni Jasper at nagpumiglas naman ito.
"Please honey, let's talk, I'll explain everything please..please.. let's fix this Tamara." Pilit naman kumakawala si Tamara sa yakap ni Jasper.
"Bitawan mo ako! Jasper! Kinamumuhian kita!!" at tuluyan ng umagos ang mga luha sa mga mata ni Tamara.
"No please Tamara, pakinggan mo ako, please."
"At ano?! Ano pang ipapaliwanag mo?! Malinaw na sa akin ang lahat! Niloko mo ako! Niloko nyo ako!" at nakawala na ito sa yakap ng binata.
"Bakit ko pa pakikinggan ang paliwanag mo? Para magsinungaling ulit sa akin?! Hindi mo na ako maloloko!" at pinaghahampas nya si Jasper. "I hate you! Minahal kita pero nagawa mo akong lokohin!"
"I love you too Tamara, and I still love you, believe me.. ikaw ang mahal ko." At sinalo ang mga kamay ng dalaga.
"You still love me right? Please Tamara tell me that you still love me."
"Oo mahal pa rin kita at napaka tanga ko kasi hanggang ngayon mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na nitong puso ko dahil sa ginawa nyo." Patuloy ang pagluha nya.
"Please hon, stop crying.. I'm hating myself now for making you cry like this. I'm really sorry honey."
"Huwag mo na akong tatawagin ng ganyan! Tapos na tayo, ayoko na Jasper, masakit na.. sobrang sakit. Please lang pabayaan mo na ako." Pakiusap ni Tamara.
"No!no.. don't give up on us yet, please Tamara, I love you please. I'll tell you everything, I'll explain everything.Please say that we'll fix this."
"Ayoko ng making sa'yo, umalis ka na Jasper."
"Hindi, mag-usap tayo." Pagmamatigas ng binata.
"Umalis ka na!" tinulak nya si Jasper, di nagpatinag ang binata.
"Hindi ko naman sinasadya e, si Cassandra ang umakit sa-----"
"Stop! Stop! Stop! Ayoko ng marinig pa yan! Umalis ka na!" pinagtutulakan nya si Jasper at dumating naman ang nanay ni Tamara at nakita ang nangyayari sa dalawa at agad na inawat sila.
"Jasper, nakikiusap ako sa'yo pabayaan mo na muna ang anak ko." Sabi ng mama ni Tamara.
"I'm so sorry tita, hindi ko po talaga sinasadya." Sagot ni Jasper at nilingon si Tamara. "I'm really sorry honey, I hope you can still forgive me, I'll give you space if that's what you want but I'll never give up on us." At umalis na ito.
Pagsundo sa kanya ni Damon ay napansin nito ang mugto nyang mata. He suddenly changed his mood and looks so mad. Seryosong seryoso ito at imbes na ihatid sya sa school ay sa iba sya dinala nito. They went to the park, sit in a bench and both are not saying anything. After few minutes of not talking she insisted na ihatid na sya nito sa school dahil may trabaho pa sya pero hindi pumayag si Damon.
"I can always ask them to do your work and still pay you for a day but I'm not allowing you to go to school in your state." Hindi nakasagot si Tamara, maya maya ay umalis ito at pagbalik ay may dala ng ice cream at binigay sa kanya, nagtataka man pero tinanggap nya na lang ito.
"I just thought that it'll lighten your mood. They say that if a girl eats ice cream, it will make them happy and will take away their sadness." He asked her to tell him what happened and Tamara told her everything that made her cry again.
"He's an arse, don't waste your fu-cking tears on him, he's not fu-cking worth it." He said and looked so pissed off about it. It was the first time that she heard him cussing.
Pagkatapos maubos ng ice cream ay hinatid na sya ni Damon sa school at hinalikan sya sa noo bago pumasok sa loob.
"I'm not allowing you to think of him. Focus on your work Ms. Suarez." Napangiti naman si Tamara sa sinabi nito, alam nya naman kasi na ayaw nya lang makita itong malungkot.
Ginawa naman nya ang lahat para hindi maisip si Jasper pero may may mga pagkakataon talaga na bigla na lang itong susulpot sa isipan nya. Ng makauwi naman sya ay nagtataka sya na nasa sala lahat ng bagahe ni Cassandra. Napagdesisyunan pala nito na umuwi na lang muna ng probinsya at bago umalis ay kinausap nya muna si Tamara at humingi ng tawad, sinabi nito ang lahat ng katotohanan at inako nya lahat ng pagkakamali. Sinabi ni Tamara na tanggap na nya ang nangyari pero hindi nya alam kung kelan nya ito mapapatawad dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang pagtataksil nila.
To be continue...
Vote and comment please. Thank you.
BINABASA MO ANG
Passionate Desire
Ficção GeralNo sex before marriage, yan ang paniniwala ni Tamara at pinaniniwalaan nya pa rin hanggang ngayon. Pero paano kung subukin ito? Will she be able to hold on to her self-control? How will she handle it? Will she give up her belief? and be lured by his...