Chapter 34

63.3K 887 17
                                    

Chapter 34

A/N: You'll see Saldivar soon. Don't miss him that much. Bear with me please? Don't you miss Jazz perhaps? =)

****

"Ize." mula sa pagkakayuko at paggiging abala sa binabasa na mga papeles ay tiningnan ni Ize ang kaibigan na kapapasok lang sa kanyang opisina.

"Chua, naihatid mo na si Tamara sa bahay nila?" walang emosyon na sabi nito.

"Syempre naman pare, ako pa ba? sisiw." saka umupo sa silya na katapat ng office desk ng lalake.

"Good, here's the cheque for your business." inabot nya sa kaibigan at tinanggap naman ito ni Kenjie. Saka hinarap ulit ang mga papel sa harap nya.

"Thanks man! sa susunod talaga kukuntsabahin ko na si Tamara na sumama sa akin para lagi kang uma-agree sa mga offer at request ko sa'yo. Kahit ako pa ang maging personal body guard at alalay nya, hindi na ako lugi napakaganda ng kasama ko." Bigla naman umangat ang ulo ng kaibigan mula sa pagiging abala sa mga papel at sinamaan naman sya ng tingin.

"Don't you dare try Ken." Seryosong sabi ni Ize.

"Chill man! Possessive much? I know she's off limits. Binibiro lang naman kita ang seryoso mo." sabay tawa ni Kenjie.

"Sige na, umalis ka na dahil marami pa akong kailangan na gawin. Salamat sa pagsundo at hatid kay Tamara."

"You're welcome dude! bayaran mo na rin pala yung nagastos nya sa groceries dahil card ko ang ginamit nya, always in trouble talaga yang reyna mo, naiwan ang wallet sa bahay." Damon let out a sigh.

"Sabi na nga ba, Salamat pare. I-transfer ko nalang sa account mo yung bayad ko."

"Biro lang 'pre, ikaw talaga di na mabiro. Maliit na bagay lang yun kumpara dito sa tulong mo sa bago kong business."

"Wala yun."

"Oh by the way, bakit nga ba ayaw mong Ize ang itawag sa'yo ni Tamara?" hindi naman nakasagot agad si Damon.

"I just don't like her calling me by my nickname." iwas nito.

"Why? All of us who's close to you is calling you Ize, so bakit si Tamara hindi pwede? mahalaga sya sa'yo. Kung si Jazz nga Ize ang tawag sa'yo eh." Pangungulit ni Kenjie sa kaibigan.

"You're so nosy Chua, I didn't know you're turned into a girl now." Inis na sabi nito sa kaibigan.

"Whatever Saldivar, kahit magbilangan tayo ng naikakama na babae ngayon talo ka pa rin. Just tell me the f-cking reason behind it or else I will not tell you who's with Tamara before I went there." Sabay sipol ni Kenjie. Kunot noo na naman na napatingin sa kanya si Damon.

"Who?"

"Come on Ize, sagutin mo muna yung tanong ko." natatawang sabi ni Kenjie.

"Gago ka Ken, bawiin ko kaya yang cheque?" seryosong sabi nito.

"Touch move na yun pare."

"Tsss." Saka ito tumayo sa kinauupuan at nagpamulsa.

"Naaalala ko kasi Selina pag Ize ang tinatawag sa akin ni Tamara kaya ayaw ko na tawagin nya ako sa nickname ko. I won't let Tamara be like Selina. I won't let the past happen again." seryosong sabi ni Damon at natahimik naman si Kenjie.

"I know Jasper is such an as*h*le but I'm still hoping that you two will still patch things up. You are best buddies before, sayang naman." walang sagot si Damon.

"Kasama ni Tamara yung ex boyfriend nya kanina." Pagiinporma ni Kenjie.

"Si Jasper?!?" nagalit bigla ito.

"Kalma pare, hindi si Jasper kundi yung Francis na ex boyfriend daw nya." Pigil sa pagngiti si Kenjie dahil sa reaksyon ng kaibigan. He's enjoying it.

"F-ck, may isa pa." bulong nito.

"Hahaha! napaghahalatang masyado kang seloso at possessive pare, huwag kang magalala hindi naman daw nakikipagbalikan yung Francis. Dumiga ka na rin kasi baka maunahan ka pa. Ikaw din." saka ito tumayo.

"May kasabihan nga tayo na first love never dies." biro ulit ni Kenjie.

"Ang dame mong alam Chua, you f--king talk like a hen." Imbes na mainis ay tinawanan lang sya ni Kenjie.

"Una na ako. Salamat ulit."

"Bata ka pa para mauna."

"G*go, marami pang mga babae na kailangan ako." sabay tawa nito at umalis na ng office ni Damon.

"Sira ulo." bulong ni Damon.

Hindi naman maalis sa isip ni Tamara kung paano nalaman ni Damon na hindi sya nagsabi kay Mang Dino ng lakad nya ngayon. Iniisip nyang baka magalit na naman ang lalake dahil sinuway nya ang gusto nito. Simula kasi nung sinabihan sya nito na guguluhin ang kumpanya ni Jasper pag lumapit pa ito sa kanya ay nakagawian na nyang maging updated sa mga business news at nagbabasa ng dyaryo o di kaya ay nag-si-search sa internet. Lagi nyang chini-check kung may balita ba tungkol sa kumpanya ni Jasper or kung may ginawa ba ang kumpanya ni Damon kay Jasper pero buti na lang wala syang nababasa na ganun. Puro magandang balita naman ang nababasa nya tungkol sa business ni Damon at Jasper dahil parehas itong sikat sa larangan ng negosyo. Wala naman syang nabasa na rivalry ng dalawa. Buti na lang talaga at hindi tinuloy ni Damon ang banta nito sa business ni Jasper. Hindi nya pa rin naman maalis na magalala dahil kahit naman na pinagtaksilan sya ni Jasper ay naging mabuti pa rin naman ito sa kanya at minahal nya ito. Sana lang ay magkaayos na ang dalawang magkaibigan at hindi na maghiganti pa si Damon kay Jasper kung ano man ang atraso nito sa kanya.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you. 

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon