Chapter 41
Kinabukasan ay magkasamang kinausap ni Tamara at Cassandra ang parents nila. Nakaalalay si Tamara sa kapatid sa buong paguusap at pagtatapat nito sa mga magulang. Hindi man makapaniwala nung una pero kinalaunan ay tinanggap din ng mga magulang nila na magkaka-apo na sila at masaya sila dahil dun.
Nag-iyakan silang lahat at tila nakahinga na ng maluwag si Cassandra dahil sa wakas ay nasabi na rin nya sa mga magulang nya ang totoo sa tulong ng ate nya. Masaya silang nag-almusal at bago pumasok sa trabaho si Tamara ay nagbilin sya sa kapatid na samahan ang ina na magpapalit ng lens ng salamin sa mata at magpunta na rin sa obgyne para mapa-check sya at ang baby. Masaya si Tamara na buo na ulit ang pamilya nila at may nadagdag pa na isa.
Paniguradong pagkatapos lang ng ilang buwan ay magkakaroon na ng ibang kulay at sigla ang bahay nila. Pero bigla nya rin naisip ang ama ng bata. Paano nya sasabihin kay Jasper ang tungkol kay Cassandra? Pero baka magalit si Damon pag kinausap nya ito. Pero hindi rin naman pwede na hindi malaman ni Jasper ang kalagayan ng kapatid dahil bukod sa pamilya nya ay kailangan din ng baby ng isang ama. Kailangan panagutan ni Jasper si Cassandra o maging responsable man lang sa baby at tumayong ama nito.
She decided to text Damon and talk about her plan.
To Damon: Can we meet later? I need to talk to you about something important.
and after few seconds she received a call from him. "What is it this time, Tamara?"
"It's about..." napabuntong hininga sya. Sa totoo lang ay kinakabahan syang magsabi kay Damon lalo na pag tungkol kay Jasper ang paguusapan dahil alam nyang galit ito kay Jasper.
"About what? Hurry up Tam." Inip na sabi nito.
"It's about Jasper." she heard him cussed.
"Please, don't be mad. It's not about me and Jasper, it's about Cassey and him." she explains. Silence passed by.
"Okay. I'll fetch you after 30 minutes." nagulat naman si Tamara sa sinabi ni Damon, after work dapat sila magkikita pero katatapos pa lang ng lunchbreak nila.
"T-teka, hindi ba pwedeng after work na lang?"
"Do as I say. No questions asked. Do I need to always remind that Ms. Suarez?" wala naman nagawa na ang dalaga.
"Okay." at binaba na ni Damon ang telepono. Nag-asikaso na agad si Tamara at nagpaalam sa supervisor nya na mag-a-under time dahil may emergency at pinayagan naman sya. Limang minuto bago bago ang sinabing oras ni Damon ay andito na ito agad sa school at hinihintay sya.
Pinapasok agad sya nito sa kotse saka sila umalis agad. Tumigil sila sa isang high end restaurant at dumiretso sa isang vip room. He ordered food for both of them.
"Nag-lunch na ako, Damon."
"Just eat whatever that you can take, I'm not taking my lunch yet and I want you to eat with me." napatingin naman agad sa orasan si Tamara at nakitang mag-a-alas dos na ng hapon.
Sobrang huli na sa pagkain si Damon. Sinabayan nya na lang sa pagkain si Damon at dessert na lang ang napili nya habang si Damon ay tahimik na kumaikain. Ng matapos sila kumain ay saka ito nagsalita.
"What are we going to talk about Jasper and your sister?" seryosong tanong ni Damon.
"Cassandra's pregnant with Jasper." tila hindi naman nagulat ang kausap at wala syang nakitang ibang emosyon dito.
"Then it has nothing to do with you, it's their issue that they need to discuss about."
"Pero hindi makausap ni Cassandra si Jasper tungkol sa kalagayan nya. K-kaya gusto kong gumawa ng paraan para makausap si Jasper at sabihin sa kanya na nabuntis nya si Cassandra."
"But didn't I make myself clear? I don't want you to talk or see Jasper ever again." Mariing sabi nito.
"Pero---"
"No." malamig na sabi ni Damon. Nangilid naman ang luha ni Tamara dahil dito pero hindi pwedeng wala syang gawin para sa kapatid at sa pamangkin.
"Please, Damon. Para sa kapatid ko. Para sa baby nya." she begged him. He didn't say anything. Silence prevailed. Pinipigilan na ni Tamara ang umiyak, nakatingin lang sa kanya si Damon.
"Alright, let's make a deal." nabuhayan naman agad si Tamara.
"What deal?"
"I'll let you see and talk Jasper but I should always be with you whenever you will meet him to talk about Cassandra.Only." tumango naman si Tamara upang pagsangayon.
"And you should submit to everything that I'll say. No more disobedience. Deal?" hindi makapagisip masyado si Tamara.
"Remember that if you will not agree with it then you got no choice but to let Cassandra clean her own mess." seryosong sabi ni Damon. Mula sa punto na yun ay pumayag na sya para sa kapatid, dahil gagawin nya lahat para dito, para sa pamilya nya. "Okay. Deal."
"Good. I'll help you with Jasper. Don't think about him, I'll handle it." He said and she just nodded.
"Let's go, I'll drive you home." saka sila tumayo at nagulat si Tamara na hinawakan ni Damon ang kanyang kamay habang papalabas sila ng kainan, hindi na sya tumutol pa. She should get used to this. They have a deal. Ngayon ay opisyal na ang kanilang relasyon, kung relasyon nga bang matatawag sa isip ni Tamara. Tahimik lang ang dalaga sa buong byahe samantalang si Damon naman ay maya't maya may kinakausap sa telepono at puro utos ang naririnig nya rito.
"I scheduled a meeting with Jasper tomorrow. Would you like to bring Cassandra with us?"
"Hindi na lang muna siguro, mas mabuting tayo na lang muna ang kumausap kay Jasper." sagot ni Tamara bago bumaba ng sasakyan. Nasa tapat na sila ng bahay ngayon.
"Okay. Susunduin na lang kita bukas. And don't worry about your undertime today, I already handled that."
"Thank you. Sige, bababa na ako. Ingat ka." Paalam nito pero bago makababa ay pinigilan sya ni Damon sa kamay.
"From now on you should act like a real girlfriend." seryosong sabi nito. Tumango sya.
"And it should start from this." lumapit sa kanya si Damon saka sya hinalikan sa mga labi. Muli ay naramdaman nya ang malambot na mga labi ni Damon, gumalaw ito ng konti saka ito pinakawalan.
"Bye baby." In rasp voice. Malakas na naman ang pagtambol ng kanyang puso. Parang umakyat ang lahat ng dugo sa ulo nya.
"B-bye." sabi ni Tamara na hindi makatingin ng diretso kay Damon saka bumaba ng kotse. Ng makapasok sa loob ng bahay ang dalaga ay saka naman pinatakbo ni Damon ang kotse at umalis.
To be continue...
Vote and comment please. Thank you.
BINABASA MO ANG
Passionate Desire
Fiction généraleNo sex before marriage, yan ang paniniwala ni Tamara at pinaniniwalaan nya pa rin hanggang ngayon. Pero paano kung subukin ito? Will she be able to hold on to her self-control? How will she handle it? Will she give up her belief? and be lured by his...