Chapter 52

65.8K 966 64
                                    

Chapter 52

A/N: Brace yourself. Something will happen soon.

Mas naging intimate pa ang relasyon nila Damon at Tamara pero hindi umaabot sa puntong buong ibibigay ni Tamara ang gusto ni Damon. She sometimes reminds him to stop minsan naman ay si Damon na mismo ang tumitigil. Parang nakalimutan na rin ni Tamara na ang relasyon nila ay hindi katulad ng ordinaryong magkarelasyon dahil ang sa kanila ay nabuo dahil sa isang deal. Masaya si Tamara pag kasama si Damon. It was as if they're in a real relationship but there's just one thing to settle down and that's their true feelings for each other. Kailanman ay hindi narinig ng bawat isa ang salitang "mahal" pero ramdam ni Tamara na tila nahuhulog na sya kay Damon.

Sa ilang buwan nya itong nakasama ay nakita at nalaman nya na kahit bossy ito at seryoso lagi ay may tinatago naman itong kabaitan sa puso. He helped her Dad on his furniture business and Dad's very happy about it. He may be territorial when it comes to me and sometimes gets infuriated by Jasper's presence but I never see him do something bad towards Jasper nor to his business. And I just found out that he's helping a lot of people not just here but all over the world. He's not just one of the richest and famous business tycoons in the world but he's also a man with a loving heart. Everyone might see him as the "cold as ice and dangerous as fire, businessman" but I as the caring Damon not just to me but to his friends as well, he just not want to show it.

****

Cassandra's on her 9th month of pregnancy and one of these days will born a little Jasper in the world.

"Jazz." tawag ni Cassey kay Jasper habang nag-bi-breakfast sila. Tumingin ito sa kanya.

"Pwede mo ba akong samahan sa check up ko today? wala kasi akong makakasama, si Mama kasi may lakad kasama si Papa, nahihiya naman ako istorbohin sila." sabi ni Cassandra. Hindi naman umimik si Jasper.

"P-pero kung busy ka, okay lang naman. Ako na lang siguro mag-isa pupunta k-kasama ko naman yung driver natin." Hindi pa rin sumagot si Jasper. Nasanay na rin naman si Cassandra sa malamig na pakikitungo nito sa kanya.

Never din sumama sa kanya si Jasper sa doctor para sa check up nila ni baby. Gusto nyang magtampo pero wala naman syang magagawa kung hindi pagpasensyahan ito dahil sumumpa sya sa harap ng Diyos na gagawin nya ang lahat para kay Jasper. Bago sila matapos kumain ay nagsalita si Jasper.

"Would that take an hour for the baby's check up?" tanong nito. Hindi makapaniwala si Cassandra sa narinig nya at hindi nya maitago ang tuwa.

"No! I-I mean, mabilis lang naman yun saka may schedule na kasi ako today kay doktora." excited at masayang sabi ni Cassandra.

"Okay, let'go then. I wanna see our baby too." saka ito tumayo at kinuha ang susi sa table.

"Kunin mo na yung gamit mo para maka-alis na tayo at hindi maabutan ng traffic." sabi ni Jasper. Masayang masaya si Cassandra lalo na at unang beses nyang marinig kay Jasper ang mga salitang "our baby" parang napawi lahat ng pagtatampo nya dito. Tahimik lang silang dalawa sa byahe. Kasama si Jasper sa loob ng check up room para makita nito mismo ang baby sa loob ng tyan ni Cassandra. Her tears fell when he saw his reaction. He's so excited to see their baby and was so happy when he heard his heart beating. It was the most precious moment for Cassandra with Jasper as a family. She felt so loved by him when he wipes her tears.

Sinabihan ng doktor si Jasper ng mga kailangan gawin nito para kay Cassandra at sa baby dahil baka isa sa mga darating na araw ay maari ng lumabas ang baby. Seryosong nakinig naman si Jasper sa lahat ng sinabi ng doktor. Pagkatapos ng check up ay dumaan pa sila ng restaurant para kumain. Unang beses na kumain sila sa labas bilang mag-asawa. Sobrang saya ni Tamara. Sobrang pasasalamat nya ng araw na ito dahil mas caring at mabait na Jasper ang kasama nya. Hinatid din sya nito pauwi saka dumiretso ng trabaho.

May business meeting si Jasper kasama sila Chris, Kenjie at Damon. Sa Empire ang meeting kaya dumiretso na sya doon. Masasabi nyang civil lang si Damon sa kanya simula nung dumating sya ng Pinas at simula ng agawin nito si Tamara sa kanya. Pagkarating nya ng Empire ay nakasabay nya si Chris at Kenjie sa lobby kaya sabay sabay na silang umakyat at sumakay ng elevator.

"Kumusta pare? kelan manganganak si misis?" tanong ni Chris.

"The doctor said that she'll give birth anytime soon."

"Wow. Congrats sa iyo 'pre." sabi ni Kenjie.

"Excited ka na?"

"Syempre naman, anak ko yun Chris."

"Sabi ko nga."

"We should hurry up, baka ma-late tayo mag-beast mode na naman ang mahal na hari." sabi ni Kenjie. Pero limang minuto bago ang meeting ay wala pa si Damon sa loob ng conference room kaya naisip nila Kenjie na puntahan si Damon sa opisina nito. Luckily his secretary was not around and the door is open so they freely enter the room.

Nagulat naman sila ng makita nila si Damon at Tamara na masaya at abalang nakatutok lang sa Ipad na hawak ng dalaga. Napalingon agad ang dalawa. Tumayo agad si Damon at tinignan ng masama ang tatlo.

"Don't you guys know how to knock? Should I send you back to your GMRC subject?" masungit na sabi ni Damon.

"Woah! chill dude! We're sorry. Hindi ka kasi namin nakita agad sa meeting room to think na hindi ka na-le-late." sabi ni Kenjie.

"And don't worry pare wala naman kameng nakita." biro ni Chris. Tahimik lang si Jasper.

"Go back to the conference room now, I'll follow in a minute." he said and the three went out of the office. Lumapit ulit ito kay Tamara at pinulupot ang braso sa bewang dalaga.

"I'll just attend our meeting. Behave okay?" tumango naman ito saka siniil ng malalim na halik si Tamara bago pumunta ng conference room.

Jasper's POV

Our meeting just finished. I can't focus on our meeting a while ago because I was so pre-occupied by what I saw in Damon's office. She was so happy. She let him in in her life. She let him to be near her. She let him make her smile. I was so f—king jealous. I should be in his position! Ako dapat yun! Ako dapat yung nagpapasaya sa kanya. Ako dapat yung nasa tabi nya. Ako dapat yung nakakakita ng mga pagngiti nya. Ako dapat yung kasama nya sa buong oras. Ako dapat yun.. Ako dapat.. pero ang g*go ko kasi. Nagawa kong magtaksil sa kanya. Nagawa kong ipagpalit ang pagmahahal nya sa panandalian init lamang. Dapat hindi ko sya sinakta di sana ay ako pa rin ang kasama nya. Ako pa rin sana ang mahal nya.
Ako pa rin sana ang nagmamay ari sa kanya.

It's so f—king unfair. If she just let me talk to her. If she just let me explain everything. If she just allow me to fix everything. If she just believed in me. If she just hold on to our love. If she just not allow him to be with her. But I won't let things to be in that way. I won't just sit here and let Damon ruin everything. I have to make her come back to me. Why? Because we're the one meant to be.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon