Chapter 55

64.3K 926 43
                                    


Chapter 55

Simula ng mamatay si Jasper ay naging doble ang concern ni Tamara sa kapatid. Hindi nya ito pinababayaan. Lagi nya itong tinatawagan at tinitext sa kalagayan nito kahit alam nyang inaalagan din si Cassandra ng mommy ni Jasper. Tuwing weekend ay laging nasa bahay ni Cassandra si Tamara at ng manganak ito at kasama rin itong nagbantay kay Cassandra. Bahagyang napawi ang lungkot ni Cassandra ng pinanganak nya si baby JC. Kamukhang kamukha ito ni Jasper at nagkaroon ng panibagong pagasa at sigla ang lahat sa paglabas nito. Magkatuwang silang lahat sa pagaalaga kay baby JC.

"Ate, nandito na si Damon." sabi ni Cassandra kay Tamara na karga si baby JC. Nasa loob sila ng kwarto ni Cassandra. Hinalikan nya muna ang baby na mahimbing ang tulog bago ibigay kay Cassandra.

"See you tomorrow baby JC." paalam ni Tamara.

"Sige Ate bukas ulit. Ingat kayo pag-uwi, buti na lang at sinusundo ka ni Damon kasi lagi ka na lang gabing-gabi umuwi Ate."

"Kung pwede nga lang na dito na rin ako tumira para maalagaan ko kayong dalawa."

"Si Ate talaga, kayang kaya namin ito baby. Huwag kang mag-alala masyado. Sige na umuwi na kayo, mukhang pagod na galing sa trabaho si Damon." ngumiti lang si Tamara at lumabas na ng kwarto. Pagkababa ni Tamara ay sinalubong agad sya ni Damon at hinalikan sa noo. Tahimik lang sila buong byahe at kung tatanungin man sya ni Damon ay matipid lang ang pagsagot nya. Wala ng masyadong sasakyan paguwi nila kaya nakarating agad sila sa bahay ni Tamara.

"Good night." sabi ni Damon pero hindi sumagot si Tamara at tinanggal lang ang seatbelt at hinarap sya.

"Pwede bang pakitigil na yung paghatid at pagsundo sa akin ni Mang Dino?"

"Why?" takang tanong ni Damon.

"Basta. Ayaw ko lang na hinahatid at sinusundo pa ako, kahit ikaw kung pwede sana huwag mo na lang muna ako sunduin o ihatid." seryosong sabi ni Tamara. Nagtataka naman si Damon sa inaasal ng dalaga.

"Hindi ko maintindihan kung bakit mo ito sinasabi, may problema ba? May hindi ba magandang nagawa si Dino? I can fire and replace him." mataman sya nitong tinignan.

"Hindi, walang ginawa si Mang Dino. Basta ayaw ko lang. Ayoko na. Ayoko na Damon." pagod na sabi nito.

"What do you mean? Anong ayaw mo na?"

"Ito! Ayaw ko na nito! Ayaw ko sa relasyon na 'to! Ayaw ko na Damon. Tapusin na natin 'to." nahihirapan na sabi ni Tamara.

"You're breaking up on me?!" kunot noo at hindi makapaniwalang sabi ni Damon.

"Yes! I don't wanna be in this relationship anymore."

"No. Give me a f-cking valid reason why you want out of this relastionship. I don't get you. You can't just ditch me like this Tamara." inis na sabi ni Damon.

"I don't care. I'm done with this." saka ito bumaba ng kotse pero hinabol sya ni Damon at pinigilan ito sa braso bago makapasok sa loob ng gate.

"We're not done yet with this conversation. I'll let you rest for now but we'll talk this out tomorrow. We are both tired." pero hindi sya sinagot ni Tamara at tinanggal ang pagkakahawak sa braso nya saka pumasok sa loob ng bahay.

Kinabukasan ay sobrang aga ni Tamara umalis ng bahay para maiwasan si Damon. Pero pagkatapos ng lunch break ay pinatawag si Tamara sa CEO office at alam na nyang si Damon ang nagpapatawag sa kanya. She realized that she really can't avoid him especially that she's working for his school. Pagkapasok sa opisina ay nakita nya ang lalake na seryosong nakaupo at naghihintay sa kanya.

"Sit down." at pinaupo sya nito sa katapat na silya.

"Bakit nyo po ako pinatawag sir?"

"Stop that Tamara. I know that you know that real reason why you are here in my office." seryosong sabi ni Damon.

"Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko kagabi sir?"

"Don't fvcking test my patience Tamara." Seryosong sabi ni Damon.

"O sige, uulitin ko ulit. I'm breaking up with you Damon. Ayoko na. Sa totoo nga lang dapat tapos na 'to eh, wala naman talaga tayong totoong relasyon. Hindi ba deal lang ang lahat? We just made a deal because of Jasper and Jasper's gone now. So, automatically wala na rin tayong deal kasi wala ka ng dapat pang paghigantihan. Wala na si Jasper. Nawala sya dahil sa akin." malamig na sabi ni Tamara.

"What hell are you talking about? Is this still about Jasper? I've told you months ago that I didn't take revenge on him. I though we're already clear about that? And don't fu-king give me that deal sh-t because we both know that this is more than that. You are my girlfriend that makes you having a relationship with me. And f-ck how many times do I have to tell you that it was not your fault why Jasper's gone now. For christsake! Huwag mong pahirapan ang sarili mo at sisihin ang sarili mo dahil sa nangyari na wala naman ang may gusto." mariin na sabi ni Damon.

"Kahit ilang ulit mo sabihin hindi mo pa rin maiaalis sa isip ko na ako ang may kasalanan kung bakit wala na sya ngayon kasi hindi ikaw yung nasa sitwasyon ko. Hindi ikaw yung nakokonsensya sa tuwing maiisip at makikita mo ang kapatid mo na mag-isang inaalagaan at pinapalaki ang anak nya. Yung makita mo ang baby na wala na syang kalalakihan ama kasi namatay dahil sa pagligtas sa akin. Kung hindi dahil sa akin may tatay pa sana sya ngayon. Nakita pa sana ni Jasper ang anak nya, nagkaroon pa sana sya ng pagkakataon na maging ama sa anak nya at makabawi kay Cassandra. Ako Damon, ako ang may kasalanan ng lahat.." umiiyak na sabi ni Tamara.

"Damn!" akmang yayakapin sya ni Damon pero umiwas ito.

"Please Damon, maghiwalay na tayo. Hayaan mo na ako. Marami pa naman iba dyan na pwede mong gawin girlfriend, yung totoong girlfriend.. hindi yung katulad ko. Kung tutuusin matagal na itong tapos kasi deal lang naman ito eh. Wala itong involve na emosyon. Dahil lang naman kay Jasper kaya tayo nagkaroon ng ganito."

"Don't ever say that it doesn't involve any emotion or feelings because you know it's not. I know you felt it too. And I don't fvcking care with the deal anymore! I don't fvcking care about other girls... because I want you! I want only you! Only you Tamara." he holds her hand. "Don't break up with me please. I need you baby." pagmamakaawa ni Damon. Naiyak lalo si Tamara pero umiling ito tanda ng pagmamatigas sa paghihiwalay nila.

"What should I do to make you stay? Tell me baby please. I will do everything.. just stay with me." he cupped her face and looked at her intently.

"Tell me and I will do it just don't break up with me." pagmamakaawa nito.

"I-I'm sorry Damon... pero ayoko na talaga. Tapusin na natin ito." umiiyak pa rin sabi nito.

"Will it make you stay if I tell you my true feelings for you? Damnit! I'm not really good with this baby." nagulat naman ang dalaga sa narinig.

"Baby, I love you. I don't know  when and how.. but I love you. I really do. So, please don't do this to me. Don't break up with me please..." namumula na ang mga mata ni Damon. Mas lalo naman lumakas ang daloy ng luha ni Tamara sa narinig nya mula kay Damon. She didn't expect him to say that. She's happy to know his feelings but it hurts too.

"I'm really sorry but I don't love you...." she said and walk out of the office.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon