Special Chapter**

78K 1K 29
                                    

Special chapter **


Espesyal ang araw na ito at sobrang excited na ako para sa surpresa na inihanda ko para kila Mama at Cassey syempre tinulungan ako ng napakagwapo kong asawa. Kahit lagi ko pinapasakit ang ulo nya dahil hindi ko sya sinusunod madalas ay lagi pa rin syang nandyan para tulungan ako. Ayaw nya na dapat ako pakilusin ng pakilusin dahil kabuwanan ko na pero hindi ko matiis na hindi gumalaw at makipag-participate sa paghahanda ng surprise ko para kila Mama at Cassey. Araw kasi ng mga nanay ngayon at gusto ko gawin na mas espesyal ang araw na ito para sa kanilang dalawa. Syempre excited na rin ako maging nanay at makita ang prinsesa namin ni Damon. Mas doble yung saya ko ng makita ko yung reaksyon ni Damon nung unang beses na marinig nya ang heart beat ni baby at nung malaman nya ang gender ng baby namin. Walang katumbas na saya.

"Baby, sabi ko sa'yo umupo ka na lang at magpahinga eh." sabi ni Damon at pinigilan syang mag-ayos ng mga baso at plato sa dining table. Nag-pout naman sya.

"Pero gusto ko tumulong, mag-participate sa surprise natin kila Mama at Cassey." masuyo naman hinawakan ni Damon ang magkabilang pisngi ng asawa.

"I know, pero baby nag-aalala lang naman ako sa inyo ni princess. Ayaw kong mapagod kayo." saka hinalikan nito sa noo ang asawa.

"You've done your part baby, hayaan mo na kame ang magtapos nito, please?" malambing na sabi nito sa asawa. Wala naman na nagawa si Tamara sa hiling ng asawa kaya pumayag na rin sya.

"Thank you baby. I love you." at binigyan sya ng mabilis na halik sa labi.

"I love you too. Let's eat ice cream later?" pagaaya ni Tamara. Sumeryoso naman agad ang mukha ni Damon.

"No. Paglabas na lang ni princess ka kumain ng ice cream." sumimangot naman si Tamara. He immediately hugs his wife.

"Baby, we need to control the food that you eat at sabi ni doktora bawal sa'yo ang ice cream. Huwag matigas ang ulo."

"Pero gusto ni princess ng ice cream. Please Daddy Damon?" pangungulit ni Tamara. Napabuntong hininga na lang si Damon.

"Fine." pagsuko nito. "But just 1 scoop."

"2?"

"Don't push it, Mrs. Saldivar." napangiti naman si Tamara sa pagseseryoso ni Damon. "I love you! I love you! I love you!" at pinaliguan ng maliliit na halik si Damon sa mukha.

"I love you more and our princess." sinserong sabi ni Damon sa asawa nya habang nakatingin dito.

"Dun na tayo sa garden para makapag pahinga ka." at pumunta na sila sa garden.

Pagkaraan ng isang oras ay natapos na rin ang pagaayos nila ng surprise para sa Mama ni Tamara at kay Cassey. Pagkaraan naman ng tatlompung minuto ay dumating na ang mga ito at hindi nila inaasahan ang ginawang surprise lunch party ni Tamara at Damon.

"Mama, Happy Mother's day! Sana nagustuhan mo itong simpleng surprise ko sa inyo ni Cassandra. I just want you to know that I love you so much Ma, thank you for everything that you've done for me and I'm always thankful sa inyo ni Papa lalo na sa pagtataguyod sa amin magkapatid. Thank you so much Mama and I'm sorry kung minsan pinasasakit naming ang ulo mo kayo ni Papa. Sorry kung minsan na-di-disappoint kita at nakakagawa ako ng mali pero sobrang thank you kasi kahit na ganun hindi nyo kame pinababayaan ni Cassandra. Lagi kayong nandyan ni Papa for us. Thank so much Mama. I know kulang pa yung salitang thank you to express my feelings and how I'm blessed.. how I and Cassandra are blessed to have you as our mom, to have you as our parents. Thank you so much. I love you Mama and Papa." Lumuluhang sabi ni Tamara sa kanyang ina at niyakap ito.

"Salamat anak sa surprise mo na ito. I love you rin kayo ni Cassandra at ng mga apo ko." Pati si Cassandra ay umiiyak na rin habang karga si baby JC.

"I love you Mama. I'm really sorry kung naging pasaway at sakit sa ulo akong anak. I promise na gagawin ko ang lahat para maging isang mabuting magulang kay baby JC at sobrang salamat po sa pagmamahal at pangunawa nyo ni Papa sa akin. I love you Mama, thank you so much po." Umiiyak na sabi ni Cassandra.

"I love you din anak."

"And to you bunso, Happy Mother's day din! Marami ka ng pinagdaanan at alam ko na mas naging matatag ka pa dahil dun. Lagi mo lang tatandaan na nandito kame para sa'yo. We love you bunso, kayo ni baby JC." Sabi ni Tamara kay Cassandra.

"Ate, thank you. I love you too! Pinaiiyak mo talaga ako." Natatawang reklamo ni Cassandra habang umiiyak. Nagkatawanan ang lahat.

"Happy Mother's day po Mama. Happy Mother's day Cassey." Bati ni Damon sa dalawa.

"Tama na yang iyakan. Kumain na tayo." Sabi naman ng Papa ni Tamara at natawa ulit sila saka pumunta ng dining area at kumain ng tanghalian. Pagkatapos kumain ay nag-bonding sila sa sala at sama-sama na nanuod ng movie pero habang nanunuod ay sumakit bigla ang tyan ni Tamara at dumaloy na lang ang tubig sa kanyang binti. Mabilis na dinala ni Damon si Tamara sa ospital at pagkaraan ng ilang oras ay nagsilang na si Tamara ng isang napaka ganda at malusog na baby girl.

"I love you baby. Thank you for bringing our princess to our life. Happy Mother's day baby." Masuyong sabi ni Damon sa asawa habang lumuluha. Nasa loob sila ng delivery room at karga ni Damon ang baby nila at inilapit kay Tamara.

"I love you too Damon, I love you princess. Sobrang saya ko Damon, kumpleto na ang family natin." Umiiyak rin na sabi Tamara.

"Yes baby. You completed our family. You made my dream come true. Thank you so much baby." At marahan hinalikan sa noo ang asawa.

Another End. Lols.

A/N: Happy Mother's day to your mom! =) Don't forget to tell your parents how much you love them. =)


Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon