Chapter 9

76.6K 827 17
                                        

Chapter 9

Katatapos lang ni Tamara mag-lunch at may natitira pa syang thirty minutes bago matapos ang lunch break nya. Sabay sila ng kaibigan at co-teacher nyang si Yelena na kumain sa cafeteria at nagpapasama ito sa weekend sa Makati para tignan ang lugar kung saan gaganapin ang silver wedding anniversary ng parents nya, wala kasi itong makakasama dahil ang boyfriend nito ay nasa Bacolod ngayon naka-destino kaya pumayag na rin sya dahil wala naman silang pupuntahan din ni Jasper sa weekend dahil busy ito sa kabi-kabilang meeting. Naawa rin naman sya sa kaibigan dahil wala itong kasama at nakakatulong sa pag-organize ng party para sa parents nya, solong anak kasi ito. Ng matapos silang kumain ay pinauna na nya ito sa faculty dahil mag-wi-withdraw pa sya sa labas ng school, sweldo nila kahapon at ngayon lang nya i-wi-withdraw ang sweldo nya dahil naubusan na rin sya ng allowance. Takot din kasi syang mag-withdraw sa araw mismo ng sweldo dahil pakiramdam nya mas delikado iyon. Pag punta nya sa ATM sa labas ng school ay marami ang nakapila kaya naisip nya ang ATM sa may parking area malapit at pagpunta nya doon wala naman nakapila kaya natuwa sya dahil makakabalik agad sya sa school. Pagka withdraw nya ay naglakad na ulit sya pabalik sa eskwelahan pero di pa man din sya nakakalayo sa ATM ay may tumabi na agad sa kanyang lalake na may balbas at tinutukan sya sa tagiliran ng balisong.

"Ibigay mo sa akin ang pera mo." Matigas na sabi ng lalake at huminto sila sa paglalakad. Natakot si Tamara pero mahalaga rin ang pera nyang hawak dahil pinaghirapan nya iyon.

"Maawa na po kayo manong, kailangan ko po kasi itong pera." Pagmamakaawa ni Tamara.

"Huwag ng marami pang satsat, ibigay mo na lang ang pera mo kung ayaw mong itusok ko itong balisong sa tagiliran mo!." Galit na sabi ng lalake at tinutok pa lalo ang patalim sa kanya. Kahit natatakot ay nagawa ni Tamara na manlaban sa lalake at makatakbo pero naabutan sya nito at nahila ang kanyang buhok pero kasabay din nito ang bigla nalang pag talsik ng lalake sa sahig at tumalsik ang hawak nitong balisong. Nagulat si Tamara lalo na ng makita nya ulit ang lalake na tumulong sa kanya nung nakaraan. Nakatayo ulit ang holdaper at nasuntok sa mukha ang lalakeng nagligtas sa kanya pero hindi ito nagpatalo at binugbog nito ang holdaper hanggang sa dumating na ang mga guard ng parking. Nakita nya ang dugo sa gilid ng labi ng lalake, nilapitan nya ito.

"Mister." Tawag ni Tamara sa lalakeng nagligtas ulit sa kanya sa pangawalang beses, tumingin naman sa kanya ang lalake pero bakas sa mukha nito ang inis at saka pinunas ang dugo sa gilid ng labi.

"Damn!" bulong ng lalake na halatang lalo nainis dahil sa dugo nya sa labi.

"M-mister, Thank you ulit sa pagtulong sa akin." Malumanay na sabi ni Tamara.

"Tsk! You know what?! You're always in danger, you should try to be vigilant and careful next time or better yet ask someone to always look after you because you seem to be always in trouble." Masungit na sabi ng lalake. Hindi naman nakaimik si Tamara dahil dalawang beses na sya iniligtas nito.

"Ang pera napapalitan pero ang buhay hindi." Sabi pa ng lalake saka naglakad palayo sa kanya.

"Wait! Mister." Tawag ni Tamara at hinabol ang lalake, huminto naman ito sa paglalakad at hinarap sya.

"What?!" inis pa rin sabi ng lalake.

"May sugat ka kasi sa labi, baka gusto mong gamutin muna natin sa clinic?" alok ni Tamara pero tinanggihan sya ng lalake.

"I can take care of myself Miss Always In Trouble, saka gasgas lang ito mas may importante pa akong dapat asikasuhin kesa dito." Saka ito naglakad ulit at sumakay ng kotse. Sumunod naman si Tamara sa mga guard para magbigay ng statement sa nangyari. Late sya trenta minuto sa klase dahil sa nangyari pero nakapagpaalam naman sya sa principal. Nakulong na yung lalakeng nang-holdap sa kanya at sabay na sila ni Yelena sa paguwi, hinihintay na lang nya ito matapos magligpit ng mga gamit.

"Kung hindi lang talaga dalawang beses nya akong tinulungan nasagot ko na yung lalake na yun sa mga masasakit na salita nyang sinabi sa akin. Tinawag ba naman akong Miss always in trouble, nakakainis talaga." Sumbong ni Tamara kay Yelena.

"Eh kasi naman girl may point naman yung tawag nya sa'yo, ikaw na nga ang may sabi dalawang beses ka nya tinulungan." Sabi ni Yelena na natatawa sa kwento ni Tamara.

"Urgh! Pero kahit na no, hindi pa rin tama na tawagin nya ako ng ganun."

"Hayaan mo na, lagi ka naman nya nililigtas." At natapos na si Yelena sa pagaayos ng gamit.

"At sa dalawang beses na yun hindi mo pa rin nalaman ang pangalan man lang ng nagligtas sa'yo." Dagdag pa ng kaibigan.

"Eh kasi lagi nya ako wi-no-walk out-an agad, parang galit pa sa pagtulong nya sa akin." Sagot ni Tamara at tumawa ulit ang kaibigan.

"Tara na nga umuwi na tayo, panigurado papalagyan ka na ng body guard ng boyfriend mong mayaman dahil lagi ka nalang napapahamak." Biro ni Yelena.

"Grabe sya oh! Hindi ko naman kailangan ng body guard nagkataon lang siguro yun, magiingat na lang ako ng doble sa sunod." At naglakad na sila palabas ng school. Iniisip tuloy ni Tamara kung sasabihin nya pa kay Jasper ang nangyari o hindi na dahil panigurado na pagagalitan nga sya nun pero ayaw naman nya dumagdag sa mga iniisip pa nito dahil malaki ang responsibilidad nya sa kumpanyang hawak nito.


To be continue...

Vote and comment please. Thank you.



A/N:

Ang corny ng story ko but I'll still write it anyway. Lols.

Passionate DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon