Kabanata 2

165K 4.6K 568
                                    

Kabanata 2

Matapos ng heart to heart talk namin ni Lessy ay nagpaalam na siya dahil may lakad pa siya, isa siyang commercial model at may photoshoot siya, ako naman ay agad na naligo at nagbihis, hindi maikakaila na medyo masakit ang sensitibong parte ng katawan ko at parang mas gugustuhin ko pang humiga na lang ngunit kailangan kong pumunta sa coffee shop para magtrabaho.

Noong nakalabas ako sa apartment ay agad ko itong ni-lock, nang nasa pasilyo na ako mula sa ikatlong palapag ay dumiretso ako sa harap ng elevator, nasa isang sosyalin kasi akong apartment at nagkataong sa kamag-anak ni Lessy ang may ari kaya naman libre ang renta namin, gusto ko sanang magbayad at hindi maging freeloader pero in-insist ni Lessy na tulong na niya ito sa akin.

Sa kabilang kanto lang naman ang coffee shop kung saan ako nagtatrabaho kaya naglakad na lang ako para mas makatipid pa ako sa pamasahe, hindi ko na lang inintindi ang mahapding sensasyon sa gitna ng hita ko, it's no use regretting what had happened already because it won't change anything. Ang mas mabuti pa ay ang kasalukuyan ang pansinin ko at tanggapin na lang lahat na hindi na ako birhen.

Nakarating ako sa coffee shop matapos ang halos sampung minutong paglalakad, mabuti na lang at saktong shift ko nang makaabot ako kaya hindi ako na-late, "oh, Yomi! Good morning!" Bungad sa akin ni Manager Wine, kasama niya ang isang babaeng papalitan ko sa shift at mukhang kakatapos lang magbilin, ang ibang waitress naman ay abala sa pag-serve sa mga kostumer ng shop.

"Good morning din, Manager."

"Mukhang muntik ka nang na-late, ah." Ngumiti siya sa akin.

"Oo nga Manager." Sa totoo lang ay gwapo si Manager Wine at hindi halata na nasa late 20s na siya, isa siyang halimbawa ng matipunong lalake, siguro kaya mas lalong dumami ang kostumer dahil sa charms niya, simula kasi nang palitan ni Manager Wine ang dati ay mas lalong naging sikat ang shop.

"Pumunta ka na sa loob at magpalit, Yomi." Utos niya sabay turo sa changing room naming mga employees.

"Sige po, Manager." Ngumiti ako ng bahagya saka mabilis na pumasok sa changing room, pumunta ako sa harapan ng locker ko't binuksan ito saka nilabas ang isang maid outfit, mabilis akong nagpalit at saka nag-ayos ng sarili, matapos iyon ay lumabas na ako at nagtungo sa loob ng counter para gumanap bilang barista. Mabuti na lang at hindi na ako nahihilo dahil sa hangover.

"Oy, bakit ganyan ka maglakad?" Usisa ni Marian mula sa labas ng counter, isa siyang waitress ng coffee shop na madaldal, ngumiti lang ako at umiwas ng tingin.

"Masakit lang ang paa ko." Ngumiti ako ng pilit, ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko nang sinuri niya ako, nagkibit balikat na lang siya.

Binigay na ni Marian sa akin ang listahan ng mga orders at agad naman akong nagsimula sa pagtimpla sa mga orders, matapos iyon ay nilagay ko na ang mga coffee at milktea sa isang tray na agad namang kinuha ni Marian upang ibigay sa mga nag-order.

Lumipas ang tatlong oras at nakaramdam ako ng pagod sa walang tigil na pag-mix, mabuti at wala na akong natanggap pang kailangang timplahin dahil wala nang bagong kostumer siguro dahil sa pahapon na kaya naman tumulong na lang ako sa paglilinis sa mga lamesa bilang pampatay oras dahil mamaya pa ang pagtatapos ng shift ko.

"Oy Yomi, kami na ang bahalang maglinis, ano ka ba." Suway ni Marian sa akin. "Masakit ang mga paa mo, hindi ba?"

"Ayos lang ako," sagot ko naman sabay punas sa lamesa, "saka wala pa namang order."

"Yomi," nagulat ako nang tawagin ako ni Manager Wine, sinenyasan niya akong lumapit kaya naman tumigil ako sa pagpunas saka siya hinarap. "Tapos na ang shift mo. Pwede ka nang magpahinga."

Tinignan ko ang relo ko at napagtantong tapos na nga ang shift ko, "sige po Manager," mabilis kong tinanggal ang nakakasakal na choker na may ornamental design at nakahinga ng maluwag, agad akong pumasok sa changing room at nagpalit.

Nagpaalam na ako kina Marian at Manager at lumabas na sa coffee shop, saktong iyon ay tumunog ang cellphone ko, "hello?" Pagsagot ko sa tawag habang naglalakad.

"Yomi, anak?"

"Ma?" Ngumiti ako nang marinig ang boses niya, "kumusta na po kayo?"

"Anak, kailangan namin ng pera. Magpadala ka naman kahit limang libo lang, pambili ko ng gamot." Agad na napawi ang ngiti ko sa labi dahil sa sinambit niya, "anak?"

"A-Ah, eh Ma, pasensya na. Hindi pa ako nakasahod e. Sina Kuya kasi pinaghatian ang pera na para sana sa gamot mo. Limang libo na lang ang hawak ko, pang allowance ko na iyon." Nagbuntong hininga ako.

"Anak naman, kahit dalawang libo na lang ang ipadala mo, sige na?"

"Opo, 'nay."

"Sige, sige, salamat anak. Bye!"

Nang matapos ang tawag ay umupo ako sa pinakamalapit na bench sa tapat ng playground, pinagmasdan ko ang tahimik na palaruan, pinikit ko ang aking mga mata at muling naalala kagabi, umiling na lang ako ng marahas upang ibaling ang naglalaro sa isipan.

Makalipas ang ilang sandali ay tumayo na ako sapagkat may susunod pa akong part time job, hindi na ako maghahapunan dahil diretso ang schedule ko, ngayon, sa isa naman akong fast food chain pupunta bilang tagahugas.

Maglalakad na lang din ako kahit na halos dalawang kanto ang layo ng fast food chain, hindi na dapat basta bastang ginagastos ang pera ngayon.

***

Natapos na ang araw na pagod na pagod ako, agad akong umuwi at nadatnan ko si Lessy sa salas na nagi-scan sa mga litrato niya sa pictorial niya siguro kanina, "Mimi!"

Ngumiti ako, "ang aga mo ngayon ha."

"Late ka lang na dumating kasi, nag-extend ka na naman ba sa isang part-time job mo? Grabe, ilan ba ang part time jobs mo? Uhm... tatlo?"

"Lima." Pagtatama ko.

"Oh my gosh, lima!" Histerikal niya, "hindi ka ba nagsasawa? Lagi ka na lang napapagod, kasi pumayag ka nang maging sekretarya ni Kuya ngayong hindi pa siya nakakahanap ng replacement!"

"Not interested." Bagot na sagot ko.

"This is a full time job, Mimi! Hindi part time, it's full time! At ang sweldo mo will be more than ten times the cash you receive monthly with your part times."

"Sorry, Lessy. My decision is final."

"Ok, fine." She shrugged, "but tell me if you change your mind, masyadong stressful ang activities mo. Paano na lang kung buntis ka na talaga? You can't handle strain works. PS, kung mabuntis ka talaga, I want a baby girl."

***

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon