Kabanata 32

86.3K 2.7K 129
                                    

Kabanata 32

Nanlaki ang mga mata ko, tama ba ang nakikita ko?! Si Lessy?!

Ngumiti siya sa akin at kumaway, binaling niya ang tingin niya kay Guardian at saka lumapit sa kanya, "ano na ang gagawin mo sa lalaking ito, Kuya?"

Nagkibit-balikat si Liham, "he's no longer of any use to me, masyado nang sobra ang ginawa niya, he almost killed the entire mafia house, he needs to die."

Gusto kong tumutol, is it really necessary to kill Guardian? Oo, sobrang kinamuhian ko na siya pero sa tingin ko ay kahit na ganito ang ginawa niya ay karapatan pa rin niyang mabuhay.

"Hahaha, tignan mo Yomi, demonyo ang mapapangasawa mo. Walang kupas ang dila niya at sa harap mo pa mismo ako sinabing patayin." Guardian smirked.

"Bes, shut up." Inis na sabi ni Lessy kay Guardian at walang sabing nilagyan ng duct tape ang labi, "better!" She smiled and looked at me, "are you okay? Narinig ko ang nangyari sa inyo ni Kuya kahapon. Gosh! Paano na lang kung may masamang nangyari sa bata?"

"Nothing bad happened to our baby." Sagot ko, "ikaw? Paano ka biglang nandito Lessy?"

She rolled her eyes, "Lola Lullaby called me."

Tumango naman ako.

"Mabuti nga at pumunta agad ako rito, kung hindi, baka kung ano nang masamang nangyari sa inyo ni Kuya, as you can see, I am one of the best hacker. I hacked the bombs' main system and infiltrated the working system and replaced it with my own codes, it took me nine seconds to do that kaya naiinis ako! Normally, it only takes five seconds." Lumabi si Lessy.

"You know that Liham is a mafia boss?" Tanong ko sa kanya, Liham looked at me and Lessy but he did not talk, tumango siya kay Lessy, as if encouraging her to tell the truth.

"Yes, simula noong namatay si Papa at kapapanganak ko lang, siya ang pumalit bilang mafia boss, though Kuya was still too young to be the boss that's why our uncle took over the business for him until he was ready, pero sadly, he died and Kuya was forced to be the mafia boss at thirteen."

Napatingin ako kay Liham, "what do you mean forced?"

"Para masali sa mafia house o maging caporegime, you need to kill as a sign of loyalty and commit omertà, but in my case, it is different. Since I'm about to become the mafia boss, I need to prove myself worthy, and that is through a death match."

Lessy seems to read my puzzled face kaya nagsalita siya, "death match, iyong kill to win."

Nanlaki ang mata ko, "that means, sa murang edad, pumatay na si Liham?"

Yumuko siya, "yes, I had to kill. Hindi ko pwedeng takasan ang responsibilidad ko bilang anak ni Papa dahil kung ganoon ay ang mafia house niya mismo ang papatay sa akin. If I want to live, I need to kill."

Bigla kong naisip ang future ni Levi, is this what will happen to him or her? Will Levi be forced to kill too?

Umiling ako, hindi ko gusto na ganito ang maging kinabukasan ni Levi!

"Mimi, sana huwag magbago ang tingin mo kay Kuya." Lessy gave me a worried look. Napatingin ako kay Liham at nakita siyang naglakad pabalik sa mansion, ang mga tauhan naman niya ay pinusasan si Guardian at sinakay sa isang van.

Naiwan ako kasama si Lessy, tumingin ako sa kanya. "Parte ka rin ba ng mafia?"

She nodded. "Sorry for keeping secrets, Mimi. Hindi naman sa wala akong tiwala sa iyo, parte iyon sa patakaran ng mafia house."

Tumango ako, naiintindihan ko siya pero hindi ko maintindihan ang sarili ko, should I be mad or happy that she finally said it herself? Pakiramdam ko kasi ay nabuhay ako sa kasinungalingan dito.

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon