For the nth time, lalake ako. I don't understand why readers still call me "Ms. A", wtf. Ilang beses ko na bang sinabi na lalake ako? Quins ina.
Kabanata 43
Parang babaliktad ang tingin ko habang naglalakad, nang matanaw ko ang matayog na pader ng compound ni Liham ay tila nabuhayan ako ng pag-asa, ilang oras na akong naglalakad at ramdam ko ang tirik ng araw na mas lalong nagpapasakit sa ulo ko.
Paika-ika akong naglakad palapit sa malaking tarangkahan, alam kong may mga tauhan na nakabantay, nakita ako ng isa kaya mabilis niyang binuksan ang tarangkahan, lumabas siya, "si Young Lady!" Sigaw niya sa mga kasama niya.
Mabilis naman silang lumapit upang alalayan ako, pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan silang buhatin ako, my feet ache and it feels like my heart is being torn apart, "Liham..." Saktong iyon ay nawalan ako ng malay.
Nang minulat ko ang aking mata ay kumikirot ang ulo ko, nakita ko si Liham na may pag-aalala sa mukha, the thought that he is finally with me melted my heart, wala sa sariling lumabas ang mga luha ko, he wiped them away and kissed me on my forehead.
"I thought I'd lose you." He mumbled, halatang gumaling na siya mula sa pagkabugbog, o siguro ganoon na lang katagal na hindi kami nagkita.
"Liham, patay na si papa..." I cried, his muscles tensed at the thought of my father, another mafia boss, hinawakan ko ang kamay niya, "why didn't you tell me that my father is a mafia boss?"
"Because he is my enemy, what if you leave me for him?" Malamig ang boses na saad niya, pero ramdam ko pa rin ang takot na nakatago sa likod ng kanyang matigas na tinig.
Umiling ako, "my father is not your enemy, na-set up lang siya, we need to clear his name, Liham. He is dead, pinatay siya ng mga kapatid ko."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Kinagat ko ang babang labi ko at umayos ng upo, inalalayan naman ako ni Liham, "maraming nangyari sa akin nang nawalay ako sa iyo, Liham, so much revelations."
"Tell me." Umayos siya ng upo habang nakaharap sa akin.
"Lessy came to save me when I was almost married to Isigro, si Capo naman ay hinatid ako sa airport, telling me that your men are waiting for me, pero iba ang sumundo sa akin sa airport, mga tauhan ni papa."
He nodded and remained silent, waiting for my next words.
"I did not know first, though. Pero noong nakita ko si papa..."
Liham tensed.
"Liham, whatever you did to my father, I forgive you. I know you are just hurt, that is all." Pagpapagaan ko ng loob niya, "noong nakita ko si papa, we talked. Sinabi niya sa akin ang katotohanan, he is not really the one who payed the assassins to kill your father, wala siyang kinalaman."
"Then why is it that every clues and proofs point to him?"
I bit my lower lip, "that is because somebody changed the suspect, somebody good at hacking." Hindi ko maatim sa baga na sabihing si Lessy dahil una sa lahat ay imposible, pero bigla kong maiisip ang mga sinabi ni papa sa akin.
What if Lessy is being set up too the way he was?
"It was the work of Salazar mafia, so somebody who is working behind or controlling Salazar mafia messed up with the investigation, pero wala na ang Salazar mafia kaya mahirap tukuyin kung sino." Tugon ko.
I remember how Lessana easily killed the mafia, bigla akong kinilabutan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, wala na ang Salazar mafia, wala na ang susi para makonpirma kung sino ba talaga ang may pakana ng lahat, if I am the one behind this, for sure ayoko na may taong nakakaalam na ako ang may kagagawan ng lahat kaya papatayin ko lahat ng nakakaalam.
And Lessana killed the entire mafia house.
I gasped, what if it was Lessana after all?
Tumingin ako kay Liham, halatang nagtataka siya kung bakit ganito na lang ang naging reaksyon ko, umiling ako, hanggang sa walang pruweba ay ayokong paghinalaan si Lessy, she is my best friend, she took one bullet for me...
She almost sacrificed her life for my sake.
"Si Lessy, asan?"
"Nasa Algaya, hinahanap ang ibang Salazar mafia, I will tell her to spare one to interrogate." Saad ni Liham, halatang malalim din ang iniisip.
I heaved a sigh, "Liham, gusto kong malaman mo na naguguluhan na rin ako sa sarili ko. It feels like I do not really know myself at all, ni totoong pangalan ko kakaalam ko lang."
His gaze softened, he knew I was confused.
"My real name is Safira Yomiere Lamortel." Halos pabulong na saad ko, "Liham, my father was poisoned by my brothers, si Yazi ay pinatay niya si Miyo para wala siyang kaagaw sa pagiging mafia boss, at gusto niyang pakasalan ako ngayon para maging mafia boss talaga siya pero tinakas ako nina Tita Imelda at Cathy, they sacrificed their lives for me to escape, I don't want their deaths to be in vain."
I am really confused, hindi ko alam kung paano ikwento sa kanya nang sunod-sunod ang lahat ng pangyayari dahil mismong ako ay naguguluhan din, sino nga ba naman ang hindi maguguluhan?
Bigla kong naalala ang papel na ibinigay sa akin ni Tita Imelda, kinapa ko ang bulsa ko at nilabas ito. "Liham, this girl is the one holding my father's last will, she knows the answers to my questions."
Tinignan ni Liham ang papel at binasa, "Stella Quins." Kumunot ang noo niya.
"She's the manager of your company's Megazine Department." Pagpapaalala ko sa kanya. Recognition hit Liham on his eye, "kailangan natin siyang makausap, baka nasa panganib din ang buhay niya, we cannot risk this girl, she knows a lot of things neither you and I know, baka alam din niya kung sino ang may pakana ng kamatayan ng papa mo, then my father's name will be cleared, then he can really rest in peace."
"That is the problem." He sighed, "I fired her two weeks ago."
Napaawang na lang ang labi ko. "Why did you do that?!"
"Kasi mukhang naiinis ka sa kanya." He sighed.
"Liham!" Halos hindi na ako makahinga sa pagkagulat, "do you know where she lives?"
Umiling siya, "wait, let me call my secretary and ask him to search for her old files."
Tumango ako at pinanood si Liham, he opened his phone and begun calling Kukoy, sa ikatlong ring ay sumagot siya.
"Look for Stella Quins files, she used to work for me."
"Yes, sir." Sagot ni Kukoy mula sa kabilang linya, nagkaroon ng katahimikan, matapos ang ilang sandali ay nagkaroon ng ingay, "sir, nahanap ko na."
"Tagasaan siya?" Tanong ni Liham.
"Oy sir naman, may balak ka ba siyang puntahan? Naku, gagawa kayo ng milagro? Paano si Yomi?"
Kumunot ang noo ni Liham, "just tell me."
"Atat?" Tumawa si Kukoy, baliw talaga ang lalaking ito. "#63 Solid West Subdivision, La Mayor."
With that, Liham ended the call and looked at me, "you said her life may be in danger as we speak. So let us not waste time, pupuntahan ko si Stella at kukunin siya, then you two will talk here."
Umiling ako, "sasama ako."
"You need to rest, you have pushed your body too much, it is for your health and our baby."
"Liham, kailangan kong sumama, hindi sasama sa iyo si Stella, she needs to know me, the daughter of Lassandro Lamortel."
He sighed, "okay, let's go get her."
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.