Kabanata 8

143K 4.4K 495
                                    

Kabanata 8

"Sir, huwag ka nang mag-abala na ihatid ako. Kaya kong mag-commute." Nginitihan ko si Liham, tinignan niya ako. Halata ang pagtataka sa kanyang mukha.

It's been how many hours already since he asked me to live with him, syempre hindi ako sumagot, sa halip ay umupo na lang ako sa aking pwesto.

"Sir?" Tinaasan niya ako ng kilay, "you called me Sir?"

"At least hindi Mr. Silician." Sagot ko.

He smiled, "just tell me if you want me to kiss you again. I'm more than willing."

Sinimangutan ko siya, "ang taas ng self-confidence mo, Sir."

"One more Sir and I'm going to kiss you."

Tumawa ako ng marahan, "importante sa isang trabaho na alamin ang posisyon, isa akong sekretarya at ikaw ang boss ko, dapat lang na Sir ang itawag ko sa iyo."

"I'm not just your boss, I'm also the father of our child."

Parang may kung anong lumipad sa tyan ko, lumunok ako habang ang pintig ng puso ko ay bumibilis, hindi ko alam kung bakit...

Pero biglang umiba ang ihip ng hangin nang binitawan niya ang mga katagang iyon, our child. He said it himself, I am carrying our child and somehow, a part of me is happy... and a part of me wants me to stop this happiness.

Alam ko naman na ganito ang trato niya sa akin dahil nagdadalang tao ako, nothing more, nothing less. Ako lang naman ang babaeng kinama niya't binuntis, that's it.

Hindi naman ako tanga, sino nga bang boss na ganito ang pakikitungo sa sekretarya? Iyong matamis na pakikitungo na nakakatunaw ng puso.

Or maybe I'm just paranoid and maybe it's just me. Tinignan ko lang si Liham, nilagay niya sa folder ang huling papeles at saka siya nag-stretching, he massaged his own shoulder and then sighed, "finally, tapos na."

Tinignan ko ang orasan, it's already 6PM. Pagabi na.

"Ihahatid na kita, don't say no, para ito sa ikabubuti ng baby natin. Ayoko na mag-commute ka, baka may mangyari pa sa iyo na hindi maganda. Just to make sure."

Dismayado akong tumango. Ayan kasi Yomi, hindi siya mabait sa iyo dahil sa iyo, mabait siya sa iyo dahil may bumubuong buhay sa loob mo, huwag ka agad mag-assume na kaya siya ganito sa iyo dahil gusto ka niya.

Malayong mangyari iyon, malabo. Sa bunganga na niya mismo nanggaling kaya huwag ka nang umasa.

Wait, what? Bakit naman ako aasa?!

Para akong baliw na kinakausap ang sarili sa isipan, I just sighed. Biglang hinawakan ni Liham ang kamay ko kaya bumalik ako sa huwisyo, his hand was warm and it felt like home...

Kinagat ko ang babang labi ko at nagpakaladkad, "I'm holding your hand just to make sure you won't run away or do something stupid."

"Hindi ako tatakbo, it's not good for our baby, hindi ba't iyon ang iniisip mo?"

"Who said it's for our baby only? Para rin ito sa iyo. Ayoko na may masamang mangyari sa inyong dalawa."

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon