Kabanata 40

77.9K 2.1K 268
                                    

Kabanata 40

Magsasalita pa sana ako ngunit may kumatok sa pinto dahilan upang hindi matuloy ang nais kong sabihin.

"Papa, totoo bang nandito na si Yomi?" Mula sa kabilang pinto ay narinig ko ang tinig ni Kuya Miyo.

Nagkatinginan kami ni papa, tumikhim siya. "Oo."

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sina Kuya Yazi at Miyo, si Castro naman ay halata ang pag-alala sa mukha, yumuko siya nang makita niya si papa, umirap sa akin si Kuya Yazi, "walang hiya ka! Pinatay mo si Yohan!"

Akmang susugod si Kuya Yazi nang narinig namin ang pagkasa ng baril mula kay papa. "Baka nakakalimutan mo na hindi kita tunay na anak? Na si Yomi lang ang tunay kong anak."

I gasped, what the hell did I just hear? Taka akong tumingin kay papa, "ano ang ibig mong sabihin, pa?"

"Exactly as what it means," tumingin siya kina kuya. "You better watch yourselves, I am being considerate here since you two are my woman's sons but once you cross the line, I will not hesitate to kill you." Malamig ang boses ni papa at nakakapagtindig balahibo.

Umurong sina kuya ngunit nandoon pa rin ang bakas ng galit sa kanilang mukha, so this is how we unite, huh? So I guess mali ang tsismis na binalita ni Kukoy sa akin.

Nang wala na sina kuya at naiwan kaming dalawa lang ni papa sa kanyang kwarto ay tumikhim siya, tinago niya ang baril sa kanyang likod, "do you care to take me out?"

Tumango naman ako, gusto kong huminga ng sariwang hangin matapos kong malaman ang mga bagay na hindi kanais-nais, naglakad ako palapit kay papa at mas lalo kong nakita ang peklat sa mukha niya.

Hinawakan ko ang push handle ng wheelchair at dahan-dahang tinulak si papa palabas ng kwarto, tumingin siya kay Castro, "don't follow us, we want privacy."

Tumango si Castro at yumuko.

Tumungo kami sa elevator ng mansion, siguro gumawa sila ng elevator dahil lumpo si papa, nang nasa unang palapag kami ay tinulak ko na si papa palabas, tinuro ni papa ang landas na tatahakin namin hangga't sa nasa isang garden na kami.

Tumingin ako sa himpapawid, it was already night. Bigla akong tinablan ng gutom, hindi pa pala ako kumakain kaninang hapon pa.

"You know how much I missed you, right?" My papa's voice became soft and warm, itong-ito si papa noon. I closed my eyes, naramdaman kong nilagay ni papa ang kamay niya sa kamay kong nakahawak sa push handle.

"Akala ko wala ka na, pa..."

"I thought I would lose my only daughter as well." Saad niya, "you've been through so much. I know that. And I am sorry. But do not forget my princess, your father loves you so much and I regret every seconds of not being with you."

Ngumiti ako, this closure with papa is warming me inside, it feels like I am home again, but inside, there is this emptiness that only one person can ever fill, it is Liham.

Nanatili kaming tahimik ni papa ng ilang mga minuto, pinagmasdan lang namin ang mga puno, halaman, at bulaklak. "Let's go back inside and eat."

Finally! Tumango ako at pumasok na kami, I pushed papa's wheelchair towards the dining hall. Agad namang pumasok sa ilong ko ang amoy ng halo-halong mga potahe, mula sa dulo ng silya ay nakita ko sina kuya, matalim ang tingin ang binibigay nila sa akin.

"Before we eat, now that my biological daughter and adoptive sons are here, I have something to discuss. I want my bloodline to continue my mafia, so I will give it to my daughter and the man she will marry will change his surname for her."

Nagkatinginan sina kuya, "a girl will become a mafia boss? Don't make us laugh." Kuya Yazi glared at me.

"It is unfair." Pagsuway ni Kuya Miyo.

"What is unfair there? You two are not my sons, without Yomi, you two will never be here. Consider yourselves lucky."

"Pero kapatid namin siya, that makes you our father kahit na hindi ikaw ang tunay naming ama, aba, malay ba namin na hindi pala ikaw ang tunay naming ama? Kailangang pumili ka sa aming dalawa ni Yazi para maging mafia boss."

"I am not asking for your approval, boys. I am stating what must be done." Seryosong saad ni papa, tumingin siya sa akin. "Do you wanna become a mafia boss?"

Papa was asking me, ano ang sasabihin ko? Bigla kong naisip si Liham, he told me he must kill because it is his work, because he must. Can I do the same? Kapag maging mafia boss ba ako ay mapoprotektahan ko ang mga taong mahal ko?

"I will give you time to think, my princess." Papa smiled, "let's eat."

Saktong iyon ay nagkatinginan sina kuya at ngumisi, something feels wrong here. Nagsimulang kumuha ng mga potahe si papa, kumuha na rin ako, ngunit sina kuya ay hindi pa rin kumukuha ng pagkain kaya nagtaka na ako.

Sumubo na si papa ng pagkain, ngumisi si Kuya Miyo at doon lahat ng hinala ko ay nakonpirma, nanlaki ang mata ko, "pa! Iluwa mo ang pagkain! May lason!"

But it was already too late, papa started to choke with the food he ate, the dining hall was soundproof kaya hindi alam ng mga bantay sa labas ang nangyayari, bumilis ang tibok ng puso ko.

Biglang tumayo si Kuya Yazi at binuksan ang pinto, "my sister poisoned papa!" He cried for the entire house to hear.

Ano? Suminghap ako. My brothers are setting me up! Hindi totoo iyan! Ngumisi lang si Kuya Miyo sa akin, "we will lead this mafia house by hook or by crook, even if it means killing our non-biological father."

"Murderers!" Sigaw ko sa dalawang kapatid ko, "traydor!"

"What can I say? A dead man can't talk, isa pa, ikaw ang mapapangasawa ng kalaban ng mafia house na ito, that means you will be the primary suspect, nobody will believe you, dearest sister." Ngumisi si Kuya Miyo, no, he does not deserve to be called Kuya anymore, he is rotten to the core.

Humikbi lang ako at niyakap ko ang walang buhay na si papa, may mga tauhan na pumasok sa dining hall.

"Ano ang tinitingin-tingin niyo dyan? Take her! She killed our father! She killed our mafia boss!" Kuya Yazi cried.

"Hindi totoo iyan! Kayo ang pumatay kay papa!" I cried.

But nobody listened to me, nobody believed me. In their eyes, I am the fiancé of their enemy, im their eyes, I killed my own father.

So I cried, matalim kong tinignan sina kuya, "darating ang araw na gaganti ako sa inyo."

"See that? She is even threatening us! Get her!"

Nagsimula nang sumunod ang mga tauhan sa utos nina kuya, halatang nagpepeke sila ng pagdalamhati dahil wala na si papa, mahigpit nilang hinawakan ang braso ko at hinila ako, hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin, humikbi ako at tinawag ang pangalan ni Liham.

But no, this time, Liham is nowhere to be found and I was blamed with a sin I never did.

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon