Kabanata 7
Wala sa sariling dumapo ang palad ko sa pisngi ni Liham, biglang natanggal ang pagkapulupot ng kamay niya sa aking bewang, kinuha ko ang tsansa na ito upang tumayo na sa kabila ng pagkagulat. I don't know what I just did...
Tumingin sa akin si Liham, he looked shock and taken aback by what I did, nakita ko pa ang pag-alon ng adam's apple niya na tila pinipigilan ang sarili upang sigawan ako.
"That must be your pregnancy talking, I'll be considerate knowing you're getting emotional." Nagbuntong hininga siya at saka hinawakan ang kanyang pisngi, "still, it's... it's not a sight to watch a boss get slapped by his secretary, right?"
Lumunok lang ako bilang sagot, mukhang nakita naman niya ang kaba sa mukha ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.
"It's my first time to be slapped." He let his hand fall to his soft cheek, sobrang namumula ito dahil sa sampal ko, andoon pa ang bahid ng sampal sa kanyang pisngi, bigla kong naalala na varsity player pala ako ng volleyball noong high school ako.
"Kasi naman!" Kinagat ko ang babang labi ko.
Matapos ay ilang sandali ay humalakhak si Liham.
Why is he laughing?
Sa gitna ng pagtawa niya ay may kumatok sa pinto, umayos siya ng upo at saka tumikhim, "who's that?"
"Sir, may ibibigay lang ako na mga papeles." Seems like it is Stella.
"Come in."
Bumukas ang pinto at naglakad si Stella, she looks elegant and gorgeous, like her name... parang mas maganda pa nga siya sa akin e. No, scratch that, mas maganda siya sa akin.
Bigla tuloy akong nagselos, sana ganoon din katumbok 'yong dibdib ko...
Hindi naman sa wala akong dibdib, mas malaki lang kasi sa kanya tapos ang elegante pa niya maglakad! Kung lalake lang siguro ako ay nahulog na ako kay Stella.
Tumingin ako kay Liham, he looked at Stella like she's a stereotypical and average boring girl, sinimangutan ko siya. Hindi man lang ba siya nabibighani sa taglay na ganda ni Stella? Hindi siya marunong um-appreciate ng beauty!
Tumigil si Stella sa harap ng mesa ni Liham, hindi niya inalis ang kanyang tingin kay Liham, hmm, mukhang may gusto si Stella kay Liham? Para tuloy may kung anong kumurot sa dibdib ko na hindi ko matukoy.
Baka dala ito ng pagbubuntis?
"Sir, here..." Nilapag niya ang mga folders sa mesa, kinagat ni Stella ang baba ng kanyang labi nang tumingin si Liham sa kanya, "Sir, do you want coffee?"
"No, leave."
"Sir, how about juice?" Kumislap ang mata ni Stella.
"No, I said leave."
"Sir, water?"
Sinamaan ng tingin ni Liham si Stella, "hindi ka ba makaintindi? I. Said. Leave."
Lumunok si Stella at saka nagdalawang-isip, she sighed and then looked at me, ngumiti siya nang mapakla at saka naglakad na palabas ng opisina.
"Tsk."
Umirap ako kay Liham, "tsk? Maka-tsk ka ha?! Nahiya ako sa iyo. Hindi ka man lang nag-abalang magpasalamat kay Stella!"
"Why would I?"
"Kasi dinala niya ang papeles dito sa opisina mo!"
"It's her job, so why would I thank her? I'm paying her to do her job, why don't you just sit down and entertain yourself or why not do your job and help me here? Ihahatid na kita sa apartment niyo ni Lessana after I scan the files." He smiled, "oh, speaking of Lessana, alam na ba niya na nagdadalang tao ka?"
"Oo, pero hindi niya alam na ikaw ang ama."
"Okay, I'll tell her." He was about to grab his phone when I shouted.
"Huwag! Parang awa mo na, huwag!"
Tinaasan niya ako ng kilay, "why?"
"Baka masira ang friendship namin."
He chuckled, "my sister isn't like that, for sure matutuwa pa siya kapag malaman niya na ako ang ama."
"Paano mo nasabi?"
"You have no idea how many times Lessana talked about you while we were on the phone, lagi niyang sinasabi sa akin na gusto ka niya para sa akin." He smiled, "matutupad na rin ang kanyang pangarap."
"Hindi ako ganoon kadaling suyuin."
He smirked, "walang mahirap para sa akin."
Pagkatapos iyon ay nagsimula siyang bumukas ng folder at saka nagbasa ng papeles, "aalis na ako." Pagpapaalam ko.
"Aalis? You have your job here, you can't leave." Seryosong tugon niya.
"Just fire me then so I can go now..."
"Fired by your first day? You want that?" He smirked, "of course no, nobody would. So why don't you sit now?"
"Aalis na ako. Wala kang magagawa."
"No, come here and help me sort the files, ihahatid na kita mamaya para sabay na tayong magsabi sa kapatid ko." Suway niya sa akin, "saka baka mamaya bigla ka na namang mawala, mahirap na. Natuto na ako sa huli nating pagkita." Saad niya habang nakatingin pa rin sa mga papeles.
I sighed, "hawak mo na nga ako sa aking leeg e, una, alam mo na magkasama kami ni Lessy sa iisang apartment. Pangalawa, sekretarya mo ako dito. Pangatlo, nasabi ko na ba na sekretarya mo ako at wala akong magagawa kundi magtrabaho dito hangga't sisantehin mo ako?"
He chuckled, "hmm, hindi mo na kailangang magpakahirap sa trabaho, I'll only give you easy work so you won't stress yourself. Ako na ang bahalang gagastos sa lahat ng kailangan mo."
"Bakit? Dahil dinadalang tao ko ang magiging anak mo? Ano ito, bayad?" Sinamaan ko siya ng tingin, "hinding hindi ako tatanggap ng kung anong pera sa iyo dahil hindi ako ganoon kamura, I believe that money is something that you work hard for, na kailangang lahat ng bagay na nakukuha ko ay pinaghihirapan, hindi binibigay."
Hindi siya umimik.
"Siguro sa iyo madali lang gumastos ng pera, pero sa akin? Hindi. Hindi kasi mahirap lang ako, kaya alam ko ang halaga ng perang pinaghihirapan."
"If I can't give you money, then what can I give you? Look Yomi, I'm new with this things... I grew up thinking money can buy everything, and you can't change that because my world revolves around my treasures, my wealth... there's nothing I can give but money."
"Hindi ko kailangan ang pera mo." Mariin kong sagot, "hindi forever ang pera, sa isang iglap pwedeng mawala ang pera. But there are permanent things that are hard to remove, like... memories, moments, and... love."
He looked at me as if I'm an alien.
"I'm not asking you to love me or what, I'm not expecting anything of you at all. It's just that if you want me to marry you, you have to work hard for it, not give me money. I'm not that easy."
Bigla siyang tumayo at saka naglakad palapit sa akin, "then... then live with me."
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.