Kabanata 22
The days went by so fast, I busied myself exploring the big mansion of Liham, sa sobrang laki ng mansion at compound ay inabot ako ng tatlong araw para lang malibot nang buo. Bukod sa mansion, may maid's headquarters pa. Sosyal.
Dahil sawa na akong nakakulong dito sa mansion ay gusto kong lumabas naman, lagi na lang akong mag-isa, syempre si Liham ay kailangang pumunta sa kompanya dahil siya ang CEO. These past few days, it feels like Liham and I has a growing distance already...
Kapag nandito kasi siya sa mansion, matutulog agad siya. I get it. Pagod siya sa kanyang trabaho, pero paano naman ako? Right? Nagmumukha na akong tanga dito kasi mag-isa lang ako lagi dito sa mansion, kapag kinakausap ko naman ang mga kasambahay ay para silang mga takot sa ipis! Gosh!
I missed Lessy.
"Liham."
"Yes?" Tanong niya habang inaayos niya ang kanyang long sleeve.
"Gusto kong pumasyal."
"I won't let you do that." Sinamaan niya ako ng tingin, "next week na lang, sa day off ko."
"Next week? Gosh! Mamamatay na ako dito! Ayos lang na hindi ka sumama, palabasin mo lang ako dito sa mansion. It's suffocating here!"
Liham sighed, "no."
Sinamaan ko siya ng tingin, "bakit ba ayaw mong pinapalabas ako? Kahapon may vendor ng peanuts na dumaan sa harap ng mansion, lalabas sana ako para bumili pero binilinan mo raw ang gwardya na huwag akong hayaan na lumabas kaya hindi tuloy ako nakabili! Gosh!"
"Marami akong kaaway sa labas, you're not safe outside."
I rolled my eyes, "iyan naman kasi ang lagi mong sinasabi, sino naman ba ang mga kaaway mo, right? Saka kung marami kang kaaway, mabuti at hindi nadadamay si Lessy!"
"She is." He sighed, "ngunit may gwardya akong binilinan na nakabantay sa kanya lagi."
Bigla akong napaisip, wala namang nakabantay sa kanya noong magkasama kami?
As if reading my mind, he continued. "Ang katabing apartment ni Lessy, nandoon ang gwardyang binilinan ko na bantayan siya."
Tumango na lang ako, "edi bigyan mo rin ako ng gwardya para libre akong lumabas."
"It's not that easy, Yomi. Para kang si Lessana na mapilit."
"What can I say? We're sisters!"
Umubo si Liham, "you make us sound incest."
"Basta! Sa ayaw at sa gusto mo, lalabas ako ngayon! Mababaliw na ako dito sa loob ng bahay! Saka gusto kong tumingin ng mga gamit ni Hamilyo."
"Fine, fine, fine." He sighed. Tinignan niya ang kanyang orasan, "I don't have all the time to argue with you, bahala ka na. I'll tell one guard to be with you, huwag kang pasaway, be sure to be back before lunch, I'll know immediately if you aren't home before that time."
The sound of his approval gave me the satisfaction, ngunit na-bad trip ako dahil sa sinabi niyang wala siyang oras makipagsumbatan sa akin, it's not like we're arguing, right? Saka noon ang sweet niya sa akin, tapos ngayon ganito na siya? May mood swings ba siya?!
"Bahala ka rin sa buhay mo." Bulong ko habang pinagmamasdan siyang maglakad palabas ng kwarto, he'll probably be going to work again.
Ako naman ay agad na nagbihis, nang nakapag-ayos na ako ay lumabas na rin ako sa kwarto, tumumbad sa akin ang isang lalaki na nakaputing polo at slacks, "Ma'am." Tumango ito, nang makita ko ang lalagyan ng baril sa kanyang tagiliran ay alam ko nang siya ang bodyguard ko.
"Let's go." Saad ko sa kanya at ngumiti.
Tumango naman siya, bumaba na kami at sa labas ng mansion ay may isang puting kotse na naghihintay, pinagbuksan ako ng lalaki sa likod at sumakay naman ako.
"Ako nga pala si Yomi." Saad ko nang pumasok na siya.
"Guardian." Sagot niya habang pinapaandar ang kotse.
"That's your name?"
Tumango siya, nagsimula siyang magmaneho palabas ng mansion, nang nasa labas na kami at mabilis na ang pagpapatakbo niya ay binuksan ko ang bintana para damahin ang simoy ng hangin.
Sumimangot ako nang itaas ni Guardian ang bintana ko at pinalakas ang aircon.
"Ano ba!"
"Baka may makakita po sa inyo, Ma'am."
"Just Yomi is fine."
"Hindi po pwede." Sagot niya, now not to mention, sobrang tinted ng car as if it wants to hide the persons inside.
"Saka ano naman kung may makakita sa akin?"
"Delikado po."
"Huh? Paanong naging delikado?"
Nagbuntong hininga si Guardian, "hindi ko po pwedeng sabihin kung bakit, baka magalit si Young Master."
"Wala naman siya, he wouldn't know." I grinned.
Inalis niya ang isang kamay niyang nakahawak sa manibela at tinuro ang pendant ng necklace niya, napatingin ako doon at nakita ko ang isang maliit na speaker, hindi gaanong halata, akala ko kanina crucifix lang siya.
My eyes formed a slit, magsasalita sana ako ng mura ngunit lumingon si Guardian at nilagay sa labi ang daliri na tila pinapatahimik ako, na ayaw niyang magsalita ako dahil tiyak malalaman ni Liham na sinabi niya sa akin na pinapakinggan niya kami ngayon.
Since Liham is listening to our convo, iinisin ko siya.
"So Guardian, single ka pa ba?"
"Opo, Ma'am."
I made an amazed sound, "sa gwapo mong iyan?" I grinned. Well, totoo naman. Guardian is actually sexy and handsome, mas mukha siyang mature kesa kay Liham siguro dahil nakasalamin siya.
Lumunok si Guardian, halata ang pagdadalawang isip sa mukha, "salamat, Ma'am."
"No problem, for sure maraming babae na nagkakarandapa sa iyo." Ngumiti ako, "so, you know how to shoot right?"
"Po?"
"Shoot guns."
"Opo, Ma'am." Sagot niya.
"Whoa! Cool! I've suddenly taken an interest with guns, minsan kapag may oras ka, turuan mo ako kung paano humawak at bumaril, ha? Mag-firing tayo."
"Baka po ayaw ni Young Master."
I rolled my eyes, "it's not like he'll know, right?" I grinned, I'm such a good pretender.
"T-Tignan ko po..."
"Saka pwede bang tumigil ka na sa pag-po at opo mo sa akin? You make me sound like I'm old." I made my voice as sweet as possible.
Mainis ka ngayon, Liham! Gaya ng pang-iinis mo sa akin!
"O-Okay, Ma'am."
"So, ano ang buong pangalan mo?"
"Guardian Lavigne." Sagot niya.
"Can I call you Ian?" Tanong ko muli, I need to keep this conversation going. Maiinis kaya ng sobra si Liham habang pinapakinggan kami?
"Wala akong magagawa kung iyon ang gusto mo." He smiled, as if forgetting that his boss is watching us, scratch that, listening to us. Seems like he became comfortable with me all of a sudden.
Sa isang iglap ay napapreno si Ian, ako naman ay napatili. Tinignan ko ang dahilan kung bakit, may isang itim na kotse ang humarang sa gitna ng daan namin ni Ian, mabilis niyang binunot ang kanyang baril.
Bumukas ang pinto ng itim na kotse at bumungad ang isang galit na lalaki na may hawak na telepono.
Naglakad siya palapit, si Ian naman ay nagbuntong hininga at binalik ang baril sa lalagyan.
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.